CHAPTER 35

45 1 0
                                    

Carlo's POV

Matapos sabihin sakin ni Dark na hinahanap ako ng kapatid niya ay agad akong nag tungo rito sa loob ng dormitoryo para hanapin siya pero hindi ko siya nakita kaya naisipan kung mag tanong kay Nethan.

"Nakita mo ba bebe loves ko?"tanong ko.

"Oo, Nakita ko siya kaninang umalis."sagot niya.

Gagong yun ah! Nauto ako pero di bali babawi nalang ako, sa ngayon hindi ko nalang muna sila iistorbohin ng kapatid ko dahil mukhang kaya niya ako inuto ay gusto niya itong masolo. Hindi naman kasi ako maramot hindi tulad niya kaya okay lang sakin na landiin niya yung kapatid ko, huwag lang bastusin dahil makakatikim talaga siya sakin. Halata naman na gusto nila yung isa't isa ayaw pang aminin, hindi naman ako magagalit kung magiging sila dahil bakit naman ako magagalit kung alam ko na masaya naman yung kapatid ko, hindi ba? Hindi naman kasi ako gaya niya na hindi iniisip yung nararamdaman ng kapatid pero sabagay hindi ko naman siya masisisi kung bakit nagalit siya nong nalaman niya na may relasyon kami ng kapatid niya dahil tinago namin sakaniya ito at nabuntis ko pa ang kapatid niya atsaka muntikan pang masira ang plano nila ng dahil sakin kaya naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon may galit parin siya sakin. Sa totoo lang hindi ko talaga akalain na mamahalin ko si Cindy dahil laro laro lang naman para sakin dati yung pakikipag relasyon kaya nga nagagalit sakin ang kapatid ko pero meron rin naman akong naging serious relationship noon bago pa dumating si Cindy sa buhay ko pero hindi ko naman siya gaanong minahal and hindi rin naman nag tagal ang relasyon namin dahil nakipag hiwalay ako noong pumasok ako dito. Nalaman ko kasi na dito pinatay si Daddy, kaya nga ako pumasok dito dahil nag babakasakali ako na malaman kung sino ang pumatay sakaniya. Malaki kasi ang utang na loob ko sakaniya dahil pinalaki niya ako kahit na hindi naman niya ako tunay na anak, ampon lang kasi ako at di ko naman talaga tunay na kapatid si Carrie. Hindi kasi sila mag kaanak noon ni mommy kaya naisipan nilang mag ampon pero noong inampon nila ako ay saka naman nabuntis si mommy pero kahit ganon hindi naman nagbago yung pag trato nila sakin kahit na may anak na sila, pantay lang yung pag trato nila samin kaya nga malaki ang pasasalamat ko sakanila at kaya noong namatay sila ay pinangako ko na aalagaan ko ng mabuti ang anak nila at bibigyan ng hustisya ang pag kamatay ni Daddy.

Natigil ang pag iisip ko ng makita kong pumasok si Nethan, lumabas pala siya kanina at mukhang may hindi siya nagustuhan na nakita sa labas kaya pumasok agad siya, mukha nga siyang naiinis nung pumasok siya.

"Wag kang mag alala tol,marami pa namang babae diyan,ayan si sleeping beauty oh."Sabi ko kay Nethan sabay turo kay Casey na hanggang ngayon tulog parin. May gusto kasi siya sa kapatid ko at sinabi niya yun sakin, tinanong panga niya ako kung payag daw ba ako na ligawan niya ang kapatid ko at ang sinagot ko ay wala namang problema sakin kung ligawan niya ito basta maging handa lang siya sa pwedeng maging sagot nito. Takot kasi yung pumasok sa isang relasyon at mag mahal dahil siguro sa nakikita niya kung paano ko lokohin yung ibang mga babae kaya iniisip niya siguro na lolokohin lang din siya. Kasalanan ko bang habulin ako ng mga babae, hindi naman diba? Hindi naman kasi ako choosy kaya lahat ng nag kakagusto sakin pinapatulan ko.

"Gago tol! Hindi ko siya type." Sabi nito na ang tinutukoy ay si sleeping beauty.

Natawa nalang ako sa naging sagot niya.

"Bakit?Maganda naman siya ah saka sexy at parang hindi naaarawan kaya patulan mo na kaysa sa nag hahabol ka sa kapatid ko."Sabi ko pero syempre mas maganda parin naman ang kapatid ko kaysa sakaniya. Kapatid ko yun eh, mana sa kagandahang lalaki ko.

Sa totoo lang naaawa ako sakaniya dahil first time pa mandin niyang mag kagusto tapos yung nagustuhan pa niya may nagugustuhang iba. Ang Saklap! Kung may maitutulong nga lang ako ginawa ko na pero ayaw ko namang hadlangan ang kaligayahan ng kapatid ko. Kung saan o kanino siya masaya dun ako. Oh diba napaka supportive kong kapatid!

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now