CHAPTER 33

45 1 0
                                    

Carrie's POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng lamig. Nakatulog na pala ako kanina matapos namin sumayaw ni Cindy dahil sinobsob ko yung mukha ko sa likod ni kuya sa sobrang hiya kaya ayon di ko namalayan na nakatulog na ako pero wait nasan ako? Bumangon ako ng makita ko na nasa ibang lugar na ako. Madilim, wala akong masyadong makita. Hinanap ko sila kuya pero hindi ko sila makita. Nasan na sila at paano ako napunta dito? Nilibot ko nalang ang paningin ko para hanapin sila at ng may marinig akong mga taong umiiyak ay napatingin ako sa pinang gagalingan nito at dun ko nakita ang pigura ng isang babae at lalaki. Hindi ko makita ang itsura nila dahil madilim kaya naisip ko na lumapit pero bigla akong natigilan ng makita ko na sinaksak nung babae yung lalaki kasabay ng pag agos ng luha sa mata nung babae.

"HINDI!"Sigaw ko saka ako napabalikwas ng bangon. Panaginip lang pala yun pero bakit parang ang sakit? Sino kaya yung babae at lalaki sa panaginip ko? At ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko na yun? Sabi kasi ni lola ang panaginip daw ay may kahulugan at minsan daw ay nag kakatotoo ito pero sana naman hindi mag katotoo yung panaginip ko kasi feeling ko isa saamin yung lalaki at babae sa panaginip ko, Hindi ko lang alam kung sino  saamin pero pakiramdam ko talaga ay isa saamin dahil bigla akong nakaramdam ng sakit.

Bumangon nalang ako at tiningnan sila kuya na natutulog sa sofa ang iba naman ay sa lapag natutulog pero may latag naman samantalang kami ni Cindy,Casey, at Mica ay nasa kama. Double bed naman kasi yung kama kaya nag kasya kami. Mag katabi kami sa baba ni Cindy samantalang si Casey at Mica naman sa taas tapos si kuya at Casper ay nasa mag kabilang sofa natutulog samantalang si Dave at Julius naman ay nasa lapag. Wala si Nethan, siguro ay nasa labas ito kaya naisipan ko munang lumabas para mag pahangin.

Pag kalabas ko ay nakita ko si Nethan na nakaupo sa ugat ng puno kaya nilapitan ko ito.

"Ang aga mo naman yatang magising."Sabi ko kay Nethan ng makalapit ako. Madilim pa kasi at mukhang alas kuwatro palang ng umaga.

Napatingin naman siya sakin.

"Hindi naman ako nakatulog."sabi niya. Naupo nalang naman ako sa tabi niya.

"Bakit?"tanong ko.

"Ang gugulo nila e."sagot niya

Sabagay sino nga ba naman ang makakatulog sa kaguluhan nila buti nanga lang at nakatulog ako kahit kunti.

"Okay kalang ba?"tanong ko dahil mukhang hindi siya okay kahapon pa.

Ngumiti naman siya.

"Oo naman, iniisip ko lang ang pwedeng mangyari kapag sumikat na ang araw."Sabi niya

Iniisip ko nga rin yun pero malaki naman ang tiwala ko na makakaya naming matalo ang mga kalaban basta mag tutulungan kahit na medyo kinakabahan ako dahil sa panaginip ko.

"Wag kang mag alala malalampasan natin ito, tiwala lang dahil naniniwala ako na hindi hahayaan ng Diyos na manaig ang kasamahan sa kabutihan kaya mag tiwala kalang sakaniya."Pag papalakas ng loob ko sakaniya.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong humiling sa panginoon dahil sa marami akong nagawang kasalanan pero sana hindi niya hayaan na mag tagumpay ang mga kalaban namin at sana makalabas kami ng buhay dito sa impyernong paaralan na ito.

Ngumiti lang naman siya.

"Ano nga palang plano mo kapag nakalabas tayo dito?"tanong ko, ako kasi plano ko na ipag patuloy yung pag aaral ko.

"Hindi ko pa alam dahil hindi ko naman na naiisip na lumabas pa dito."Sabi niya

"Bakit naman? Wala kanabang pamilya sa labas?"tanong ko, ako nong una hindi ko narin naisip pa na lumabas dito dahil para saan pa e wala nanaman akong pamilya pa na babalikan sa labas, ang gusto ko lang talaga noon ay maipag higanti si kuya at pag katapos nun ay sumunod na sakanila nila mommy pero ngayon na nalaman kung buhay si kuya ay gusto ko ng makalabas dito para maipag patuloy namin ang buhay namin sa labas.

DARK HELL UNIVERSITYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt