CHAPTER 7

69 1 0
                                    

Carrie's POV

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung kahihiyan kong nagawa. Siguro nga di talaga totoo ang multo at guni guni ko lang yun kaya simula ngayon hindi na ako matatakot.

Naisip kong bumalik don sa pinag lilibingan ng mga pinapatay dito para tingnan kung nandun ba si kuya. Nang makarating ako ay nakita ko yung batang nakita ko kahapon. Dahan dahan ko itong nilapitan dahil baka matakot nanaman siya at tumakbo. Nang mapatingin ito sakin ay bigla nalang siyang tumayo at akmang tatakbo na sana buti nalang at nahawakan ko agad ang braso niya.

"Sandali lang! Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan."sambit ko.

Napatingin naman ito sakin kaya nginitian ko siya para di siya matakot. Umupo ako sa harap niya para makapantay siya.

"Ano bang pangalan mo? At anong ginagawa mo dito?"tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.

Nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin sa malayo. Hindi ko naman siya masisisi e kung bakit siya ganito. Sino ba naman kaseng di ma ta-trauma sa nangyayari dito.

"Gusto mo bang umalis dito? Tutulungan kita sabihin mo lang."sambit ko.

Tumingin naman siya sakin. Sa wakas nakuha ko rin ang atensyon niya.

"Tara"aya ko sakaniya pero bigla nalang siyang nag pupumiglas na naging dahilan para mabitawan ko siya saka siya tumakbo ng mabilis. Hindi ko na siya nagawa pang habulin dahil nawala na siya sa paningin ko.

Naaawa ako sa kaniya dahil naaalala ko sakaniya si kuya. Nag karoon din kase ng trauma si kuya nong bata pa siya.

Naisipan kong umalis na dahil malapit na mag start ang klase pero di paman ako nakakalayo ng matanaw ko si Cindy at Casper sa di kalayuan kaya napatigil ako.

Confirm may relasyon nga silang dalawa.

Nang makita kong papaalis na si Cindy ay nag tago ako sa malaking puno para di niya ako makita. Nang makalayo na siya ay lumabas na ako para tingnan si Casper pero pag tingin ko wala na ito.

"Saan naman kaya nag punta yun?"

"Ako ba ang hinahanap mo?"gulat naman akong napalingon sa likuran ko ng may mag salita.

"Akala ko kung sino, ikaw lang pala."sabi ko ng makita si Casper.

Tinalikuran naman niya ako.

"Pwede bang umalis kana sa lugar na ito at huwag kanang babalik."sambit niya.

"Bakit naman? Dahil ba ang lugar na ito ay para lang sainyo ni Cindy? Wala ba kayong ka taste taste sa lugar at kaya dito niyo pa naisipan mag tagpo sa libingan ng mga patay."saad ko.

Bigla naman siyang humarap sakin saka dahan dahang lumapit kaya napaatras ako dahil yung tingin niya nakakatakot. Parang gusto niya akong kainin ng buhay.

"Hindi kaba natatakot?"tanong niya.

"Saan? Kanino? Sayo? Bakit naman ako matatakot."sambit ko dahil totoo naman na hindi ako natatakot. Sa multo lang naman ako takot.

Ngumisi naman siya saka niya ako kinorner sa puno.

"So hindi ka natatakot sa pwede kung gawin sayo?"

"Bakit naman ako matatakot kung kaya ko rin naman yung gawin sayo.Kung kaya rin naman kitang patayin."matapang kong sabi.

"Sa tingin mo ba yun lang ang kaya kung gawin sayo? "Sambit niya kaya agad kung nilabas yung kutsilyo ko at tinutok sa kaniya dahil hindi naman ako ganon kabobo para di ma gets yung ibig niyang sabihin.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now