CHAPTER 12

129 3 0
                                    

Carrie's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko si Gerry. Pilit kong inaalala kung may nakilala ba ako na ang pangalan ay Gerry pero wala talaga akong matandaan.

Sino kaba talaga Gerry?

Sa kakaisip ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako at ngayon umaga nanaman kaya ginawa ko na ang morning routine ko bago pumasok.

Habang nag lalakad ako papasok ay may nabangga ako dahil sa lutang ako.

"Pasensiya na."pag hingi ko ng tawad sa nabangga ko.

"Carrie"banggit ng nabangga ko sa pangalan ko.

Gulat naman akong napatingin dito ng marinig ko ang boses nito.

"Mad!"

Ngumisi naman siya.

"Nagulat kaba ng makita akong buhay? Diba sinabi ko naman sayo na I'm a devil at ang mga demonyo na gaya ko ay hindi basta bastang namamatay."sambit niya

Hindi ko nalang naman siya pinansin dahil wala ako ngayong sa mood makipag away.

Hinawakan naman niya yung braso ko.

"Hanggang ngayon pala hindi ka parin namamansin."sambit niya

Hinarap ko naman siya.

"Hanggang ngayon  pala papansin ka parin."sambit ko naman

Tumawa naman siya saka niya hinigpitan ang pag kakahawak sa braso ko.

"Bitawan mo siya."napatingin naman ako sa nag salita at dun ko nakita si Gerry.

"At sino ka naman para sundin ko?"matapang na sambit ni Mad.

Lumapit naman sakaniya si Gerry at sinakal siya.

"Kabago bago mo palang dito pero ang lakas ng loob mong saktan ang pag mamay ari ko."sambit ni Gerry.

Hindi naman makapag salita si Mad sa sobrang higpit ng pag kakasakal sakaniya ni Gerry.

"Tama na yan Gerry baka mapatay mo siya."awat sakaniya ng kasama niyang lalaki.

"Wala akong pakialam!"galit na sambit ni Gerry.

"Baka magalit sayo ang mama mo. Bago palang siya kaya di mo pa siya pwedeng patayin."sambit nung lalaki.

Binitawan nanaman ni Gerry si Mad.

"Umalis kana."sambit nung lalaki kay Mad.

"H-hindi pa t-tayo t-tapos"nahihirapang sambit sakin ni Mad saka patakbong umalis.

Akala ko demonyo siya pero bakit natakot siya kay Gerry.

"Okay kalang ba?"tanong ni Gerry at akmang hahawakan na sana ako pero bigla akong lumayo.

"Okay lang ako"sambit ko.

Napabuntong hininga naman siya.

"Tanggapin mo lang ako sa buhay mo. Sinisigurado kong walang sino man ang makakapanakit sayo."sambit niya.

"Sino kaba talaga?"tanong ko

"Sumama ka sakin at sasabihin ko."

"Bakit kailangan ko pang sumama sayo kung pwede mo naman sabihin dito."sambit ko

Ngumiti naman siya

"May isang batang babae na sinama ng kaniyang ama sa trabaho nito at alam mo ba kung sino ang batang babaeng yun? "Tanong niya.

Bigla ko namang naalala nong bata pa ako lagi akong sinasama ni Daddy sa bahay ng pinag tatrabahuhan niya kapag wala akong pasok dahil wala akong kasama sa bahay. Nakinda lola kase non si kuya. Mabait naman kase yung amo ni daddy kaya pumapayag ito na isama ako yung anak lang nito na lalaki ang hindi mabait dahil lagi nalang akong sinusungitan at pinapaalis pero yung anak na babae nito ay mabait.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon