CHAPTER 42

43 1 0
                                    

Cindy's POV

Hindi ko lubos akalain na may mag tatraydor samin. Kilala ko naman ang mga kasali sa rank dahil palagi ko silang nakakasama. Si Nethan, matulungin siya, marami na siyang natulungang tao and mag kaibigan sila ni Carlo kaya imposible na siya yung mag traydor, si Casey kahit na kababata siya ni Gerry at medyo close sila ay alam ko naman na may gusto siya kay kuya bata palang and hindi rin naman niya gusto ang ginagawa nila Madame Selena kaya sa tingin ko hindi niya rin magagawang mag traydor pero hindi ako sigurado dahil ne-reject siya ni kuya kaya may posibilidad din na mag traydor siya, si Dave, wala naman akong makitang rason para mag traydor siya, bata pa siya at ang gusto lang niya ay makalaya at mangyayari lang yun kapag nawala na sila Madame Selena kaya nga siya nakipag tulungan samin e, sila Julius at Mica naman ay malaki rin ang galit nila kila Madame Selena dahil namatay ang mga kaibigan at pinsan nila na kasamang pumasok dito dahil sakanila kaya wala rin akong nakikitang rason para mag traydor sila.

Alam ko na alam na ni kuya kung sino ang traydor,ayaw lang niyang sabihin dahil siguro hindi pa niya alam kung ano ang dahilan nito para mag traydor and ayaw niya rin siguro na malaman nung traydor na alam na niya kaya sinabi nalang niya na hindi niya alam o kaya naman ayaw lang niya talagang sabihin. Kilala ko siya, mas gusto niya na sinasarili nalang ang lahat dahil ayaw niya na may nadadamay and hindi rin kasi siya nag titiwala kahit na kanino, kahit nga sakin feeling ko wala rin siyang tiwala buti nga at pumayag siya na makipag tulungan sa grupo ni Carlo at alam ko na dahil yun kay Carrie kaya nga malaki ang pasasalamat ko sakaniya. Noong una pinapalayo ko siya kay kuya dahil ayaw ko na masira ang plano namin ni kuya at magaya ito sakin noong minahal ko si Carlo pero ngayon mas gusto ko na kasama siya ni kuya dahil nakikita kong masaya si kuya at malaki naman ang tiwala ko kay kuya na hindi niya magagawang baliwalain lahat ng pinag hirapan namin maipag higanti lang ang pag kamatay ng mga magulang namin and alam ko rin naman na mag kaiba kami. Kung ako noon naging kahinaan ko si Carlo, siya naman ay ang lakas niya ay si Carrie, sinabi niya yun sakin na si Carrie yung lakas niya dahil sa tuwing kasama niya ito nagiging malakas siya, nagiging malakas ang loob niya na harapin lahat ng pinag dadaanan niya kaya hindi ko na sila pinigilan, tinulungan ko panga para lang mag kaaminan na sila. Kung interesado pa kayong malaman kung ano yung binulong ko kay Carlo na condition ko para hindi ako makipag hiwalay sakaniya ay yun ay Tulungan niya ako na pag lapitin sila Kuya at Carrie ng sa ganon malaman na ni Carrie na may nararamdaman na siya para kay kuya at ng maamin narin niya ito para maging sila na. Kapag kasi naging sila baka pumayag narin si kuya sa relasyon namin ni Carlo. Hanggang ngayon kasi mahal ko parin si Carlo.

Noong pumasok dito si Carrie, natuwa ako dahil nakita ko ulit ang bestfriend ko pero hindi ako nag pakilala sakaniya noon dahil hindi pwede lalo na't ang alam ng lahat ay patay na si Darla kaya nag panggap nalang ako na hindi ko siya kilala at hindi ko rin pinakita sakaniya ang ugali ko noong ako si Darla sa halip ay ang pinakita ko sakaniya ay ang ugali ko ngayon bilang si Cindy para hindi niya malaman na ako talaga si Darla na bestfriend niya. Hindi naman nga niya nalaman noon kaya nga medyo nalungkot ako dahil akala ko talaga nakalimutan na niya ako. Palihim ko siya noong pino-protektahan dahil sa gusto kong makabawi sakaniya. Palagi kasi niya akong pinag tatanggol noong mga bata pa kami kay Gerry kaya gusto ko na ako naman yung mag tanggol sakaniya.

Balik tayo, alam ko na napapaisip narin ang mga kasamahan ko kung sino yung traydor samin at sa tingin ko kinakabahan na kung sino man yun.

"Kuya,usap tayo."Sabi ko kay kuya.

Hindi pa man siya pumapayag ay lumabas na ako. Sumunod naman siya.

"Sino?"tanong ko.

"Hindi mo na kailangan pang malaman."Sabi niya.

Sabi ko nanga ba alam na niya kung sino at ayaw lang niyang sabihin.

"Bakit naman kuya? Pati ba sakin wala karing tiwala?"Sambit ko.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon