CHAPTER 41

42 1 0
                                    

Third person's POV

Habang nag kakagulo ang mga studyante ay may roong isang tao na natutuwa sa nangyayari. Natutuwa siya sa nakikita niya dahil hindi na malaman ng mga kasamahan ni Dark kung ano ang gagawin nila. Isa lang ang gusto niya at yun ay ang makitang nahihirapan ang dalawang anak ng taong naging dahilan kung bakit siya naging demonyo.

'Kahit anong gawin niyo hindi kayo mag tatagumpay kahit na mag tulungan pa kayo, sa huli ako parin ang mag wawagi at sisiguraduhin ko na magiging masakit ang pag kamatay niyo.' Sa isip isip niya.

Malaki ang kumpiyensa niya na siya ang mananalo sa huli dahil nasa kaniya ang alas na tiyak na ikatatalo nila.

Habang pinag mamasdan niya ang mga ito ay palihim nalamang siyang napapangisi.

'Hinding hindi kayo magiging masaya at sisiguraduhin ko na kayo kayo rin ang mag papatayan.'

------

Carrie's POV

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Casper ay bumalik na ako sa loob at hindi na sila pinansin dahil baka asarin lang nila ako.

"Gising kana ba?"tanong ni kuya kaya napatingin ako sakaniya saka ko siya pinang kunutan ng noo. "Baka kasi tulog kapa at nanaginip lang kaya nasabi mo yun."

"Ano kaba gising na gising kaya siya ng sabihin niya kay kuya na mahal niya ito."kinikilig na sabi ni Cindy.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil nahihiya ako. Sabi ko nanga aasarin lang nila ako.

"Hindi ba natin susundan si Dark?"tanong ni Nethan.

"Mag antay muna tayo ng 30 minuto at kapag hindi pa siya bumalik susunod na tayo."Sabi ni kuya.

30 minutes?! Ang tagal naman yata nun.

"Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 30 minuto."Sabi ni Casey.

Tama, maraming pwedeng mangyari sa loob ng 30 minuto kaya dapat sumunod na kami sakaniya makalipas lang ang 10 minuto. Malaki naman ang tiwala ko na makakabalik siya dito ng buhay pero hindi parin mawala saakin yung kaba.

"Wala tayong magagawa kung may mangyari man sakaniya dahil ginusto naman niya yun."Sabi ni Julius na kinainis ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo!"Inis na sabi ni Cindy.

"Babe, ano bang pinag sasabi mo?"-Mica

"Okay relax, napakayabang niya kasi at parang hindi nag iisip alam naman niya na mapanganib kung aalis siya pero umalis parin siya."Sabi ni Julius. Lalapitan na sana siya ni Cindy pero nauna ng lumapit si Kuya saka siya kinuwelyuhan.

"Kung wala kang sasabihing maganda mas mabuti pang umalis kana, hindi ka namin kailangan!"Sabi ni kuya.

Natutuwa ako kay kuya dahil kahit na hindi sila mag kasundo ni Casper ay ayaw parin niya na pag salitaan ito ng hindi maganda.

"Nahihibang kanaba babe! Mag kakakampi tayo dito kaya wag kangang mag salita ng ganiyan."Inis na sabi ni Mica.

"Si kuya Dark ang kailangan natin para makalaya tayong lahat dito. Siya lang ang nakakakilala sa kalaban natin dahil sa pamangkin siya nito kaya alam ko na malaki ang maitutulong niya para mapalaya tayong lahat at mabigyan ng hustisya ang pag kamatay ng mga mahal natin sa buhay."-Dave

"Masyado kayong nag titiwala sakaniya ewan ko nalang baka siya pa yung maging dahilan ng kamatayan natin."-Julius

Bigla namang nabuhay ang galit sa kalamnan ko. Lalapitan ko na sana si Julius pero pinigilan ako ni kuya. Kilalang kilala ako ni kuya at alam niya kapag nagagalit ako ay nagiging halimaw ako. Nawawala kasi ako sa sarili kapag nagagalit ako kaya nakakagawa ako ng hindi maganda. Ang kinagagalit ko lang naman ay kapag pinag sasalitaan ng hindi maganda at sinasaktan ang mga taong mahalaga sakin.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon