CHAPTER 21

54 1 0
                                    

Carrie's POV

Hindi ko na nakita pa si Cindy kaya naisipan kong si Casper nalang ang hanapin ko para masabi ko sakaniya na may hindi magandang binabalak si Cindy na baka ikapahamak nito.

Pinuntahan ko ito sa room niya pero wala siya kaya naisipan kong pumunta sa libingan ng mga patay dahil baka nandun siya at tama nga ako dahil nandito siya.

Lalapitan ko na sana siya pero naunahan ako ni Casey.

"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap."rinig kong sambit ni Casey.

Ano naman kayang kailangan niya kay Casper at hinahanap niya ito?

"Bakit?"tanong ni Casper.

"Gusto lang kitang balaan dahil inutusan kami ni madame Selena na patayin ka."sambit ni Casey.

"Kung inutusan pala kayo na patayin ako, bakit hindi mo pa ako pinapatay?"sambit ni Casper.

Bakit parang gusto niya na patayin siya nito?

"Alam mo naman na hindi ko kayang gawin yun sayo."sambit ni Casey.

Sa totoo lang naiinis talaga ako kay Casey dahil masyado siyang feeling mabait, demonyo rin naman.

Lumapit nanaman ako sa kanila dahil baka mahuli na kami ni Casper at hindi na namin magawang mapigilan pa si Cindy.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Casey ng makita ako.

Hindi ko naman siya pinansin samantalang ay tiningnan ko si Casper na ngayon ay nakatingin din sakin. Alam ko kahit di siya mag salita nag tatanong din siya kung bakit ako nandito.

"Sumama ka sakin."Sabi ko kay Casper.

"At bakit naman siya sasama sayo?"sambit ni Casey kaya napatingin ako sakaniya.

"Dahil kailangan niyang sumama sakin."sagot ko

Tumawa naman siya.

"Alam mo alam ko na kinausap kalang ni Gerry para dalhin siya sakaniya kaya hindi ka dapat sumama sakaniya Casper."sambit niya

Nakakainis talaga ang babaeng ito. Sabat ng sabat e hindi naman niya alam ang dahilan kung bakit ko sinasama si Casper.

"Sasama ako"sambit ni Casper na kinangiti ko.

Oh ano ka ngayon Casey.

"What! Seryoso kaba na sasama ka sakaniya pano kung dalhin ka niya kay Gerry?"sambit ni Casey

"Hindi ka naman sigurado."sambit ni Casper.

Tama si Casper, Hindi naman siya sigurado pero kung makapag salita akala mo siguradong sigurado.

"Yeah pero---"pinutol ni Casper yung sasabihin niya sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay niya. Tsk!

"Wag kang mag alala kaya ko naman ang sarili ko."sambit ni Casper.

Ngumiti naman si Casey saka tumango tango.

"Let's go"sambit ni Casper.

Hindi ko naman siya pinansin samantalang ay nauna na akong mag lakad.

"San ba tayo pupunta?"tanong niya.

"Sa impyerno!"sagot ko dahil naiinis ako sa di malamang dahilan.

"What?"tanong niya

Napabuntong hininga naman ako saka ko siya hinarap ng maalala ko si Cindy.

"Nakausap ko si Cindy kanina at sa tingin ko may binabalak siyang gawin na baka ikapahamak niya dahil sinabi niya sakin na kapag di na daw siya nakabalik sabihin ko sayo na patawad."sambit ko.

"San mo siya nakitang pumunta?"tanong niya.

Tinuro ko naman sakaniya.

Nag madali naman siyang pumunta sa tinuro ko kaya sinundan ko siya.

Hinanap namin si Cindy pero hindi namin ito nakita.

Hanggang sa may marinig kaming kaluskos kaya napatingin kami kung san ng galing yun at sa di kalayuan ay nakita namin yung lalaking nakamaskara na buhat buhat si Cindy.

Dali dali naman kaming lumapit sa kinaroroonan nito pero bago paman kami makalapit ay inilapag na nito si Cindy sa damuhan saka ito nag madaling umalis.

Nang makalapit na kami ay agad naming chineck si Cindy kung humihinga pa at laking pasasalamat ko ng humihinga pa ito.

"May papel"sambit ko ng may makita akong papel na hawak ni Cindy na sa tingin ko ay may nakasulat.

Dali dali naman niya itong kinuha saka binasa yung nakasulat at ng matapos niya itong basahin ay napayukom nalang siya ng kamao saka niya ito yinukos.

"Anong nakasulat?"tanong ko pero hindi niya ako sinagot samantalang ay binuhat na niya si Cindy saka siya nag lakad. Sinundan ko nalang naman siya.

Dinala niya si Cindy sa isang room na wari ko ay room ni Cindy.

"Pwede mo ba siyang palitan ng damit."sambit ni Casper pag ka higa niya kay Cindy.

Tumango naman ako kaya lumabas muna siya.

Kumuha nanaman ako ng damit saka ko nilinisan muna si Cindy bago ko siya palitan at ng matapos na ako ay lumabas na ako para sabihin kay Casper na tapos na ako.

"Tapos na"Sabi ko kay Casper.

"Salamat, pwede kanang umalis, ako nang bahala sakaniya."sambit niya

Gusto ko pa sanang antayin na magising si Cindy bago ako umalis pero pinaalis na ako ni Casper kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis.

Pag karating ko sa room ko ay nag bihis muna ako bago nahiga.

Habang nakahiga ako ay bigla akong napaisip kung yung lalaking nakamaskara ba yung may gawa nun kay Cindy pero sa tingin ko hindi naman siya, sa tingin ko nga siya pa yung nag ligtas kay Cindy pero sino naman kayang nag lakas loob na gawin yun sakaniya e siya ang rank 1.

Ang isa pa na gumugulo sa isipan ko ngayon ay yung sinabi niya tungkol kay Daddy. Ang pag kakaalam ko talaga ay namatay si daddy dahil sa aksidente ang hindi ko alam namatay pala ito dahil may pumatay sakaniya at alam pala yun ni kuya pero hindi niya sinabi sakin kaya tuloy pumasok siya ng mag isa dito para mag higante. Kung sinabi lang niya sana sakin ang layunin niya sa pag pasok dito edi sana nasamahan ko siya,hindi sana siya nag isa,hindi siguro siya namatay.

"Kuya, daddy wag kayong mag alala dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko napag babayad ang pumatay sainyo."sambit ko sa sarili ko.

Sa tingin ko kailangan ko ng kakampi at isa lang ang naiisip ko na pwede kong maging kakampi at yun ay si Dark dahil iisa lang ang taong pumatay sa pamilya namin kaya kinakailangan ko siyang mahanap sa ngayon kailangan ko na munang matulog dahil gabi na.

Kinabukasan

Maagap akong nagising actually hindi naman talaga ako nakatulog dahil ang daming gumugulo sa utak ko kagabi.

Ginawa ko na yung morning routine ko at nang matapos na ako ay ginayak ko na yung mga gamit ko. Habang inaayos ko yung bag ko ay bigla nalang nahulog yung kutsilyo na binigay sakin ni Cindy. Kinuha ko naman ito saka tiningnan. May nakaukit sa hawakan nito na maliit na pangalan at yun ay Darla.

Bigla ko namang naalala si Darla ang dati kung naging kaibigan na anak ng amo ni Daddy. Napaisip tuloy ako kung kay Cindy ba talaga itong kutsilyo na ito pero kung kaniya ito bakit Darla ang nakapangalan at hindi Cindy.

Imposible naman siguro na siya si Darla dahil ang pag kakaalam ko matagal ng patay si Darla.

Kanino nga kaya talaga ang kutsilyo na ito at sino kaya si Darla?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now