CHAPTER 13

55 1 0
                                    

Carrie's POV

Nagising ako sa isang kwarto na hindi familiar sakin. Inisip ko kung paano ako napunta dito pero ang huling naaalala ko lang ay nakita ko si Casper bago ako mawalan ng malay at pag gising ko nandito na ako.

Siya kaya ang nag dala sakin dito?

"Gising kana pala."napatingin naman ako sa nag salita at don ko nakita si Casper na kalalabas lang ng Cr. Bagong ligo siya kaya wala siyang suot na pang itaas at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kaniyang ibaba.

Agad naman akong tumalikod.

"Tumalikod kanga pero kita mo parin naman sa salamin."

Napatingin naman ako sa salamin na nasa harapan ko.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Ano bang akala niya, gusto kong tingnan ang katawan niya.

Hindi ko nanaman nakita pa ang reaction niya dahil pumasok na siya sa cr matapos kumuha ng susuotin.

Ilang sandali lang naman ay lumabas na siya na naka bihis na.

"Nasan ako?"tanong ko.

"Nasa kwarto ko."sagot niya

"Bakit mo ako dinala dito?"tanong ko pa.

"Alangan namang pabayaan nalang kita."sambit niya

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na meron pa palang mga tao dito na tutulong sakin.

"Alam ba ng GF mo na nandito ako?"tanong ko dahil baka mamaya magalit nanaman sakin si Cindy.

"Wala akong girlfriend."sagot niya

Natawa naman ako sa naging sagot niya dahil ayaw pa niyang aminin na gf niya si Cindy e alam ko nanaman.

"Hindi mo na kailangan pang mag sinungaling saakin dahil alam ko nanaman na gf mo si Cindy."sambit ko

Tiningnan naman niya ako sa mga mata.

"Hindi ko siya GF."sambit niya.

Pag kasabi niya non ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cindy.

"Naki----"hindi na natuloy ni Cindy ang sasabihin niya ng mapatingin siya sakin.

Hindi daw niya Gf pero pinupuntahan siya dito sa kwarto niya.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!"tanong ni Cindy.

Bigla naman akong nataranta dahil baka isipin niya na may ginagawa kami na kung ano ng bf niya.

"Mali ang iniisip mo, wala kaming ginagawang masama."sambit ko

Hindi naman niya ako pinansin samantalang ay tiningnan niya sa mata si Casper. Kahit di siya mag salita alam ko na tinatanong niya si Casper kung 'anong ibig sabihin nito?' dahil nababasa ko sa reaksyon niya ang gusto niyang sabihin.

Senenyasan naman siya ni Casper na umalis na.

"Nababaliw kana!"sambit ni Cindy bago siya lumabas.

Tiningnan ko naman si Casper. Parang wala lang sakaniya na nagalit ang gf niya.

"Hindi mo ba siya susundan?"tanong ko

"Bakit ko naman gagawin yun?"pabalik niyang tanong

"Syempre para mag paliwanag. Nakita niya tayo na mag kasama at alam ko na iba ang iniisip niya kaya dapat lang na mag paliwanag ka para di na siya magalit sayo."sambit ko

"Hindi ko kailangan mag paliwanag sakaniya."sambit niya.

"At bakit naman? Gf mo siya kaya dapat lang na mag paliwanag ka sakaniya."sambit ko.

Inis naman niya akong tiningnan.

"Bakit ba ang kulit mo?! Diba sinabi ko na sayo na hindi ko nga siya GF."sambit niya

Sinasabi ko lang naman kung ano yung nakikita ko e bat parang nagagalit na siya?

"Kung hindi mo siya girlfriend e bakit nagagalit ka?"

Masyado siyang defensive, halatang may tinatago.

"Ang kulit mo kasi,"sambit niya

"Sinasabi ko lang naman kase kung ano yung nakikita ko. "Sambit ko

Napabuntong hininga naman siya.

"Umalis kana,"pag papaalis niya sakin.

"O tapos ngayon pinapaalis mo na ako. Ayaw mo lang sigu-----"Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko ng hilahin niya ako palabas.

"Alis na."pag tataboy niya sakin.

"Ito nanga oh aalis na."sambit ko saka nag lakad na paalis.

Halatang may tinatago siya at yun ang dapat kung alamin.

Habang nag lalakad ako papunta sa dorm ko ay nakasalubong ko si Nethan.

Bigla ko namang naalala yung dalawang lalaking naka maskara na tumulong sakin. Malakas ang kutob ko na si Nethan yung isa don.

"Ikaw ba yung nag ligtas sakin kagabi?"tanong ko kay Nethan.

"Nag ligtas? Bakit ano bang nangyari sayo kagabi?"pabalik niyang tanong

"Tinatanong kita kung ikaw ba ang nag ligtas sakin kagabi?!"

"Hindi ako"sagot niya.

Feeling ko nag sisinungaling siya.

Tiningnan ko naman ang kabuoan niya. Feeling ko talaga siya yun pero bakit naman niya kaya ako niligtas at bakit kasama niya si Dark?

"Okay kalang ba?"tanong niya

Hindi ko naman siya pinansin samantalang ay dahan dahan kung inangat ang kamay ko para hawiin ang huhok niya pero bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya di ko na nagawa pang hawiin yung buhok niya. Kaya ko lang naman gustong hawiin yung buhok niya ay para malaman kung siya ba talaga yung isa sa nag ligtas sakin kagabi.

"Hindi ka dapat lumalapit kung kani-kanino lalo na't hindi mo kilala."sambit ni Casper. Siya yung bigla nalang humawak ng kamay ko.

Nginitian naman siya ni Nethan.

"Kilala niya ako. Mukhang ikaw nga yung hindi niya kilala."Sambit ni Nethan

"Kung saating dalawa lang naman mas higit na kilala niya ako kaysa sayo."sambit ni Casper.

Naguluhan naman ako sa sinasabi nila. Oo gets ko yung sinasabi nila pero parang may iba silang pinapahiwatig sa mga sinasabi nila.

Umiling naman si Nethan.

"Maniniwala sana ako kung hindi kita kilala pero kilala kase kita. Kilalang kilala sa sobrang pag kakakilala ko nga sayo alam ko na ang buong pag katao mo at alam kung hindi niya yun alam."sambit nito

"Ano---"Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng mag salita ulit si Nethan.

"Aalis na ako."paalam niya saka umalis na.

Tiningnan ko naman si Casper.

Hindi ko pa nga siya kilala pero gusto ko siyang kilalanin dahil nararamdaman ko na mabuti siyang tao at alam ko na pareho lang kami ng dahilan sa pag pasok sa impyernong paaralan na ito.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now