CHAPTER 9

65 1 0
                                    

Carrie's POV

Nandito ako ngayon sa gym nag e-ensayo. Malapit na kasi ang fight for life kaya naisipan kong mag ensayo and sa tingin ko kailangan ko rin talagang mag ensayo dahil hindi pa naman ako ganon kagaling, para rin kapag nag kaharap na kami ng taong pumatay kay kuya ay matalo ko ito. Nang makita ko kasi kung paano nag laban sinda Cindy at Misty ay don ko napag tanto na hindi madaling kalaban ang mga kasali sa rank.

"Mukhang nag hahanda ka para sa paparating na laban."sambit ni Nethan na ngayon ay kararating lang.

Hindi ko nalang ito pinansin pa at pinag patuloy nalang ang pag e-ensayo.

"Bakit kaba sumali sa fight for life?"tanong niya.

Tumigil naman ako sa pag e-ensayo at hinarap siya.

"Dahil gusto kong mapasali sa rank."sagot ko

"Pero walang kasiguraduhan na mananalo ka."sambit niya

"Kaya nga ako nag e-ensayo para makasigurado na mananalo ako."sambit ko

Wala ngang kasiguraduhan na mananalo ako sa laban pero gagawin ko ang lahat manalo lang para sa ikakatagal ko dito.

"Matapang ka para sa isang baguhan lang. Ikaw lang yung baguhan na pumasok dito na sumali agad sa fight for life."sambit niya. "Gusto mo bang tulungan kitang mag ensayo."alok niya

"Hindi na kailangan kaya kong mag ensayo ng ako lang. Hindi ko kinakailangan ng tulong ng kahit na sino."sambit ko saka umalis na dahil alam ko na isa lang din siya sa mga nag papanggap kaya hindi dapat ako mag tiwala sakaniya.

Hindi pa man ako nakalalabas ng makita ko si Casper kaya napahinto ako.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay Casper kasi ang alam ko lagi lang naman siyang nandon sa libingan ng mga patay at inaantay ang kaniyang kasintahan. Masyado siguro silang patay na patay sa isa't isa kaya don nila naisip na mag tagpo.

Hindi naman niya ako sinagot samantalang ay tinalikuran lang niya ako saka nag lakad na paalis. Lagi naman niya itong ginagawa e kapag kinakausap ko siya lagi nalang siyang umaalis. Sinundan ko naman siya at hinayaan ng kutsilyo pero wala akong balak na saksakin siya gusto ko lang malaman kung gaano kalakas ang pakiramdam niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"tanong niya na ngayon ay nakaharap na sakin. Parang alam niya na wala talaga akong balak saksakin siya dahil di manlang niya ako pinigilan.

"Gusto ko lang malaman kung gaano kalakas ang pakiramdam mo at sa tingin ko hindi naman pala ganon kalakas ang pakiramdam mo kase di mo ako nagawang pigilan but gusto ko paring malaman kung gaano kagaling ang isang ordinaryong studyante gaya mo."sambit ko

Nakita ko na kung paano makipag laban ang isang kasali sa rank at ngayon gusto ko namang malaman kung paano makipag laban ang isang ordinaryong studyante.

"Hinahamom mo ba ako?"tanong niya.

"Parang ganon nanga. Gusto ko kaseng malaman kung paano makipag laban ang  isang ordinaryong gaya mo."sambit ko

"Okay"sambit niya

Natuwa naman ako sa pag payag niya.

Inaya ko siya sa gym para dun kami mag laban buti nalang at wala na si Nethan.

"Para walang masugatan satin ay wag nalang tayong gumamit ng patalim."sambit ko

Tumango naman siya. Kahit na sumang ayon siya hindi parin dapat ako makampanti dahil alam ko na dito madaya sila kung makipag laro.

"Game"sambit ko

Ako yung unang sumugod at hinayaan ko siya ng suntok. Umiiwas lang naman siya sa mga suntok ko at hindi lumalaban.

Parang ayaw niyang ipakita yung lakas at galing niya sa pakikipag laban.

"Yan lang ba ang kaya mo?"mayabang niyang tanong.

Sa sobrang inis ko ay nilabas ko yung kutsilyo ko saka hinaya sakaniya pero nasangga niya kaya naisipan kong sipain siya pero tinalapid niya ako na naging dahilan para mawalan ako ng balanse at ng malapit na akong matumba ay bigla niyang hinawakan yung baywang ko kaya ang ending pareho kaming na tumba. Nag katitigan lang kami saglit.

"Itigil na natin ang laban na ito dahil hindi pa sapat ang kakayahan mo para matalo ako."mayabang niyang sambit.

Ang yabang niya samantalang di naman siya lumalaban.

Inis ko naman siyang tinulak saka ako tumayo.

"Ang yabang mo kaya itong dapat sayo."sambit ko saka ko sinipa yung ano niya na ginagawa ko kay kuya kapag iniinis ako.

"Damn you!Carrie"malakas na mura niya sa ginawa ko kaya napatawa nalang ako pero wait tama ba yung narinig ko? Binanggit niya yung pangalan ko?Paano naman kaya niya nalaman ang name ko e di ko naman sinasabi sakaniya. Baka tiningnan din niya sa library.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora