CHAPTER 8

62 1 0
                                    

Carrie's POV

Hindi pa nag liliwanag ng mag tungo ako kung saan kami mag kikita ni Misty. Mahigit isang oras akong nag hintay bago siya dumating.

"Kanina kapa ba dito?"tanong niya

Tumango lang ako.

"Pasensiya na may tinapos pa kasi ako."sambit niya

"Okay lang medyo napaagap lang talaga ako."

Ngumiti naman siya.

"Handa kanabang malaman lahat ng nalalaman ko?"

Tumango lang ako.

"Ang paaralang ito ang pinakasikat dati hanggang ngayon naman pala pero hindi tulad dati na sikat ito dahil matatalino at mayayaman lang ang nakakapasok."panimula niya

Simula palang pero ang dami ng namuong tanong saaking isipan.

"Dark high university, yan ang dating pangalan ng paaralang ito. Pinangalan ito sa panganay na anak ng dating may ari ng paaralang ito."

"Si Dark"sambit ko

Ngumiti naman siya

"Tama ka, Si Dark nga ang panganay na anak ni Mr.Daryl ang dating may ari ng paaralang ito. Namatay ay mali pinatay si Mr.Daryl pero walang makapag sabi kung sino ang pumatay sakaniya at makalipas ang isang linggo ay pinatay din ang asawa nito at dalawang anak. Ang buong akala nila nag tagumpay sila na patayin ang buong pamilya ni Mr.Daryl pero nag kamali sila dahil nakaligtas ang panganay na anak nito at ngayon sinasabi ng ilan na bumalik para mag higante pero walang may alam kung sino siya dahil lahat ng nakakakilala sa kaniya ay pinapatay kaya ikaw wag mo ng subukin pang kilalanin siya."pag papatuloy niya

Nakakaawa naman ang sinapit ng pamilya ni Dark.

"Kailan at paano nga pala nag simula ang patayan dito?"tanong ko

"Noong namatay si Mr.Daryl pati ang pamilya nito ay marami ang nagalit dahil napaka buti ni Mr.Daryl. Ang ilang mga studyante ay nag higante at don nag simula ang patayan dito. Ang dating Dark High University na tinuturing na pinaka mataas na paaralan dahil matatalino at mayayaman lang ang nakakapasok ngayon ay napalitan ng Dark Hell University na tinuturing na impyerno dahil lahat ng mag aaral ay demonyo."sambit niya.

Ngayon malinaw na saakin ang lahat.

"Ngayon na alam mo na ang lahat, handa kanabang mamatay?"tanong niya.

Sa tono ng pananalita niya parang may binabalak siya.

"What do you mean?"

Humalakhak naman siya.

"Sinabi ko na sayo na kapag nalaman mo ay papatayin ka nila at ngayon na alam mo na, ako nalang ang papatay sayo."sambit niya saka mabilis na nag labas ng kutsilyo pero bago pa man niya ako masaksak ay may sumaksak na sakaniya.

"C-Cindy"nahihirapan niyang bigkas sa pangalan ni Cindy.

"Ako nga, Sino paba sa inaakala mo ang papatay sayo?"sambit ni Cindy.

"Akala mo ba mapapatay mo ako ng ganon ganon lang?"sambit ni Misty saka niya sinugod si Cindy.

Tahimik lang ako habang pinapanood silang mag laban. Pareho silang magaling pero mas magaling si Cindy dahil nagawa niyang talunin si Misty ng hindi manlang nasusugatan.

"Hindi mo ako kaya bitch!"sambit ni Cindy bago niya saksakin Misty.

Nakatulala lang ako habang pinapanood ang pag danak ng dugo na nag mumula kay Misty. Hindi ko akalain na magagawa niya ito akala ko siya na yung taong mapag kakatiwalaan ko dito pero nag kamali ako. Ngayon alam ko na, na wala akong pwedeng pag katiwalaan dito kundi ang sarili ko lang.

"Masyado kang nag titiwala yan tuloy muntikan kanang mamatay buti nalang at dumating ako."sambit ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Bakit mo ako niligtas?"tanong ko kay Cindy.

Ngumisi naman siya.

"Masyado pa kaseng maaga para mamatay ka."sagot niya.

"Pero alam ko na lahat kaya bakit hindi mo pa ako pinapatay?"Hindi naman sa gusto ko ng mamatay, nag tataka lang ako kung bakit hindi pa niya ako pinapatay ngayon na alam ko na lahat.

Humalakhak naman siya.

"Hindi pa lahat, marami kapang hindi alam and wag kang masyadong mag madali sa'yong kamatayan dahil darating din tayo diyan."sambit niya saka umalis na.

Ano paba ang hindi ko alam?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now