CHAPTER 51

48 1 0
                                    

Carrie's POV

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko na gising na sila kuya.

"Oh umulan ba sa labas at basa ka?"tanong ni kuya.

"Hindi,may nangbasa lang sakin."sagot ko saka nag hanap ng pamalit. Mag papalit nalang muna ako at mamaya na maliligo dahil maaga pa naman saka ayaw ko rin sumabay sakaniya. Nang makahanap na ako ng pamalit ay agad akong nag tungo sa banyo saka nag palit at lumabas na ng matapos na ako.

Kumain muna kami ng breakfast bago pag usapan yung plano. May kinuha naman kasi sila sa Cafeteria na pag kain kaya may nakakain kami.

"Ano ng gagawin natin? Susugurin naba natin sila ngayon?"tanong ni Mica ng matapos kaming kumain.

"Not now, hayaan muna natin silang mag luksa. Bukas tayo susugod sa ngayon kailangan muna nating pag handaan ang gagawin natin and kailangan din muna nating malaman ang galaw nila."Sabi ni Casper. Kanina pa pala siya tapos maligo.

"Ako ng bahalang mag masid sakanila."Presenta ni kuya.

"Delikado ang mag masid sakanila."Nag aalalang sabi ni Cindy.

"Alam ko. Wag kang mag alala love mag three years ko naring ginagawa ang pag mamasid at wala namang nakakapansin sakin."Sabi ni kuya.

Mag three years nanga pala simula noong pumasok siya dito. Ang tagal narin.

"Sasamahan kita."Sabi ni Nethan.

"Hindi ka panga masyadong magaling tapos sasamahan mo pa ako, wag na, dumito kanalang at mag pahinga."Sabi ni kuya.

"Tama si kuya, Nethan. Kailangan mong mag pagaling at mag palakas para sa gagawin natin bukas kaya dumito kanalang muna at mag pahinga."pag sang ayon ko sa sinabi ni kuya.

Napakabuti at matulungin talaga ni Nethan. Kahit na may dinaramdam na siyang sakit, gusto parin niyang tumulong at ayaw niyang mapag isa si kuya na kaibigan niya kaya masasabi kong napakabuti talaga niyang kaibigan. Maswerte si kuya dahil nag karoon siya ng kaibigan na gaya ni Nethan.

"Ako nalang ang sasama sayo kuya. Maayos nanaman ako."Sabi ni Dave.

"Sige ikaw bahala."sabi ni kuya.

"Ingat kayo."Sabi ko sakanila. Nag aalala ako sa gagawin nila pero alam ko naman na hindi ko sila mapipigilan kaya wala akong magagawa kundi ang sumang-ayon nalang sa gusto nila.

Nang makaalis na sila ay naisipan namin na mag linis nalang muna dahil sa wala kaming magawa at ng matapos na kami ay naisipan kong lumabas muna para hanapin si Casper. Nakita ko kasi siyang lumabas kanina. Balak ko kasing mag patulong sa pag e-ensayo sakaniya. Hindi ko pala siya pinapansin kanina dahil sa ininis niya ako pero ngayon hindi nanaman ako naiinis sakaniya. Mabilis lang naman kasi mawala yung inis ko.

"Pwede bang ituloy na natin yung pag e-ensayo ngayon."Sabi ko sakaniya ng makita ko siya at malapitan.

"Why?"tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong bakit?"tanong ko pabalik.

Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

"Bakit parang biglang gusto mo ng mag ensayo."

"Eh kasi ayaw ko ng maulit pa yung nangyari and ayaw ko rin na may masaktan pa ng dahil sakin."Sabi ko.

Ayaw ko na kasing maulit pa yung nangyari kay Nethan at saakin kaya gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban para hindi na ako matalo pa.

"So dahil kay Nethan."Sabi niya

"Oo isa siya sa dahilan kung bakit gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban."Sabi ko.

"Tsk!"

Pinag masdan ko yung mukha niya ng mapansin ko na parang naiinis siya.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now