CHAPTER 5

82 1 0
                                    

Carrie's POV

Nandito na ako ngayon sa classroom. Nag start nanga ang klase pero wala akong maintindihan dahil ang dami kung iniisip hanggang sa matapos na kaya nag silabasan na ang ibang mga studyante.

"Ready kanaba mamaya?"tanong ni Cindy

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni ma'am kahapon na mag lalaro nga pala kami ngayon. Nawala kasi sa isip ko kaya hindi tuloy ako nakapag handa.

Tumango nalang ako kahit hindi ako nakapag handa.

"Mabuti naman, ayaw ko kasi na may kagrupong hindi handa."sabi niya bago lumabas.

Lumabas narin naman ako at pag labas ko nakita ko si Casper at Cindy na nag kasalubong. Nag katinginan sila bago lampasan ang isa't isa. Yung tinginan nila parang may pinahihiwatig. Parang nag usap sila gamit ang mata.

"Kilala mo si Cindy?"tanong ko kay Casper ng makalapit siya sakin.

"Sino namang hindi makakakilala sakaniya. Isa siya sa pinaka kinatatakutan dito."sagot niya.

Tama naman siya sino nga bang hindi makakakilala kay Cindy e siya yung Rank one.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Sandali lang,"pigil ko sa pag alis niya.

"Ano nanaman bang kailangan mo?"tanong niya.

"Pinatay mo kasi si Kate na natatanging sumasagot ng katanungan ko kaya ngayon sayo nalang ako mag tatanong."nakangiting sabi ko.

"Diba sinabi ko na sayo na huwag mo nang ala---"pinutol ko yung sasabihin niya

"Mamamatay din naman ako kaya mas mabuti ng malaman ko lahat bago ako mamatay kaysa naman mamatay akong walang alam."

Tumingin naman siya sa akin.

"Bahala kana pero ito lang ang masasabi ko sayo. Wala kang mapapala sakin."sambit niya saka nag lakad na paalis.

Sinabayan ko naman siya sa pag lalakad.

"Bakit naman wala? Diba marami karing alam?"sambit ko.

"Diba sinabi ko na sayo na ordi---"pinutol ko nanaman yung sasabihin niya.

"Ordinaryong studyante kangalang na matagal na dito kaya alam ko na marami kanang nalalaman."sambit ko.

Bigla naman siyang humarap sakin kaya napaatras ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Bakit ba ang kulit mo? Diba sinabi ko sayo na kung may gusto kang malaman sa mga official ka mag tanong."sambit niya bago siya tuluyang umalis.

Sa tingin ko marami talaga siyang nalalaman kahit ordinaryong studyante lang siya, ayaw lang niyang sabihin dahil siguro may kinatatakutan siya kaya palagi niyang sinasabi na sa mga official ako mag tanong o kaya baka may iba pa siyang dahilan pero kahit ano paman ang dahilan niya hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya sinasabi sakin ang mga nalalaman niya. Kasalanan naman kasi niya kung hindi niya pinatay si Kate edi sana ito yung kinukulit ko at hindi siya.

Hindi ko nalang muna siya sinundan dahil nagugutom na ako. Nag punta na akong cafeteria para kumain. Nang maka order na ako ay humanap na ako ng mauupuan at nang makahanap na ako ay umupo na ako dito saka sinimulan ng kumain.

"Pwede bang makiupo?"Nang marinig ko ang boses ni Nethan ay napaangat ako ng tingin.

Hindi ko nalang naman siya pinansin at pinag patuloy nalang ang pag kain.

"Okay kalang ba?"tanong niya.

Bakit ba lagi nalang niya akong tinatanong kung okay lang ako?

"Bakit ba lagi mo nalang tinatanong kung okay lang ako?"tanong ko.

"Ang tahimik mo kasi at parang laging may malalim na iniisip."sagot niya.

Oh ano naman sakaniya ngayon?

"So kailangan ba lagi akong mag salita?"masungit kong tanong.

Minsan talaga lumalabas yung pag ka masungit  ko lalo na kapag gutom ako.

"Hindi naman, mas mabuti ngang tahimik kalang para hindi ka nila pag interesang patayin."

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

Ngumiti naman siya.

"Hindi na mahalaga kung ano ang ibig kong sabihin. Ito lang ang tandaan mo mas mabuting wala kang alam dahil kapag nalaman mo paniguradong hindi kana nila bubuhayin pa."Sabi niya.

Kung ganon pinapatay pala nila lahat ng may alam na pero kung ganon nga bakit buhay parin si Casper hanggang ngayon?

"Aalis na ako."paalam niya saka tumayo na at nag lakad paalis.

Umalis narin naman ako dahil tapos na akong kumain. Nag tungo na ako sa room ko.

"Buti naman at nandito kana."pang bungad na sabi sakin ni Cindy. "Nelie ipakilala mo nga sakaniya lahat ng kaklase natin."utos niya sa katabi niya na agad naman nitong sinunod.

Matapos nitong maipakilala sakin isa isa ang mga kaklase namin ay dumating na si ma'am.

"Ready naba kayo?"tanong ni ma'am samin.

Tumango naman ang ilan pero karamihan ay hindi sumagot.

"Then, let's play"

Nag sipag labasan naman sila ng kutsilyo kaya nakigaya narin ako.

"Ipag tatabi niyo yan dahil sa ngayon lakas muna ang gagamitin natin sa pakikipag laban at kayong mag kaka grupo ang mag kakakampi at kung sino mang grupo ang mananalo sa laban ay exempted na sa exam."sambit ni ma'am.

Di ko akalain na may exam rin pala dito.

"Let's start"sambit ni ma'am kaya naman nag si pag handa na ang lahat.

"Game"

Pag kasabi palang non ni ma'am ay nag si suguran na sila.

May isang sumugod sakin at hinayaan ako nito ng suntok buti nalang at nakailag ako. Agad ko naman siyang sinipa na kinatalsik niya pero bigla akong napahinto ng makita ko ang isa sa mga kaklase namin na duguan at puro sugat na kinataka ko dahil ang pag kakaalam ko ay hindi pwedeng gumamit ng patalim kaya panong nag karoon siya ng mga sugat?

"Dito walang laro na walang daya kaya kung gusto mong manalo kailangan mong gumamit ng utak."makahulugang bulong sakin ni Cindy.

Kung ganon may nang daya at gumamit ng patalim.

"Ano tatayo kanalang ba diyan?"sambit ni Cindy kaya agad ko siyang tinulungan na patumbahin ang mga natitira naming kalaban.

Pumalakpak naman si ma'am matapos naming mapatumba lahat ng kalaban.

"Magaling! At dahil kayo ang nanalo excemted na kayo sa exam."sambit ni ma'am.

"Sandali lang ma'am,may gusto lang akong itanong."lakas loob kung sambit "Akala ko ba hindi pwedeng gumamit ng patalim pero bakit may gumamit nito?"

Humalaklak naman siya.

"May sinabi ba akong hindi pwedeng gumamit?"tanong nito.

Wala nga siyang sinabi pero malinaw na sinabi niya na lakas ang aming gagamitin.

"Kung gusto mong matalo agad ang kalaban kailangan mong gumamit ng utak." Sambit ni ma'am bago umalis.

Ngayon gets ko na kaya may gumamit ng patalim ay para madali nitong matalo ang kalaban.

"Stupid! Pasalamat ka ako ang naka grupo mo dahil kung hindi baka isa kanarin sa kanila."sambit ni Cindy bago lumabas.

Tiningnan ko naman ang mga kaklase namin na puro pasa at ang iba naman ay sugatan.

Madaya talaga silang makipag laro.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now