CHAPTER 53

41 1 0
                                    

Dark/Casper's POV

Damn! Hindi ko gusto yung ginawa ni Casey pero wala na akong nagawa para pigilan siya dahil tinulak na niya si Carrie kaya hinila ko nalang ito palayo dahil kung hindi ko yun gagawin pare-pareho lang kaming mamamatay. She sacrifice her life for us kaya ayaw kong sayangin yung binigay niyang pag kakataon para mailigtas kami. May mabuti siyang puso. Hindi siya mapag panggap hindi tulad ng iba. Kung ano talaga siya yun ang pinapakita niya. Wala siyang pag aalinlangan kung tumulong. Kapag may nakikita siyang nangangailangan ng tulong hindi na siya nag dadalawang isip pa na tumulong. Hindi niya deserve na mamatay but mas pinili niya na e-sacrifice yung buhay niya for us. Alam niya na hindi namin gugustuhin ni Carrie na mawala ang isa't isa kaya mas pinili niyang e-sacrifice ang sarili niya para samin dahil sabi niya kailangan daw kami ng lahat ng mga nandito. Nag papasalamat ako sa lahat ng ginawa niya and humihingi rin ako ng tawad dahil nasaktan ko siya. Hindi niya deserve na masaktan but anong magagawa ko, hindi ko talaga siya kayang magustuhan.Parang kapatid lang ang turing ko sakaniya.

"Are you alright?"I asked Carrie after the explosion.

I love her so much that i can't lose her. I promised to myself that I'll do everything just to protect her.

"Oo naman. Ikaw nga yung dapat kong tanungin."She said

"Don't worry about me. I'm fine."I said.

Medyo masakit yung pag kakabagsak ko dahil sa hinila ko siya padapa but I'm fine. Palagi naman akong nagiging maayos pag kasama ko siya.

"Si C-Casey." Her voice broke when she mentioned Casey's name.

"She sacrificed her life for us. Sinakripisyo niya ang buhay niya dahil sa iniisip niya na mas kailangan tayo ng mga studyante na nandito kaya hindi natin dapat sayangin ang pag sasakripisyo niya. Kailangan nating tulungan lahat ng mga studyante na makalabas dito. Kailangan nating pag bayarin sila Mr/Mrs.Fuentes."I said.

She nodded.

"Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." When I heard my sister voice i immediately look at her.

"Nakita niyo ba sina Nethan at Casey?"tanong ni Carlo.

"Wala na si Casey."malungkot na pag babalita ni Carrie. "Sinakripisyo niya ang sarili niya para mailigtas kami."

"Nasan ang iba?"pang iiba ko dahil ayaw ko ng pag usapan pa ang nangyari, ayaw ko na makitang malungkot sila and hindi naman ito yung tamang oras para mag luksa kami.

"Nag kita kita kami kanina pero nag hiwa hiwalay din kami para mabilis namin kayong mahanap. Si Nethan lang ang hindi pa namin nakikita pero baka nakita na nila."sagot ng kapatid ko.

"Umalis na tayo dahil masyadong maraming bomba dito."Carlo said

"Mauna na kayo at may pupuntahan lang ako." Sabi ko ng makita ko si Mr.Fuentes.

"Sasama ako."Sabi ni Carrie.

"Hindi na kailangan, sumama ka nalang sa kanila. Babalik din ako."Sabi ko saka nag lakad na paalis.

Alam ko naman na hindi siya pababayaan ng kapatid niya kaya panatag na ang loob ko na iwan siya. Ayaw ko silang isama dahil kaya ko namang mag isa and ayaw ko rin silang mapahamak.

"Uncle"tawag ko kay Mr.Fuentes ng maabutan ko ito.

He looked at me.

"Dark! Long time no see. Parang kailan lang nong huli kitang makita, batang bata kapa non ngayon binata kana. Hindi nga sana kita makikilala kung hindi mo ako tinawag na uncle. Kamusta ka naman pala ngayon? Masaya kaba na pinatay mo ang kaisa isa kong anak? Gumaganti kaba dahil sa ginawa ko sa ama mo?"

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now