CHAPTER 34

48 1 0
                                    

Carrie's POV

Natigil ang pag uusap namin ni Cindy ng magising na si kuya.

"Ang sakit ng ulo ko!"reklamo ni kuya habang hawak hawak yung ulo niya.

"Yan sige inom pa tapos mag rereklamo ka na masakit ang ulo mo."Panenermon ni Cindy kay kuya saka siya lumapit sa may direksyon nito para mag ligpit. Ang dami kasing kalat.

Tumayo naman si kuya saka nag kunyaring nahihilo.

"Grabe nahihilo ako."Sabi nito saka nag kunyaring matutumba saka yumakap kay Cindy.

Napailing iling nalang ako. Ibang klase talaga si kuya, galing mananching.

"Bitawan mo nga ako, baka mamaya makita tayo ni kuya, nako patay ka."Nag aalalang sabi ni Cindy.

"Takot ko sa kuya mo."Matapang na sabi ni kuya.

"Talaga lang huh! Hindi ka takot."Sabi ni Cindy.

"Hindi"Sabi ni kuya pero ng bumukas yung pinto ay agad siyang bumitaw sa pag kakayakap kay Cindy kaya pareho kaming natawa ni Cindy. Hindi raw takot eh haha.

"Si kuya?"tanong ni Cindy kay Nethan. Si Nethan lang kasi yung pumasok.

"May pinuntahan."sagot nito saka dumiretso sa banyo.

Pinag patuloy nalang ni Cindy yung pag lilinis niya at di nalang nag salita. Tumayo naman ako saka tumulong.

"Tulungan ko na kayo ate."Sabi ni Dave na kagigising lang saka kami tinulungan.

Tumulong narin naman si kuya.

"Uy gising na diyan."pang iistorbo ni kuya kay Julius na mahimbing paring natutulog.

"Ang aga pa babe."reklamo ni Julius ng di parin minumulat yung mata niya. Napag kamalan siguro niya na si Mica yung gumigising sakaniya.

"Anong babe ka diyan. Lol pre! Di tayo talo."Sabi ni kuya kaya agad na minulat ni Julius yung mata niya saka bumangon na.

"Bakit ba?!"reklamo nito na mukhang inaantok pa.

"Anong bakit? Kita mong nag lilinis kami tapos pahara hara ka diyan."Sabi ni kuya kaya mukhang nainis si Julius. "Biro lang pre, Umaga na kasi!"Pang bawi niya.

Hay ugali talaga ni kuya.

Pinag patuloy nalang namin yung pag lilinis ng tuluyan ng bumangon si Julius at ng matapos na kami ay naupo nalang muna kami sa sofa.

"Alis muna ako kuya/ate kuha lang ako ng makakain."pag papaalam ni Dave.

"Sama ako."Sabi ni Mica na gising narin pala.

"Ako rin"Sabi naman ni Julius saka sila umalis.

Nang dumating nanaman si Casper ay agad na lumipat ng upuan si Cindy. Mag katabi kasi sila ni kuya. Halatang takot siya sa kuya niya.

"Dito ka kuya."Sabi ni Cindy saka niya hinila si Casper paupo sa tabi ko kaya napadasig ako samantalang siya ay napakunot ang noo na mukhang naguluhan sa inakto ng kapatid niya.

"Sandali, hindi yata fair."sabi ni kuya saka siya lumipat ng upo sa tabi ni Cindy. Agad naman siyang sinamaan ni Casper ng tingin kaya si Cindy nalang yung dumasig, nadala panga niya si Casper sa pag dasig kaya naipit tuloy ako sa tabi.

Tumayo nalang ako dahil bigla akong nakaramdam ng pag kailang. Siguro nga tama si Cindy na gusto ko na si Casper dahil ang alam ko lang kapag gusto mo yung isang tao ay biglang nag babago yung kinikilos mo at pakikitungo mo sakaniya. Hindi naman kasi ako ganito dati, nag bago lang simula noong halikan niya ako.

"Labas muna ako."Pag papaalam ko saka ako lumabas na pero bago ako makalabas ay nakita ko si kuya na tumayo sa pag kakaupo niya saka may kinuha at sumunod sakin na kala mo ay takot siyang maiwan sa loob dahil baka may gawin sakaniyang masama si Casper.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now