CHAPTER 1

345 3 0
                                    

Carrie's POV

I'm Carrie Rushtom, 18 years old, first year collage. Simpleng babae lang ako pero iba kung magalit dahil kapag nagagalit ako ay nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan na magagawa ko, like pananakit. Simula pag kabata may ganoong side na talaga ako kaya nga may mga tao na natatakot sakin at tinatawag akong halimaw. By the way nandito nga pala ako ngayon sa Dark Hell University. Ang paaralang titatawag nilang paaralan ng mga demonyo dahil lahat ng nag aaral dito ay mamamatay tao. Ito ang paaralan na gusto kong pasukan dahil gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari kay kuya. 3 years ago kasi pumasok dito si kuya dahil gusto niyang alamin kung totoo ba yung sinasabi ng mga tao tungkol sa paaralang ito pero kamakailan lang nabalitaan ko na namatay siya ay mali pala dahil sa tingin ko pinatay siya pero hindi pa ako sigurado doon kaya nga gusto kong pumasok para alamin ang katotohanan at kung sakali man na pinatay nga si kuya ay hindi ako mag dadalawang isip na patayin din kung sino man ang pumatay sakaniya. Hindi naman ako mamamatay tao pero sa tingin ko makakapatay talaga ako kapag nalaman kong pinatay si kuya.

Naisipan kong umalis nalang muna dito dahil wala pa naman akong requirement para makapasok sa paaralang ito. Ang requirement kasi sa paaralang ito ay bangkay ng taong pinatay mo kaya kailangan mo muna talagang pumatay bago ka makapasok sa paaralang ito. Hindi madali para sakin ang pumatay dahil gaya nga ng sinabi ko kanina hindi ako mamamatay tao kaya naman hanggang ngayon hindi parin ako makapasok sa paaralang ito.

Nag tungo na ako sa university na pinapasukan ko at dahil late na ako kakaunti nalang ang nakikita kong mga studyante.

Nag madali na akong mag lakad pero napahinto ako ng may bumangga sakin.

"Ops sorry hindi kasi kita nakita."Sambit ni madeline,ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag papansin at mang away ng mga studyante dito.

Gusto ko sana siyang patulan kaya lang late na ako kaya di ko nalang siya pinansin at nilampasan nalang ngunit ng hawakan niya ang braso ko ay napatigil ako.

"Ang lakas naman ng loob mong lampasan lang ako!"

Isa sa pinakaayaw niya ay yung hindi siya pinapansin.

"Pwede ba Mad wala akong oras para makipag away sayo."Sabi ko.

Pag papasensiyahan ko nalang muna siya sa ngayon kahit naiinis na talaga ako sakaniya.

"P'wes ako meron."Sabi niya sabay tulak sakin dahilan para mapaupo ako dahil sa lakas ng pag kakatulak niya.

"Hahhaha"sabay na tawa nilang mag kaibigan.

Kung kanina kaya ko pang mag timpi p'wes ngayon hindi na. Agad akong tumayo saka siya sinakal.

"Alam mo matagal na akong nag titimpi sayo at ngayon hindi ko na kaya pang mag timpi."Sabi ko at mas lalong diniinan ang pag kakasakal sakaniya.

"Bitawan mo siya halimaw ka!"Sabi ng kaibigan niya habang tinatanggal yung kamay ko sa leeg niya.

Tinanggal ko nanaman ito. Pasalamat siya kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ngayon.

"Hindi ba sinabi ko na sainyo na masama akong magalit."Sabi ko saka tumalikod na.

"At sa tingin mo ba matatakot ako sayo? Halimaw kalang, demonyo ako."Sabi niya na kinalingon ko. Pag lingon ko ay nakita ko na may hawak na siyang kutsilyo kaya agad kong hinawakan ang kamay niya saka pinilipit bago pa niya ako masaksak. Nang mabitawan niya ang kutsilyo ay agad ko itong dinampot saka walang pag aalinlangan na tinusok sakaniyang tiyan dahilan para sumuka siya ng dugo.

"M-Mag babayad ka!"Huling sinabi niya bago siya bumagsak at mawalan ng malay.

Napatingin naman ako sa kaibigan niya na mukhang hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.

"Halimaw ka! Mamatay tao!"Sabi nito saka nag madaling umalis. Hinabol ko naman siya. Nag shortcut panga ako para salubungin siya.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang makatakas?"sambit ko saka ngumisi.

"HINDI!"sigaw niya at akmang tatakbo na ulit sana pero tinalapid ko siya kaya naman napadapa siya. "Please wag maawa ka!"pakiusap niya ng dahan dahan ko siyang nilalapitan.

"Gusto ko sanang maawa pero kailangan ko kasi itong gawin para makapasok sa DHU."Sabi ko at akmang sasaksakin na sana siya pero napatigil ako ng sumigaw siya at makita ko ang mukha niya.

"WAG PLEASE!"

Kitang kita ko ang takot sa mukha niya kaya parang napabalik ako sa huwisyo.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatay ng walang kalaban laban."Sabi ko saka siya tinalikuran.

"Sa tingin mo ba papalampasin ko ang ginawa mo sa kaibigan ko?"pag kasabi niya non ay bigla akong humarap at ng makita ko na popokpokin niya ako ng bato ay mabilis ko siyang sinaksak.

"Hahayaan na sana kita pero ikaw na mismo ang gumawa ng ikamamatay mo."Sabi ko.

Nang tuluyan na siyang mawalan ng hininga ay hinila ko na siya papunta sa kotse ko. Babalikan ko pa sana si Mad pero naisip ko na huwag nalang dahil baka may makakita pa saakin.

Nag tungo na ako sa DHU para mag enroll.

"Good morning miss,anong kailangan mo?"tanong nong guard dito sa DHU.

"Mag eenroll ako."sagot ko.

"Dala mo ba ang requirement?"tanong nito.

"Yes"sagot ko saka tinuro ang kotse ko.

Ngumisi naman siya saka inutusan yung dalawang lalaki na kunin ang bangkay ng kaibigan ni Mad.

"Sasamahan na kita sa office ng headmistress."

Pumayag naman ako dahil hindi ko naman alam kung saan ang office ng headmistress.

Pag kapasok ko palang ng gate ay kita ko na ang talim ng tingin sakin ng mga studyante na para bang gusto nila akong kainin ng buhay.

Pag karating namin sa office ng head ay kumatok muna si manong guard bago pumasok.

"Good morning madame Selena, may gusto pong mag enroll."magalang na sabi ni manong guard.

Pumasok na naman ako kaya napatingin ito sakin.

"Alam mo ba kung ano----"pinutol ko ang sasabihin nito.

"Dala ko napo ang requirement."Sabi ko saka sinenyasan yung dalawang lalaking nag buhat ng bangkay ng kaibigan ni Mad para ipasok ang bangkay nito.

"Then good."nakangisi nitong sabi saka may inabot na papel sakin."paki fill upan mo nalang yan then bukas pwede kanang pumasok."

Finill-upan ko nanaman ito at ng matapos na ay binalik ko na ito sakaniya.

"Welcome to Dark Hell University Miss Rushtom."

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now