CHAPTER 31

43 0 0
                                    

Carrie's POV

Habang nag iinoman sila ay tahimik lang ako dahil ayaw akong painomin ni kuya kahit nasa legal age nanaman ako, iba daw kasi ang epekto ng alak at di ko rin naman daw magugustuhan ang lasa nito. Hindi rin naman umiinom si Cindy at Casey. Tumikim lang sila kanina ng kaunti at mukhang hindi nila nagustuhan yung lasa dahil hindi na ulit sila uminom samantalang si Mica naman ay inom ng inom pati yung mga boys maliban kay Dave na paunti unti lang ang iniinom dahil wala pa naman siyang 18.

"Ang galing niyo talaga ate Carrie at kuya Dark dahil nagawa niyong talunin yung mga tauhan ni Gerry kanina."Sabi ni Dave na di parin maka move on sa nakita kanina.

Ngumiti nalang ako kahit si Casper lang naman talaga ang tumalo sakanilang lahat.

"Hindi yun mga tauhan ni Gerry."Sabi ni Casper kaya napunta ang atensyon naming lahat sakaniya.

Kung hindi yun mga tauhan ni Gerry e kanino yun? Si Gerry lang naman ang alam ko na may galit sakaniya na pwedeng mag papatay sakaniya e.

"Mga tauhan yun ni Gerry dahil narinig namin siya ni Casey na may binabalak sayong masama."Sabi ni Nethan.

Umiling naman si Casper.

"Kilala ko ang mga tauhan nila at kilala ko si Gerry alam ko na ang mga inuutusan lang naman niya ay mga studyante and pinag bawal din ng headmistress ang pag patay ngayong araw kaya alam ko na hindi yun susuwayin ng anak niya. Nag babalak palang siyang patayin ako kaya nasisiguro ko na hindi siya ang nag utos sa mga yun."Sabi ni Casper

Mukha ngang hindi mga studyante yung nakalaban namin kanina dahil matatanda na ang mga ito.

"Kung hindi siya sino? May iba kapabang kaaway maliban sakaniya at sa pamilya niya?"tanong ni Casey

"Sa ngayon hindi ko pa alam pero malalaman ko rin yun. Wala nanaman akong iba pang nakaaway, meron lang mga galit sakin."Sagot ni Casper saka tumingin kay kuya.

"Hindi ako galit sayo noh. Ikaw nga tong may galit sakin."Sabi ni kuya

"Sinabi ko ba?"Sabi ni Casper

"Baka naman si Carrie talaga yung punterya nila."Sabi ni Casey na ngayon ay nakatingin sakin.

"Siguro nga, may mga kagalit kaba dito?"tanong ni Mica sakin.

"Si Mad lang naman yung kilala ko na may galit sakin pero patay na siya at isa pa si Casper talaga yung punterya nila dahil sinabi nung namumuno sakanila na siya lang yung kailangan nila kaya nga ako pinapaalis e."Sabi ko

"Sa tingin ko may iba pang may galit sayo bro."Sabi ni Julius na mukhang lasing na dahil namumula na.

"Baka naman yung mga kamag anak o kaibigan ng napatay mo ang nag utos sakanila,kuya."Sabi naman ni Dave.

May posibilidad nga na yung mga kamag anak o kaibigan ng pinatay niya ang nag utos.

"Nah, Wala naman kasi dito yung mga kamag anak ng mga napatay ko at kung nandito man ay hindi naman sila makakakuha ng mga tauhan sa labas at hindi rin naman nalalaman ng pamilya nila sa labas kung sino ang pumatay sakanila."Sabi ni Casper

"Kung ganon, Sino nga kaya ang nag utos sakanila?"-Mica

"May mga nakalaban narin akong mga lalaki na hindi familiar sakin, nung una iniisip ko na yung mga may galit sakin yung nag utos sakanila pero ngayon dahil sa sinabi ni kuya bigla akong napaisip dahil hindi naman nga pwedeng makakuha ng mga tauhan sa labas ang mga studyante na nandito maliban nalang kung malapit kay madame Selena."-Cindy

"Baka naman mga tauhan talaga yun ninda Madame Selena, iniisip niyo lang na hindi."-Casey

"Tama tama kaya pwede ba mag inuman nalang tayo, e-enjoy nalang muna natin ang gabing ito."-Julius

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now