CHAPTER 49

45 1 0
                                    

Carrie's POV

Nagising nalang ako na nasa isang basement na ako. Hindi ito yung basement na pinuntahan namin.

"Gising kana pala mahal." Nang marinig ko ang boses ni Gerry ay agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Bakit nandito ka?"tanong ko.

Nakatakas ba siya, kaya siya nandito?

Inisip ko naman yung mga nangyari. Naalala ko na iniwan nga pala namin siya ni Cindy na mag isa para puntahan yung pinanggalingan ng malakas na pag sabog at pag katapos non ang naaalala ko lang ay napalaban ako tapos nawalan ng malay at pag gising ko nandito na ako. Paniguradong nag aalala na sila sakin. Hindi ko panga nakikita sila kuya, Hindi ko pa alam kung nakaligtas ba sila pero sana dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ko na may isa sakanila ang hindi nakaligtas.

"Dahil may nag patakas sakin."sagot niya.

May nag patakas sakaniya? Sino naman kaya? Di kaya si Casey ang nag patakas sakaniya kasi pag labas namin kanina ni Cindy ay nakita ko siya sa may labas.

"Si Casey ba? Siya ba ang nag patakas sayo?"tanong ko.

Hindi naman sa pinag bibintangan ko ito pero siya lang kasi yung kilala ko na close kay Gerry sa grupo.

"Bakit mo naman tinatanong? Wala kabang tiwala sakaniya? Hindi ba't kasamahan niyo siya? Ah alam ko na kung bakit wala kang tiwala sakaniya dahil siguro sa ex siya ng boyfriend mo, tama ako hindi ba?"Sabi niya.

Ex? Nag karoon sila ng relasyon?

"Hindi ako naniniwala sayo!"Sabi ko.

Wala namang sinabi sakin si Casper na ex niya si Casey kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

Tumawa naman siya.

"Edi wag kang maniwala, nag sasabi lang naman ako ng totoo, baka nga nag kabalikan na sila. Wala kabang napapansin sakanila?"sambit niya

Bigla namang nag flashback sa utak ko yung mga panahon na hindi pa kami ni Casper. Parang may something nga sakanilang dalawa.

"Hindi! Wala silang naging relasyon."Sabi ko.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala silang naging relasyon pero may part sakin na parang naniniwala sa sinasabi niya.

"Hahaha ikaw din baka mag sisi ka. Ang pag kakaalam ko pa mandin kaya nakipag hiwalay si Casey sakaniya ay dahil sa nahuli niya ito na may ibang babae pero ang alam ko gusto lang niya talagang makipag hiwalay sakaniya si Casey para hindi na ito madamay pa at ngayon na napatawad na siya ni Casey ginamit kanaman niya para lumayo ito sakaniya. Mahal na mahal talaga niya si Casey kaya ayaw niya itong madamay sa gulo ng buhay niya samantalang ikaw para sakaniya isa kalang bagay na pwedeng gamitin kung kailan niya gusto."Sabi niya

"Story maker kaba? Ang galing mo kasing gumawa ng kwento eh."Sabi ko.

Alam ko na gumagawa lang siya ng kwento kasi kung totoo nga na mahal ni Casper si Casey at naging sila tapos ayaw lang ni Casper na madamay ito kaya gumawa siya ng paraan para makipag hiwalay ito e bakit naman niya yun malalaman? Hindi naman sila close ni Casper para sabihin sakaniya yun.

Kailangan ko na talagang makatakas dito. Ayaw ko na maging problema nila ako,ayaw ko na magamit ako ng kalaban para matalo sila, ayaw ko na maging kahinaan niya ako.

"Haha hindi ako gumagawa ng kwento."Sabi ni Gerry.

"Sige nga kung hindi ka talaga gumagawa ng kwento. Paano mo naman nalaman na gusto nga lang ni Casper na hiwalayan siya ni Casey dahil sa ayaw niya itong madamay? Sinabi ba niya sayo? Next time kung gagawa ka ng kwento, yung kapanipaniwala naman sana."Sabi ko.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon