EPILOGUE

96 1 1
                                    

Carrie's POV

Today is our first monthsary. Parang kailan lang simula noong naging kami tapos ngayon one month na kami. Napag desisyunan pala namin na next year na mag pakasal dahil mag papakasal ngayong year sila kuya. Noong una nakipag talo panga siya kay kuya pero noong sinabi ko na hindi naman namin kailangan mag madaling mag pakasal ay pumayag narin siya na sila kuya muna ang mauna. Sinabi nga pala niya na tanggap na niya si kuya para sa kapatid niya pero hindi parin niya ito gusto.

"Bihis na bihis ah. San lakad?"tanong ni kuya.

Pupunta nga pala kami ngayon ni Casper sa DHU para bisitahin ang daddy niya. Nabisita na kasi namin yung mommy niya nong nakaraang araw pati nga sila mommy and daddy nabisita na namin kaya ngayon yung daddy naman niya yung bibisitahin namin. Nailibing narin pala si Nethan. Hinanap panga namin yung puntod ng nanay nito para don siya ilibing. Pati narin pala sila Madame Selena at Mr.Fuentes ay nailibing narin.

"DHU"sagot ko kay kuya saka lumabas na dahil narinig ko na may bumusina.

Dito pala kami ngayon tumutuloy ni kuya sa dati naming bahay. Pansamantala lang naman kami dito dahil pag kinasal na sila ni Cindy ay mag sasama na sila tapos ako naman ay sa condo na ni Casper titira. Wala namang masama kung mag sama kami sa iisang bobong dahil engaged na naman kami.

"Let's go."Sabi ni Casper saka niya ako pinag buksan ng kotse niya.

"Thanks"Sabi ko saka pumasok na sa loob.

Nang makapasok narin siya sa loob ay sinimulan na niyang paandarin yung sasakyan niya. Malapit lang naman yung DHU kaya nakarating agad kami.

Pag kapasok palang namin ng gate ay naalala ko na agad yung mga nangyari.

"Naalala mo pa ba? Dito tayo unang nag kita."Sabi ko ng madaanan namin yung lugar kung saan kami unang nag kita dito sa DHU.

"Yeah, sobrang saya ko nga noon ng makita kita dito dahil ilang taon din kitang hindi nakita."Sabi niya.

"Paano mo pala ako nakilala?"tanong ko. Nakakapag taka lang na nakilala niya ako noon dahil bata pa naman kami noong huli kaming nag kita. Marami ng nag bago sa itsura namin kaya nga hindi ko siya nakilala noon.

"Pangalan mo."Sagot niya.

Oo nga pala kaya pala hindi ko siya nakilala dahil binago niya yung pangalan niya. Yung second name din kasi niya yung natatandaan ko na name niya nong bata pa kami kaya hindi ko rin agad nakilala yung name niya na Dark.

"Naalala mo rin ba nong unang beses na nag kita tayo dito?"tanong niya ng makarating kami sa pinag lilibingan ng mga pinapatay dito.

"Oo natakot nga ako noon kaya bigla kitang nayakap tapos napag kamalan ko pang may relasyon kayo noon ni Cindy at dito kayo nag kikita."Sabi ko.

Nakakahiya talaga yung ginawa ko noon tapos nakakahiya rin dahil pinag kamalan ko pa silang may relasyon.

"Pinag selosan mo ba siya noon?"tanong niya.

"Ewan ko basta ang alam ko lang noon may time na naiinis ako sakaniya."Sagot ko.

Nang makarating kami sa pinag libingan sa daddy niya ay nilapag na niya yung bulaklak na dala niya saka nag sindi ng kandila. Yung daddy nga lang pala niya yung nakalibing dito sa loob ng DHU.

"Dad gusto ko lang ipakilala sainyo ang babaeng mahal ko."Pag kausap niya sa puntod ng daddy niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi nalang ako nag salita pa. Matapos niyang kausapin ang puntod ng daddy niya ay naisipan naming mag uli uli muna.

Hindi ko talaga makakalimutan ang lugar na ito dahil marami akong naging karanasan dito. Takot, sakit, lungkot, saya, lahat ng yun naramdaman ko dito pero ang pinaka hindi ko makakalimutan na naramdaman ko dito ay yun ay ang mag mahal. Sa dami ng naranasan ko dito, ang pinaka masaya lang talaga na nangyari ay yun ang nakilala ko siya at minahal. Siya yung kauna unahang lalaki na nag patibok ng puso ko. Siya yung dahilan kung bakit nawala yung takot ko na umibig. Takot na takot talaga ako noon na mag mahal dahil sa iniisip ko yung kaakibat nito pero ngayon hindi na ako takot. Ang kinatatakutan ko nalang ngayon ay yun ang mawala siya.

Alam ko na marami pa kaming pag dadaanan pero handa naman akong harapin yun. Handa akong harapin ang lahat basta kasama siya. Wala nanga siguro akong mahihiling pa kundi ang makasama lang siya habang buhay.

----

Dark/Casper's POV

Today is our first monthsary. I'm not a romantic person. Wala akong hilig sa romantic, romantic na ginagawa ng iba. Yung tipong kakain sa labas tapos manonood ng CNE, ayaw ko ng ganon dahil ayaw ko na may ibang kasama, ang gusto ko siya lang yung kasama ko at wala ng iba kaya nga dito ko siya dinala kung saan nag simula ang lahat. Hindi man kami dito unang nag kakilala atleast dito naman kami mas lalong nag kakilala at higit sa lahat dito namin minahal ang isa't isa. Maraming mga nangyari sa paaralan na ito pero ang magandang nangyari lang ay yun ang makita ko siyang muli dito. Hindi ko nga eneexpect noon na makikita ko siyang muli dahil ilang taon nanaman ang nakalipas simula noong huli ko siyang nakita.

"Naalala mo paba? Dito mo ako unang hinalikan."Sabi niya ng makarating kami sa secret garden.

Naalala ko naman lahat ng nangyari saamin at yun ang hinding hindi ko makakalimutan dahil yun ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko.

"Yeah,"I replied.

Wala naman talaga akong balak halikan siya noon sadyang nadala lang ako ng makita ko siya na sobrang nag alala saakin.

Nag punta naman kami kung saan kami nag aminan at naging kami. Itong lugar talaga na ito ang hindi ko makakalimutan dito sa loob ng paaralan na ito dahil dito namin inamin ang nararamdaman namin sa isa't isa at dito rin naging kami.

Pumasok kami sa loob ng dormitoryo saka kumuha ng panlatag. Nang mailatag na namin yung kumot ay naupo na kami saka niya nilapag yung dala niyang pag kain na niluto daw niya. She want to become a chef gaya ng pangarap ng mommy niya na hindi natupad. Kaya nga gusto niya na siya ang tumupad non at handa naman ako na supportahan siya. Ako naman gusto kong maging isang lawyer. Nakakatawa ngang isipin na gusto kong maging isang lawyer dahil hindi naman ako naniniwala noon sa batas kaya nga sa mga kamay ko pinag bayad sila Uncle pero ngayon gusto ko ng pag aralan ang batas. Gusto kong panagutin lahat ng nag kakasala sa pamamagitan ng batas at hindi sa paraan ng pag patay. Yung about sa business ni daddy and mommy, bahala na ang kapatid ko don tutal gusto naman niya na maging isang CEO.

"Tikman mo."Sabi niya.

Tinikman ko naman yung niluto niya na macaroni spaghetti at masasabi kong masarap.

"Kamusta?"kinakabahan niyang tanong.

"It tastes good."

"Talaga?"paniniguro niya saka niya ito tinikman.

Habang ninanamnam niya ito ay napatingin nalang ako sa labi niya. Damn I want to kiss her.

"Yeah, like your lips."Sagot ko matapos ko siyang halikan.

Nalunok naman niya yung kinakain niya matapos kung sabihin yun.

"Kumain kana nga lang."Sabi niya saka umiwas ng tingin.

Napangiti nalang ako ng makita ko na namula ang pisnge niya. She's so cute.

"I love you and happy monthsary."Sabi ko pag katapos naming kumain.

Mahal na mahal ko talaga siya kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya. Siya na ang buhay ko. Siya ang lakas ko. Siya ang lahat saakin.

"I love you too and happy 1st monthsary."

Damn! sa sobrang saya ko gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw na mahal din ako ng babaeng mahal ko. Gusto kong ipag malaki yun.

Hindi ko akalain na mag mamahal ako ng ganito at hindi ko rin akalain na dito pa talaga sa impyernong paaralan na ito mabubuo ang pag iibigan namin.

Gusto kong ayusin ang paaralan na ito at ibalik sa dati pero wala akong balak na ibalik ang pangalan nito dahil mas gusto ko ang pangalan na 'Dark Hell University' kaysa sa 'Dark High University' dahil maraming ala-ala ang nabuo sa pangalan na 'Dark Hell University' na hinding hindi ko makakalimutan.

THE END

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now