CHAPTER 4

75 1 0
                                    

Carrie's POV

Napag alaman kong kasali sa rank yung pinatay ni Cindy ang hindi ko pa alam ay kung sino si Dark na tinutukoy nito. Sino nga kaya si Dark at bakit pinag iingat kami dito nong lalaki? Mapanganib kaya itong tao?

"Bakit kapa pumasok dito?" Napalingon naman ako sa likuran ko ng may marinig akong boses ng babae na nag tanong. "Napaka sarap mabuhay sa labas pero bakit mas pinili mo pang pumasok sa paaralang ito?....Isa karin ba sakanila?"

Naguluhan naman ako sa tanong nito. Ano bang ibig niyang sabihin na isa rin ako sakanila? Baka naman ang tinutukoy niya ay kung isa rin ako sa mga demonyo na walang awang pumapatay p'wes kung yun nga ang ibig niyang sabihin sa tanong niya ay hindi naman ako ganoon dahil may awa parin ako saka ang pinapatay ko lang naman ay yung may atraso sakin.

"Kung isa karin sakanila wag mo nalang ituloy dahil hindi mo sila kaya. Kaya mas mabuti pang umalis kanalang habang maaga pa."Sabi nito kaya mas lalo lang akong naguluhan.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

Ngumiti lang naman siya saka nag lakad na paalis.

"Sandali lang!"pigil ko sakaniya saka siya sinundan.

Hindi naman siya huminto sa pag lalakad sa halip ay tumakbo panga siya kaya hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan pa dahil may nabunggo ako.

"Hey, are you alright?"tanong nong lalaking nabunggo ko.

Napatango nalang ako.

"Ikaw ba yung bagong pasok?"tanong nito.

"Yes"sagot ko

"Okay by the way I'm Nethan."pakilala niya saka inabot ang kamay.

"Carrie"pakilala ko rin pero hindi ako nakipag shake hands. Mahirap na baka mamaya mahiwa nanaman ako pero wait parang familiar yung pangalan niya. Parang nakita ko ito sa list ng mga kasali sa rank.

Tiningnan ko naman siya at ng makita ko na may nakalagay na rank two sa damit niya ay don ko nakumpirma na isa nga siya sa mga kasali sa rank. Infairness hindi halata sakaniya na marami na siyang napatay dahil ang amo ng mukha niya pero sabagay hindi naman basehan ang itsura dahil yung iba nga mukhang demonyo pero sila pa pala yung mabubuti.

"Ayos kalang ba talaga?"tanong nito.

"Oo naman by the way I have to go."Sabi ko saka nag lakad na paalis.

Sa tingin ko kailangan ko siyang iwasan dahil marami na siyang napatay at di malabo na manaksak nalang siya bigla.

Nag tungo na ako sa dorm ko dahil hapon na at kailangan ko pang mag ayos ng gamit.

Pag katapos kong mag ayos ng mga gamit ko ay nahiga na ako.

Kinabukasan.Maagap akong gumising dahil balak kong hanapin yung babaeng nakausap ko kahapon dahil sa tingin ko marami siyang nalalaman tungkol sa paaralang ito kaya gusto ko siyang makausap.

Hindi ko alam kung saan ang classroom niya kaya nag tungo muna ako sa library para alamin ang section niya. Meron kasing list sa library ng mga pangalan ng mga studyante saka section nito.

Madali ko lang naman nahanap ang pangalan niya saka section dahil may picture namang nakalagay sa list.

Nag tungo na ako sa classroom niya pero bago pa man ako makarating ay nakita ko na siya kaya agad ko siyang nilapitan pero ng makita niya ako ay bigla nalang siyang tumakbo kaya hinabol ko siya.

"SANDALI LANG!"Sigaw ko.

Huminto naman siya sa pag takbo saka ako hinarap.

"Ano bang kailangan mo?"tanong niya.

"May gusto lang akong itanong."

Hindi naman siya umimik kaya naisipan kong mag tanong nalang.

"Matagal kana ba dito?"tanong ko

Tumango lang siya.

"Kung ganon marami kanang nalalaman?"

"Bakit mo tinatanong?"tanong rin nito.

"Gusto ko lang malaman kung anong alam mo."sabi ko.

"Mas mabuting wala kang alam kaya kung maaari wag mo nalang alamin."sambit nito saka tumalikod na.

"Sandali lang"pigil ko ulit sakaniya saka hinawakan ang braso niya dahil baka mamaya tumakbo nanaman siya. "Gusto ko lang itanong kung may kilala kabang Carlo Rushtom?"

Humarap naman siya kaya binitawan ko na siya.

"Yes isa siya sa pumasok dito na madaling nakasali sa rank."sagot niya.

Kung ganon nakasali pala sa rank si kuya so ibig sabihin marami siyang pinatay.

"Kilala mo ba kung sino ang pumatay sakaniya?"tanong ko.

Umiling naman siya.

"Hindi dahil bigla nalang siyang nawala at nabalitaan ko nalang na patay na siya pero sa tingin ko isa sa mga kasali sa rank ang pumatay sakaniya dahil lahat ng kasali sa rank ay ang mga may katungkulan lang ang may kakayahang pumatay dito."

Kung ganon baka nga isa sa mga kasali sa rank ang pumatay kay kuya.

"Aalis na ako,"paalam niya.

"Wait lang, may isa pa akong gustong itanong. Kilala mo ba si Dark?"

Umiling naman siya.

"Iilan lang ang nakakakilala sakaniya pero marami ang gusto siyang makilala. Maaari ngang nakasalamuha na natin siya pero kakaunti lang ang may alam kung sino talaga siya."

Napaka misteryoso naman pala ng Dark na yun.

"Kailangan ko na talagang umalis,hindi na ako ligtas dito."sambit niya saka nag madali ng umalis.

Pipigilan ko pa sana siya dahil marami pa akong gustong itanong pero nabigla ako ng bigla nalang siyang sumuka ng dugo saka natumba at nawalan ng malay. Napaka bilis ng pangyayari hindi ko manlang nakita kung paano nangyari.

Lalapitan ko sana siya para e-check kung humihinga pa pero napahinto ako ng makita ko si Casper. Siya yung lalaking unang kumausap sakin, tiningnan ko rin kasi ang pangalan niya library.

"Ikaw ba ang pumatay sa kaniya?"tanong ko dahil sa tingin ko siya ang nag pakawala ng kutsilyo na tumama kay Kate.

"Ako nga"proud pa na sagot niya.

Bigla namang nabuhay ang dugo sa loob ko. Wala talaga silang awa kung pumatay.

"Bakit mo siya pinatay?!"tanong ko

Ngumisi naman siya.

"Dahil masyado na siyang maraming nalalalaman. Ikaw gusto mo bang sumunod sakaniya?"

Sa pag kakataong ito parang gusto kong pumatay. Mabilis kung kinuha ang kutsilyo sa bag ko at hinaya sakaniya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.

"Kabago bago mo palang pero ang lakas ng loob mo."sambit niya.

Pinilit kong agawin sakaniya yung kamay ko pero di ko magawa samantalang ay nagulat nalang ako ng bigla niya akong isandal sa pader.

"Kung gusto mo pang tumagal dito huwag mo nang alamin pa lahat."sambit niya bago ako bitawan at umalis.

Kahapon lang sinabi niya sakin na nakakaawa ako dahil mamamatay akong walang nalalaman tapos ngayon na inaalam ko sasabihin naman niya na huwag ko nalang alamin pa lahat. Hayst! Napakagulo talaga ng mga tao dito.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now