CHAPTER 50

46 1 0
                                    

Carrie's POV

Nang makabalik kami ay sinalubong agad kami nila Cindy.

"Kuya! Carrie,Carlo buti at ligtas kayo."Sabi ni Cindy.

"Ano bang nangyari sainyo? Bakit ngayon lang kayo nakabalik?"tanong ni Mica.

Kinuwento ko naman ang nangyari sakin ganon din ang ginawa ni kuya.

"Buti at dumating agad sila at hindi naituloy ni Gerry yung binabalak niya sayo."Sabi ni Cindy.

Kinuwento ko rin kasi sakanila yung binabalak na gawin sakin ni Gerry pero di ko sinabi sakanila yung sinabi nito na nag karoon daw ng relasyon si Casey at Casper dahil sa tingin ko hindi nanaman nila yun dapat pang malaman. Tatanungin ko nalang si Casper mamaya about don.

"Napakasama talaga ni Gerry buti at pinatay mo na siya Dark."sambit ni Mica.

"Bakit pala nakawala siya?"tanong ni Kuya.

Tumingin naman si Mica kay Casey ganon din ako.

"What?! Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na hindi ko nga siya pinakawalan."Sabi ni Casey.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya dahil siya lang naman yung kilala ko na maaaring mag pakawala kay Gerry.

"Hindi ako naniniwala sayo."Sabi ko.

"Di don't, hindi ko hinihingi ang opinion mo kung ayaw mong maniwala di wag, Hindi naman kita pinipilit na maniwala."Sabi ni Casey saka tumingin kay Casper. "Maniwala ka sakin,Hindi ako ang nag pakawala sakaniya. Oo kinausap niya ako at sinabing pakawalan ko siya pero di ko yun ginawa."Sabi nito kay Casper.

Naiinis na talaga ako sakaniya!

Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Casper. Bakit niya ako pinipigilan? Ayaw ba niya na masaktan ko si Casey? Pero bakit naman? Baka tama nga yung sinabi ni Gerry na nag karoon silang dalawa ng relasyon at mahal niya talaga ito at ginagamit lang niya talaga ako. Parang ang sakit naman isipin kung ganon nga.

"Tama na! Ang mahalaga ngayon ay wala na si Gerry. "Sabi ni Cindy saka tumingin kay Casper. "Bakit mo nga pala siya pinatay kuya?"Tanong nito kay Casper.

"Dahil wala nanamang rason para buhayin ko pa siya. Masyado na siyang maraming nagawang kasalanan at ayaw ko ng madagdagan pa yun and hindi narin naman natin siya kailangan."Sagot ni Casper.

"Sa ginawa mo paniguradong mag wawala ng husto si Madame Selena."Sabi ni Julius.

"Yeah I know at handa na ako sa pwedeng gawin niya, sana kayo rin."Sabi ni Casper.

"Handa narin kami pero paano yan, kakaunti lang tayo at hindi pa masyadong maayos ang lagay ni Nethan."Nag aalalang sabi ni Mica.

"Nabawasan narin ang mga tauhan nila kaya sa tingin ko kaya na natin sila."Sabi ni kuya.

"Kung hindi pa natin wawakasan ang kasamaan nila ngayon mas marami pa ang mamamatay."Sabi ni Cindy.

Napatango tango naman kami. Tama siya, kailangan nanga talaga naming wakasan ang kasamaan nila Madame Selena para wala ng iba pang mamatay.

"So what's the plan?"tanong ni Casey.

"Mamaya na natin pag usapan yan pag sikat ng araw, sa ngayon kailangan na siguro muna nating mag pahinga para kumuha ng lakas."Sabi ni Cindy.

Sumang-ayon naman kaming lahat kaya pumasok na kami sa loob.

"Ate/Kuya buti at nakabalik kayo ng ligtas."Sabi ni Dave.

Tumango lang naman ako. Nawalan na kasi ako ng ganang makipag usap. Ewan ko ba pero kapag naiisip ko yung sinabi ni Gerry nasasaktan ako kahit na hindi pa naman ako sigurado kung totoo ba yun.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon