CHAPTER 55

38 1 0
                                    

Carrie's POV

Nagising ako sa isang bakanteng room. Inalala ko kung ano yung nangyari at ng maalala ko ay agad akong bumangon saka nilibot ang paningin ko para hanapin sila kuya at ng makita ko sila ay agad ko silang nilapitan at ginising.

"Kuya, Casper, Cindy gumising kayo." Pang gigising ko sakanila at ng magising na sila ay agad silang napabangon. Kaming apat lang ang nandito sa loob at mukhang kinulong kami dito.

"Nasan tayo? Paano tayo napunta dito?"tanong ni kuya na mukhang hindi pa nag sink in sa utak niya yung nangyari.

Pag gising ko kanina,akala ko panaginip lang yung nangyari pero ng maisip ko na hindi naman kami mapupunta dito kung panaginip lang yung nangyari ay napag tanto ko na totoo yung nangyari at hindi lang ako nananaginip.

"Ewan ko basta pag gising ko nandito na tayo."sagot ko.

Paniguradong si Nethan ang nag dala samin dito dahil siya lang naman yung huling kasama namin pero bakit? Bakit niya yun/ito ginawa?

"Si Nethan."Sabi ni Cindy ng mag sink in siguro sa utak niya yung nangyari.

Nang bumukas yung pinto ay sabay sabay kaming napatingin dito at don namin nakita si Nethan na pumasok.

"Gising na pala kayo."nakangiti nitong bungad na sabi.

Nang makita ko siya ay bigla nalang nabuhay ang dugo sa loob ko lalo na ng maalala ko ang ginawa niya. Kinalma ko lang muna ang sarili ko dahil gusto kong marinig ang paliwanag niya.

"Tangina Nethan,anong ibig sabihin nito?! Anong ginawa mo samin?"galit na tanong ni kuya.

"Relax lang,pinag pahinga ko lang kayo dahil nakita ko na napagod kayo sa pakikipag laban."Sabi nito habang pangiti ngiti.

Ibang iba siya ngayon. Ibang iba sa nakilala kong Nethan. Nakakakilabot ang ngiti niya.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ito ginagawa?"seryosong tanong ni Casper.

Nginisian naman siya nito.

"Dark Blythe Fuentes. Masasabi kong matalino ka dahil sa nalaman mo na may isa pa kayong kalaban at ako yun pero makasarili ka at yun ang dahilan kung bakit natatalo ka."Sabi nito kaya napatingin ako kay Casper.

"Alam mo?"tanong ko kay Casper na ang tinutukoy ay yung sinabi ni Nethan na nalaman niya na ito yung isa pa naming kalaban.

"Yeah,"sagot niya.

"Kung alam mo naman pala bakit hindi mo sinabi samin?"tanong ko.

"Dahil hindi pa ako sigurado kung siya ba talaga yung kalaban o siya lang yung mata at tenga ng kalaban pero ngayon sigurado na ako na siya talaga yung kalaban. Siya yung nag utos sa mga nakalaban natin at siya yung nag padala ng email."Sagot ni Casper.

"Totoo ba?"Tanong ni Cindy.

"Yes, ako nga ang nag utos sa mga nakalaban niyo/natin. Yung mga lalaki sa basement na nakalaban natin, yung mga nakalaban ng kuya mo at ni Carrie, yung mga nakalaban mo na mga studyante ako ang nag utos sakanilang lahat and ako rin ang nag padala ng email. Nag padala ako ng email para malaman kung kahinaan ba ni Carlo ang anak niyo and ginawa ko rin yun para mag kaaway away kayo pero nabigo ako dahil hindi naman kayo nagalit sakaniya but atleast nalaman ko na kahinaan niya talaga yung anak niyo."Sambit ni Nethan

"Pero bakit? Anong kasalanan namin sayo?!"tanong ni Cindy

"Kayo wala pero yung ama niyo meron."sagot nito

"Anong ginawa sayo ni daddy?"tanong ni Cindy.

Nanatili nalang akong tahimik habang nakikinig sa usapan nila dahil gusto ko talagang malaman ang dahilan ni Nethan kaya niya ito ginagawa.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now