CHAPTER 27

55 1 0
                                    

Cindy's POV

Kanina ko pa hinahanap si kuya matapos kong malaman na sinaraduhan lahat ng daan palabas dito sa DHU pero hindi ko siya makita kita pati si Carrie kanina ko parin hindi nakikita kaya nag aalala na ako dahil baka mag kasama sila at pag tangkaan siyang patayin ni Carrie. Kilala ko naman si kuya at alam ko na hindi niya hahayaang mamatay siya pero alam ko na gusto niya si Carrie at baka yon ang maging dahilan para matalo siya. Iba kasi ang nagagawa ng pag ibig kaya natatakot ako na baka yon ang maging dahilan ng pag ka sira ng plano namin.

Pinag patuloy ko nalang ang pag hahanap at pinasawalang bahala nalang ang mga iniisip ko na posibleng mangyari. Naisipan kong mag tungo sa room ni Carrie dahil baka nandun ito pero hindi paman ako nakakarating ng matanaw ko sa di kalayuan yong lalaking naka maskara. Palagi ko nalang siyang nakikita pero hindi ko manlang siya magawang malapitan dahil kapag lumalapit ako ay umaalis naman siya. Marami pa naman akong gustong itanong sa kaniya tulad ng 'sino ba siya at bakit nag papanggap siyang si Dark pati kung bakit niya ako tinutulungan' dalawang beses na kasi niya akong tinulungan nong napalaban ako.

Nang makita ko siyang pumasok sa isang abandonadong classroom ay dali dali ko siyang sinundan saka ni lock ang pinto ng makapasok ako para di na siya makawala pa at pag harap ko ay napaatras nalang ako dahil nasa harapan ko na siya.

"Sino ka?"paunang tanong ko saka ko nilabas ang kutsilyo ko saka tinutok sakaniya.

Hindi naman siya sumagot, nakatitig lang siya sakin kaya nag salita ulit ako.

"Tinatanong kita kaya sumagot ka!"Sabi ko saka mas diniin pa yong kutsilyo sa leeg niya.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"tanong niya.

Nang marinig ko yong boses niya ay bigla nalang nangilig yong kamay ko. Hindi ko alam kong tama ba yong iniisip ko pero alam ko na mali ako dahil matagal na siyang---

"Oh I forgot,"Sabi niya saka dahang dahang tinanggal yong maskara niya.

Ang lakas naman ng kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan ako sa pwede kong makita. Nang tuluyan na niyang matanggal yong maskara niya ay bigla ko nalang nabitawan yong kutsilyo ko sa sobrang gulat ng makita siya.

"I'm happy to see you again, my love."pag kasabi niya non ay bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Imposible, p-paanong---"Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paanong buhay siya? Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya sinaksak ni kuya kaya paanong nangyaring nasa harapan ko siya ngayon at humihinga?

"Mahabang storya at hindi ito yong tamang oras para ikuwento ko sayo."Sabi niya saka niya ako nilapitan saka niyakap. "I miss you" mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

Nang maalala ko si kuya ay agad ko siyang tinulak.

"Bakit kapa nag pakita sakin?"tanong ko habang pinapahid ko yong luha ko.

Hindi na dapat siya nag pakita pa dahil kapag nalaman ni kuya na buhay siya ay paniguradong papatayin siya nito at ayaw ko narin maulit pa yong nangyari.

"Hindi kaba masayang makita ako?"malungkot niyang tanong.

"Hindi"pag sisinungaling ko dahil ang totoo masayang masaya talaga akong makita siyang buhay pero kailangan kong mag panggap.

"Hindi?"

"Oo, hindi ako masayang makita ka kaya pwede bang umalis ka nalang at huwag ng mag pakita pa sakin ulit."

Parang piniga yong puso ko sa sinabi ko. Ang sakit pero kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti niya. Ayaw ko ng mapahamak pa siya ng dahil sakin kaya kung kinakailangan ko siyang ipag tabuyan ay gagawin ko kahit masakit.

DARK HELL UNIVERSITYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora