CHAPTER 2

128 1 0
                                    

Carrie's POV

Ito na ang simula ng pag babago ng buhay ko dahil papasok na ako sa DHU. Hindi ko alam ang magiging buhay ko sa loob ng impyernong paaralan na iyon pero handa akong sumugal malaman ko lang kung ano ba talaga ang nangyari sa pinakamamahal kong kapatid.

Nag tungo na ako sa DHU dala ang mga gamit ko dahil may mga sari-sariling dorm naman ang mga studyante dito at isa pa kapag kasi pumasok ka sa paaralang ito ay hindi kana pwedeng lumabas pa.

"Good morning, Welcome to Dark Hell University Miss."Nakangising bati saakin ni manong guard bago nito buksan ang gate.

Nginitian ko lang naman ito saka pumasok na sa loob. Pag kapasok na pag kapasok ko pa lamang ay sinalubong na agad ako ng mga studyante na may mga dalang kutsilyo.

"Handa kanabang mamatay?"tanong nong isang studyante na lumapit sakin.

Pinalibutan ako ng mga ito kaya naman isa isa ko silang tiningnan. Dapat maging alisto ako dahil baka mamaya saksakin nalang ako ng isa sakanila.

"MAG SI TIGIL KAYO!"sigaw ng isang familiar na boses."Hindi niyo pa siya pwedeng patayin. Hayaan niyo muna na maranasan niya ang buhay dito sa loob ng DHU bago niyo siya patayin."Sabi ng headmistress saka humalakhak.

Nag si layuan naman ang mga studyante sakin.

"By the way miss Rushtom, sa section D ang classroom mo and sa building 3 room 28 ang magiging kwarto mo."Sabi nito saka may inabot sakin na papel saka susi. "Yan ang susi ng kwarto mo saka schedule ng klase na papasukan mo."

"Okay"Sabi ko saka nag lakad na paalis para hanapin ang room ko.

Nang makita ko na ang room ko ay pumasok na ako dito saka ko nilagay ang mga gamit ko. Mamaya ko nalang ito aayusin pag tapos ng klase.

Wala akong idea kung ano ba ang itinuturo nila dito kaya naman naiintriga talaga akong malaman.

Nag tungo na ako sa classroom ko. Pag kapasok na pagkapasok ko palang dito ay may nakita na akong kutsilyo na papalapit sakin buti nalang at naiwasan ko ito.

"Ops sayang!"sambit nong babaeng nag hagis ng kutsilyo.

Lumapit naman siya sakin.

"Anong kailangan mo?"tanong ko.

Humalakhak naman muna ito bago mag salita.

"Wala naman, gusto ko lang mag pakilala, ako nga pala si Cindy."pakilala nito sabay abot ng kamay.

Alam kung hindi dapat ako mag tiwala kahit na kanino kaya makikipag plastikan nalang ako.

Ngumiti muna ako ng peke bago ako mag pakilala.

"Carrie"pakilala ko saka nakipag shake hands."Aray!"daing ko ng may maramdaman akong tumusok sa palad ko.

Agad kong inagaw ang kamay ko na kinahalakhak niya.

"Don't trust anyone."babala nito bago bumalik sa upuan niya.

Napatingin naman ako sa palad ko na nag durugo. Hindi naman malalim ang sugat nito kaya pinasawalang bahala ko nalang at naupo nalang.

Ilang sandali lang ang lumipas at dumating na yung mag tuturo samin. Hindi ko eneexpect na nag tuturo rin pala sila dito ng mga itinuturo sa ordinaryong paaralan. Akala ko talaga wala akong matututunan dito pero nag kamali ako dahil mukhang mas marami pa akong matututunan sa paaralang ito.

Nang matapos na ang unang klase ay nag silabasan na ang mga studyante kaya lumabas narin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nakisama nalang ako sa ibang mga studyante.

"Newbie?"

Kunot noo naman akong napatingin sa nag salita.

"Yes"sagot ko ng makita ko yung isang lalaki na nakatingin sakin.

"Anong alam mo?"seryosong tanong nito.

"What?"naguguluhan kong tanong.

Ngumisi naman siya saka lumapit sakin.

"Pumasok ka dito ng walang alam?"

Hindi ko parin ma gets ang sinasabi niya pero sa tingin ko ang tinutukoy nito ay yung tungkol dito sa paaralan.

"Papasok ba ako dito kung wala akong alam."Sabi ko

Muli nanaman siyang ngumisi. Yung ngisi niya nakakakilabot.

"Sige nga ano yung alam mo?"tanong nito.

Ano nga bang alam ko? Bukod sa alam ko na legal ang pag patay dito kaya lahat ng nag aaral dito ay kriminal ay wala na akong iba pang alam tungkol sa paaralang ito.

"See wala kang maisagot dahil wala ka namang alam o kung meron man kakaunti lang. Para kalang pumasok sa bitag ng yong kamatayan. Nakakaawa ka mamamatay kang walang nalalaman."Sabi nito saka umalis na.

Pumasok nga ako dito sa paaralang ito ng kakaunti lang ang nalalaman. Dapat ko bang alamin lahat ng tungkol sa paaralang ito?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant