CHAPTER 6

69 1 0
                                    

Carrie's POV

Wala kaming klase ngayon dahil may meeting daw ang mga kasali sa rank saka mga teachers pero bago sila mag meeting ay may sasabihin daw muna ang headmistress kaya nandito kaming lahat sa gymnasium.

Nang dumating na si madame Selena at ang siyam na kasali sa rank ay napunta sakanila lahat ng atensyon ng mga studyante na nandito.

Tiningnan ko naman isa isa ang mga kasali sa rank para kilalanin dahil sa tingin ko tama si Kate na isa sa kanila ang pumatay kay kuya.

"Good morning ladies and gentlemen." Panimula ni madame Selena.

Lahat naman ng studyante ay nakatingin lang sakaniya at nag hihintay ng susunod na sasabihin.

"Isa nanaman ang namatay na kasali sa rank kaya may pag babago tayo sa rank. Ang iba ay tataas ang iba naman ay bababa. Ang rank 1 natin ay si Miss Cindy parin, Rank 2 Nethan, Rank 3 Casey , Rank 4 Dave, Rank 5 Gerry, Rank 6 Mica  at Ang rank 7 na natin ay si Julius ,rank 8 Misty and last rank 9 ay si Jake. Sa ngayon wala pa tayong rank 10 dahil ang magiging rank 10 natin ay ang mananalo sa fight for life kaya mag sipag register na kayo kung gusto niyong sumali."

Pag kasabi non ni madame Selena ay nag silapitan na ang mga kasali sa rank sa kaniya kaniya nitong section.

"Lima lang ang pwedeng sumali kada section. Sino ang gusto?"tanong ni Cindy.

"Ako"Sabi ko.

Gusto ko kaseng sumali ng sa ganon kapag nanalo ako ay mapapasali na ako sa rank at kapag nangyari yun ay palagi ko ng makakasama ang mga kasali sa rank kaya madali ko ng malalaman kung sino sakanila ang pumatay kay kuya.

Ngumisi muna si Cindy bago niya iabot sakin yung registration form. Pag katapos naming mga gustong sumali na mag fill-up ng registration form ay nag si alisan na silang mga kasali sa rank kasama ng mga teacher at ni madame Selena.

Nang mag si alisan na ang mga studyante ay umalis narin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naisipan kong mag libot libot nalang muna. Sa sobrang lawak kasi nitong DHU ay hindi ko pa nalibot lahat.

Habang nag lilibot ako ay may nakita akong isang bata. Bakit kaya may bata dito?

Nilapitan ko ito pero ng makita niya ako ay bigla nalang siyang tumakbo na kala mo'y takot na takot ng makita ako.

"Sandali lang!"sambit ko saka siya hinabol pero hindi ko na siya naabutan pa dahil ang bilis niyang tumakbo.

Sino kaya siya at bakit kaya siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Bigla naman akong nagulat ng may biglang mag salita. Si Casper lang pala.

"Nag lilibot libot lang. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Balik kong tanong.

Hindi naman niya ako sinagot samantalang ay nag lakad na siya paalis. Sinundan ko naman siya saka sinabayan sa pag lalakad.

"Umalis kana sa lugar na ito."pautos niyang sabi.

"Bakit? Ano bang meron sa lugar na ito?"tanong ko saka ko nilibot ang paningin ko at ng makita ko na may mga umbok ng lupa saka kalansay ay bigla nalang akong kinilabutan. Dito siguro nila nililibing yung mga pinatay sa paaralang ito.

"May multo ba dito?"tanong ko.

Ang totoo kasi niyan takot ako sa multo kahit na sinasabi ng iba na guni guni lang daw yun.

"Pano kung sabihin kung oo? Sa dami ng namatay at nilibing dito imposibleng walang multo."sambit niya kaya mas lalo akong kinilabutan. Tama naman kasi siya sa dami ng namatay at nilibing dito hindi impossible na may multo.

Nilibot ko nalang yung paningin ko at nang may maramdaman akong mga yapak palapit samin ay bigla akong kinabahan. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw sa sobrang kaba. Hindi pa ako handang makakita ng multo. Nang maramdaman ko na malapit na samin yung mga yapak ay bigla nalang akong napasigaw at napayakap kay Casper.

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ng isang babaeng familiar sakin kaya inalis ko na ang pag kakayakap ko kay Casper at tiningnan ito.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya ng makita ko si Cindy. Akala ko kasi multo siya lang pala. Sa sobrang hiya ko ay patakbo akong umalis. Nakakahiya talaga pero wait! Ano naman kayang ginagawa din ni Cindy? Possible kaya na may relasyon silang dalawa at don sila nag kikita?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now