CHAPTER 28

54 1 0
                                    

Carrie's POV

Kanina pa ako dito kinakabahan samantalang itong kasama ko ay parang hindi manlang kinakabahan. Hindi ba siya natatakot mamatay? Kung noon hindi ako natatakot mamatay dahil akala ko ako nalang mag isa at wala ng natitira pa sakin pero ngayon na nalaman kong buhay si kuya at may pamangkin pa ako ay natatakot na akong mamatay dahil gusto ko pa silang makasama.

Nakita ko naman na nag bulungan yong mga lalaki.

"Siya lang ang kailangan namin miss kaya kung ayaw mong madamay umalis kana."Sabi nong isang lalaki sakin.

Kung aalis ako pwede akong humingi ng tulong kay kuya o kaya kay Cindy pero hindi ko naman maatim na iwan siyang mag isa dito dahil baka kapag iniwan ko siyang mag isa at humingi ng tulong ay baka di nanaman namin siya maabutan pa ng buhay kaya mas mabuting hindi ko nalang siya iwan at lumaban nalang din.

"Hindi! Hindi ako aalis."matapang na sabi ko saka ko nilabas yong kutsilyo ko.

Hindi ko alam kong kanino ko itututok yong kutsilyo ko sa sobrang dami nila.

"Umalis kana"Sabi ni Casper sakin kaya napatingin ako sakaniya.

"Hindi kita kayang iwan dito."sabi ko

"Bakit?"tanong niya

"Anong bakit?"

"Bakit hindi mo ako kayang iwan?"tanong niya

Kailangan paba talaga niya yong itanong? Ofcourse dahil hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya.

"Dahil baka mapatay ka nila edi hindi ako pinatulog ng konsensya ko dahil sa iniwan kita."sagot ko

"Ang dami niyo pang sinasabi."sabi nong isang lalaki samin. "Sugurin niyo na sila"utos nito kaya nag handa na ako.

"E pano yong babae diba inutos satin na wag natin siyang sasaktan."sabi naman nong isang lalaki.

"Kuhain niyo siya"utos nito kaya naman nag lakad papunta sakin yong dalawang lalaki pero bago paman sila makalapit ay bumagsak na sila sa sahig kaya napalingon ako kay Casper na ngayon ay may hawak na kutsilyo. Pinapa ikot ikot niya ito sa kamay niya.

"One wrong move and I'll make sure this will be your last day."sabi ni Casper.

Nagawa pa talaga niyang mag yabang. Akala mo naman kaya niya silang lahat.

Tinawanan naman siya nong lalaki.

"Sinong tinakot mo?"Sabi nito "Ano pang ginagawa niyo, sugurin niyo na siya."utos nito kaya naman nag suguran na silang lahat.

Hinanda ko nanaman yong sarili ko ng lumapit na sila samin. Lahat ng lumalapit sakin ay hinahawakan lang ako at hindi hinahayaan ng saksak kaya naman mabilis ko lang silang natatalo.

Nang may humila sakin ay agad ko itong hinayaan ng saksak dahil akala ko kalaban, si Casper lang pala buti nalang at naiwasan niya. Bigla bigla nalang kaseng nanghihila,muntik ko na tuloy siyang masaksak.

"Be careful"Sabi niya

Muntikan na pala akong matamaan nung kutsilyo na pinakawalan nung isang lalaki kaya niya ako hinila.

Nawala naman yong concentrate ko sa pakikipag laban kaya nahawakan ako ng dalawang lalaki saka hinila patabi.

"Bitawan niyo nga ako!"sabi ko saka nag pupumiglas.

"Hindi pwede dahil kapag may nangyari sayo ay kami ang mananagot."Sabi nung isang lalaking humawak sakin.

Habang nag pupumiglas ako ay tiningnan ko si Casper na busy sa pakikipag laban. Katana na ang hawak niya ngayon at hindi na kutsilyo. Pinatong niya ang dulo nung katana sa balikat niya habang pinalilibutan siya ng mga kalalakihan.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now