CHAPTER 29

47 1 0
                                    

Carrie's POV

"This is true?"hindi makapaniwalang tanong ni Casey.

"Yeah"sagot ni Casper.

Para namang kuminang yung mga mata ni Casey sa narinig niya.

"Ikaw pala yung pinsan ni Gerry na matagal ko ng hinahanap."Sabi ni Casey.

"Ikaw lang pala si Dark, Ang buong akala namin ay si Carlo talaga si Dark."Sabi ni Julius.

"Nag panggap lang ako para hindi makahalata ang kalaban na siya yun. Mukha kasing hindi pa siya handa nong mag pakilala kaya nag panggap nalang muna ako."Sabi ni kuya.

Napatango tango naman sila.

"So ngayon na alam niyo na kung sino talaga si Dark, panahon narin siguro para mag pakilala ako."Sabi ni Cindy kaya napunta ang atensyon namin sakaniya. "I'm Darla ang nakababatang kapatid ni kuya Dark."Sabi niya

Siya si Darla? Kung ganon siya pala yung bestfriend ko.

"How?!"Hindi makapaniwalang tanong ni Mica.

"Akala ko patay kana what i mean ang alam ko kasi ay patay na si Darla."Sabi naman ni Casey.

"Oo nga ang alam ko may pumatay sainyo pero hindi napatay si Dark."Sabi naman ni Julius.

"Yeah, may nag papatay nga samin pero hindi sila nag tagumpay dahil may tumulong samin at siya yung isa sa mga inutusan para patayin kami. Hindi daw kasi niya maatim na pumatay ng bata kaya niya kami niligtas."sambit ni Cindy.

"Pero ang alam ko may natagpuang bangkay ng batang babae kung saan nangyari ang krimen."Sabi ni Casey

"Hindi ako yun, anak siya ng isa sa mga kasambahay namin. Pinalabas lang namin na ako yun para isipin ng kalaban na si kuya Dark lang ang nakaligtas."paliwanag ni Cindy

Mukha namang naliwanagan na sila.

"Alam niyo naba kung sino ang nag papatay sainyo?"tanong ni Dave. Ngayon lang siya nag salita, kanina pa kasi siya tahimik at hindi umiimik parang si Nethan.

"Yes at yun ay walang iba kundi sina tita Selena at tito Garry. Pinapatay nila kami para makuha lahat ng ari-arian ni Daddy pero dahil nga nalaman na buhay pa si kuya Dark ay hindi nila nagawang makuha lahat ng ari-arian ni Daddy kaya ginawa nalang nilang impyerno ang paaralan na ito. Napaka halaga kay daddy ang paaralan na ito dahil dito sila unang nag kakilala ni mommy kaya naman ito ang una niyang pinag tuunan ng pansing pagandahin kaya nga nagawang siraan ninda tita at tito ang paaralan na ito dahil alam nila na napaka halaga nito kay Daddy. Pati nga mabuting pag sasamahan ng mga studyante dito ay nagawa nilang sirain."malungkot na pag sasalaysay ni Cindy.

"Napaka sama talaga nila."Nang gagalaiting sambit ni Mica.

"Kaya nga kailangan nating mag tulungan para mapatumba natin sila."sambit ni Kuya

Napatango tango naman kami maliban kay Casper. Mukhang ayaw parin niya na makipag tulungan.

"Sa tingin ko kailangan na nating umalis."Sabi ni Nethan.

"Sa tingin ko rin"Sabi naman ni Casey.

Tumango naman si kuya saka nag sign na sumunod kami sakaniya bago siya lumakad paalis.

Sumunod nalang naman kami sakaniya. Ayaw pa nga sana ni Casper na sumunod, hinila lang siya ni Casey tsk!

Tahimik lang kaming nag lalakad hanggang sa makarating kami sa isang tagong lugar.

"Alis muna kami, babalik nalang kami mamaya para sa plano."paalam ni Mica saka niya niyaya sina Julius at Dave.

"Sige mga ate/kuya alis muna kami. Kukuha kasi kami ng makakain."paalam pa ni Dave bago sila tuluyang umalis.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now