CHAPTER 10

62 2 0
                                    

Carrie's POV

Nandito na ako ngayon sa classroom. Matapos kase naming mag laban ni Casper ay umalis na ako dahil baka mapatay pa niya ako.

"You look happy huh!"sambit ni Cindy.

Hindi ko nalang naman siya pinansin.

Ano naman sa kaniya kong masaya ako? Ewan ko ba pero naiinis ako sakaniya sa di ko malamang dahilan.

Dumating nanaman ang mag tuturo samin kaya nag start na ang klase at ng matapos na ay nauna na akong lumabas sa mga kaklase ko dahil balak kong pumunta dun sa libingan ng mga patay para tingnan kung pumupunta paba dun yung batang nakita ko. Ewan ko ba pero di maalis sa isip ko ang batang iyon.

Nang makarating ako ay hindi ko ito nakita  kaya naisipan kong umalis nalang pero di pa ako nakakaalis ng matanaw ko si Casper sa di kalayuan na may dalang bulaklak na sa tingin ko ay ibibigay niya kay Cindy.

Pinag masdan ko lang siya mula sa malayo. Nakita ko na nilapag niya sa isang puntod yung mga dala niyang bulaklak na kala ko ay para kay Cindy.

Nilapitan ko naman siya.

"Sino siya?"tanong ko ng makalapit ako.

"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?"tanong niya

Nakalimutan ko na ayaw nga niya pala na pumunta ako dito dahil ang lugar na ito ay para lang sakanila ni Cindy.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito?"pabalik kong tanong.

Hindi nanaman niya ako pinansin. Napabuntong hininga nalang ako bago mag salita.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Nawalan din ako ng mahal sa buhay sa impyernong paaralan na ito kaya alam ko ang nararamdaman mo ngayon."sambit ko.

"Si Carlo Rushtom ba? Siya ba ang tinutukoy mo?"tanong niya.

"Oo siya nga, bakit mo siya kilala?"

"Sinong hindi makakakilala sakaniya e siya yung dating rank 1."sambit niya

Nakalimutan kung matagal nanga pala siya dito at kasali si kuya sa rank pero wait----Totoo ba yung narinig ko na si kuya ang dating rank 1?

Alam ko na napasali sa rank si kuya dahil sa sinabi ni Kate pero di ko akalain na siya yung rank 1 dati.

"Kilala mo ba kung sino ang pumatay sakaniya?"tanong ko

"Kaya kaba pumasok dito para mag higante?"patanong din niyang sabi.

"Oo at alam ko na yun din ang dahilan mo kaya ka pumasok dito."sambit ko. Lahat naman kase yata ng studyante dito ay yun ang dahilan.

"Dalawang taon na ang nakakalipas ng mamatay siya. Sa tingin mo ba buhay pa ang pumatay sakaniya?"sambit niya

Dalawang taon nanga ang nakakaraan ng mamatay si Kuya. Posible nga kaya na patay na ang pumatay sakaniya? Bakit ngayon ko lang naisip yun.

"Hindi, Hindi pa siya patay."sambit ko dahil ang gusto ko ay ako ang papatay sa pumatay kay kuya.

Napailing iling naman siya.

"Kung ako sayo aalis na ako dito habang may pag kakataon pa...Malapit na."

Naguluhan naman ako don sa huli niyang sinabi. Malapit na ang alin?

Humarap naman siya sakin.

"Madadamay kalang kaya mas mabuti pang umalis kana."sambit niya saka umalis na.

Madadamay saan? Madadamay sa patayang nagaganap sa impyernong  paaralan na ito? Bago paman ako pumasok sa paaralang ito alam ko na ang kahihinatnan ng buhay ko. Alam ko na dito na ako mamamatay pero bago mangyari yun gusto ko munang makasiguro na patay na ang pumatay kay kuya.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYМесто, где живут истории. Откройте их для себя