CHAPTER 32

43 1 0
                                    

Carrie's POV

Hanggang ngayon nag sasayaw parin sila. Para silang walang kapaguran, hataw na hataw parin e. Tinataas panga nila yung damit nila kapag gumigiling sila kaya napapatakip nalang ako ng mukha. Para silang mga sira kulang nalang mag hubad sila sa harapan namin, kala mo naman may mga abs, actually meron naman  talaga sila mukha nga lang buto buto.

"Ayaw niyo bang sumayaw?"tanong ni Dave samin habang patuloy parin sa pag sayaw kaya mabilis kaming umiling.

"Hindi pwedeng ayaw niyo, ano yun kami lang mapapagod."Sabi ni kuya

Hindi naman namin sinabing sumayaw sila ah. Kagustuhan nila yun kaya di dapat nila kami dinadamay sa kalokohan nila.

"Hilahin ang mga yan!"sigaw ni Julius saka lumapit kay Mica. Lumapit din naman sila kuya samin saka kami hinila pero hindi kami nag padala kaya naupo nalang sila at pinatay na yung tugtog. Mukhang napagod na sila kakasayaw. Mabuti naman at baka mamatay na kami dito kakatawa.

"Mag laro naman tayo."excited na sabi ni Mica

"Laro? Anong klaseng laro naman babe?"tanong ni Julius.

"Put a finger down."sagot ni Mica

"Sige sige maganda yan."pag sang ayon ni Casey.

"Tapos yung matalo sasayaw."Sabi naman ni kuya

Sumang ayon naman kami.

"Ako ng mauuna."excited na excited na sabi ni Mica.

Tinaas nanaman namin yung kamay namin.

"Put a finger down kung mahal mo parin yung ex mo."-Mica

Sabay na binaba ni Cindy at kuya yung daliri nila kaya nag simula ang kantyawan.

"Yiee sana all."kinikilig na sabi ni Mica.

Hindi naman maipinta ni Casper yung mukha niya dahil mukhang di siya natutuwa.

Ewan ko pero parang kinakabahan ako sa larong ito ah.

"Ako naman. Put a finger down kung may nagugustuhan ka ngayon."-Dave

Binaba naman nila Nethan,Casey and Casper yung daliri nila. Sabay pangang nag baba si Casey at Casper e tsk!

Hinawakan naman ni kuya yung daliri ko saka binaba kaya napatingin ako sakaniya.

"Bawal ang madaya."Sabi niya

"Anong madaya e wala naman akong nagugustuhan."tanggi ko at akmang itataas na sana yung daliri ko ng mag salita ulit siya.

"Hindi na pwedeng itaas pa ang daliri kapag binaba na."Sabi niya

"E ikaw naman kaya ang nag baba saka ikaw nga itong madaya dahil di mo binaba yung daliri mo."pakikipag talo ko.

"Hindi ako madaya dahil wala naman akong nagugustuhan kasi hindi ko naman siya gusto dahil mahal ko siya."Sabi ni kuya saka niya kinindatan si Cindy na kinapula nito.

"Tama nanga yan, next na."Sabi ni Julius.

"Okay, put a finger down if nakaranas kana ng kiss."Sabi ni Casey

Nasamid naman ako ng maalala ko yong hinalikan ako ni Casper.

"Okay kalang?"tanong ni kuya sakin.

Napatango tango naman ako saka ko nilapag yung baso na may tubig na hawak ko sa lamesa, umiinom kasi ako ng tubig ng itanong yun ni Casey kaya nasamid ako. Bakit naman kasi ganito yung mga sinasabi nila?

Tumango lang naman si kuya saka niya binaba yung daliri niya ganon rin sila Cindy,Mica, Julius,ako saka Casper. Napasimangot panga si Casey ng makitang binaba ni Casper yung daliri niya.

DARK HELL UNIVERSITYKde žijí příběhy. Začni objevovat