CHAPTER 40

44 2 0
                                    

Carrie's POV

After 10 minutes

"Let's continue"Sabi sakin ni Casper.

"Teka lang pwede bang 20 minutes pa o kaya kahit 10 minutes nalang pero mas maganda kung 1 hour hehe."Sabi ko. Ang bilis naman kasi ng 10 minutes. Pagod pa ako e tapos inaantok pa ako dahil wala akong tulog kagabi ng dahil sa sinabi niya.

"No"tipid niyang sabi.

"Per---"

"No but's"pag putol niya sa sasabihin ko.

Grabe naman siya! Kumo mukhang hindi siya napapagod. Galit nga siguro siya kaya siya ganito sakin pero hindi naman pwede na siya yung masusunod noh! Sarili ko naman ito at may sarili akong desisyon kaya sa ayaw at sa gusto niya mag papahinga ako. Bahala siyang mag ensayong mag isa!

"Hi---"

"Tahimik! Kung ayaw mong patahimikin kita sa pamamagitan ng pag lapat ng labi ko sa labi mo."Sabi niya

Ano daw? Seryoso ba siya? Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya?

Tumahimik nalang ako kahit na gustong gusto kong mag salita dahil ang dami kong gustong sabihin sakaniya. Nang mapahikab ako ay agad kung tinakpan yung bibig ko.

"Okay fine, matulog kana muna."Sabi niya

Natuwa naman ako kaya dali dali akong nag tungo sa may duyan saka humiga pero napabangon din ako ng makita ko si Casey na palapit kay Casper. Anong ginagawa niya dito?

"Hi nag e-ensayo kaba?"tanong ni Casey kay Casper.

"No, may tinuturuan lang ako."sagot ni Casper.

"Pwede mo rin ba akong turuan." Malanding sabi ni Casey.

Tumingin naman muna sakin si Casper bago sumagot.

"Sure"Sabi niya.

What?! Pumayag siya! Akala ko ako lang yung tuturuan niya, may iba pa pala! Bakit ba hindi niya matanggihan si Casey? Kung hindi lang niya sinabi sakin na gusto niya ako iisipin ko na meron siyang gusto dito o baka naman meron talaga at sinabi lang niya na ako yung gusto niya kahit ito naman talaga yung gusto niya, nahihiya lang siyang aminin kaya sinabi nalang niya na may iba siyang nagugustuhan at ako yun.

Nang tumingin sakin si Casey ay bigla nalang itong ngumisi na kinainis ko.

"Ganito ba?"tanong ni Casey kay Casper ng mag simula sila.

"No"Sabi ni Casper saka niya inayos yung pag kakahawak ni Casey dun sa katana.

Nakakainis! Halata naman na sinasadya ni Casey na hindi ayusin yung pag kakahawak niya sa katana para lang hawakan siya ni Casper at ito namang lalaking ito masyadong nag papa uto tsk!

Nang hindi ko na matiis na panoorin sila ay agad akong tumayo saka nag lakad na paalis pero napahinto ako ng may humawak sa braso ko.

"San ka pupunta?"tanong ni Casper.

"Babalik na sa dorm."sagot ko ng hindi siya tinitingnan.

"Akala ko tutulog ka."Sabi niya

"Oo nga, sa dorm ako matutulog."Sabi ko.

"Sige"Sabi niya na kinatingin ko sakaniya.

What?! Hindi ba manlang niya ako pipigilan?! Akala ko gusto niya akong makasama pero nung dumating si Casey biglang gusto na niya akong umalis! Mas gusto pa pala niyang makasama ang babaeng ito kaysa sakin! P'wes mag sama silang dalawa!

Padabog akong nag lakad paalis ng bitawan niya yung braso ko pero bago yun sinamaan ko muna ng tingin si Casey.

"Kamusta training?"Nakangiting tanong ni Cindy sakin ng makarating ako sa dorm.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon