CHAPTER 47

37 1 0
                                    

Darla/Cindy's POV

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko ng makaalis sila kuya. Mas kinakabahan ako ngayon kaysa noong nakikipag laban kami dahil alam ko na mas delikado ang gagawin nila ngayon. Isang pag kakamali lang nila pwedeng sumabog yung bomba. Hindi pa mandin sila marunong mag difuse, si Nethan lang ang marunong kaya talagang nakakakaba.

"Sa tingin niyo ba mag tatagumpay sila?"kinakabahan ring tanong ni Mica.

"Think positive"Sabi ko.

Ayaw kong mag isip ng kung ano-ano. Malaki naman ang tiwala ko na mag tatagumpay sila pero hindi parin maalis sakin yung kaba.

Tumango tango naman siya.

"Labas muna ako."pag papaalam niya saka lumabas na.

Napatingin naman ako kay Carrie na ngayon ay tahimik. Paniguradong nag aalala din siya.

"Wag kang mag alala makakabalik sila ng ligtas."Sabi ko.

Kailangan ko lakasan ang loob ko ngayon dahil kailangan ako ng mga kasamahan ko.

"Hindi lang naman yun ang inaalala ko pati narin yung isa pa nating kalaban."Sabi niya

Sa totoo lang kanina ko parin inaalala yung isa pa naming kalaban. Hindi ko alam kung kalaban ba namin yun ni kuya o kalaban ni Carlo. Wala naman na kasi akong ibang kilala na may galit samin. Sila tito/tita lang. Nagalit lang naman kasi si tito dahil sa inggit. Step brother lang kasi siya ni daddy. Anak siya ni lola sa ibang lalaki. Ang pag kakaalam ko na-raped non si lola bago sila ikasal ni lolo at siya yung naging bunga kaya nga hindi siya tanggap ni lolo pero dahil nga sa mahal ni lolo si lola ay hinayaan nalang ni lolo na buhayin siya. Hindi naging maganda ang pag trato ni lolo sakaniya kaya ganon nalang ang inggit niya kay daddy. Namatay kasi non si lola ng ipanganak nito si daddy kaya naiwan siya kay lolo. At nong mamatay si Lolo ay kay daddy lahat pinamana ang lahat ng ari-arian nito dahil nga sa si daddy lang naman ang tunay na anak nito kaya nga yun ang naging dahilan kung bakit gusto niya na makuha ang lahat ng kayamanan ni Daddy pero sa totoo lang si tita talaga yung mas sakim sa kayamanan.

"May kagalit ba ang kuya mo?"tanong ko

Baka kasi kay Carlo ngang kaaway yun dahil siya naman yung enemail nito.

"Oo, marami itong nakagalit nong high school dahil sa ugali niya. Bakit mo pala natanong?"sambit niya

"Dahil baka yung nag email sa kuya mo ay kaaway niya."Sabi ko.

"Siguro nga"Sabi niya

"Kausapin nalang natin mamaya ang kuya mo. Sa ngayon wag mo nalang munang alalahanin yun."Sabi ko.

"Hindi ko kasi maiwasan na isipin yun lalo na't sabi ni Casper ay matalino daw ito at ginagamit nito ang mga kahinaan natin para matalo tayo kaya nag aalala ako."Sabi niya

Sa totoo lang yun din ang inaalala ko dahil sabi nga ni kuya yung kalaban daw namin ngayon ay alam lahat ng tungkol samin kaya nagagawa nitong mag manipulate ng tao. Pati nga si tita nagawa niyang paniwalain.

Nabasa nanga pala namin kanina yung senent na email kay Carlo. May sinent lang ito na picture ng anak namin at saka sinabi nito na hawak nila ang anak namin at may gusto lang silang hinging kapalit at yun nga ay sabihin kung nasan kami. Nakakapag taka nga na bigla itong nag sent ng email tapos sinabi na nasa kanila ang anak namin e wala namang ibang nakakaalam kundi kami lang apat na may anak kami ni Carlo at ang pinag tataka ko pa ay bakit alam nito na si Carlo yung enemail niya samantalang ay wala pa namang ibang nakakaalam na buhay si Carlo maliban samin at sa mga studyante na pinalabas namin pero hindi naman kilala ng mga studyante na pinalabas namin si Carlo dahil sa mga baguhan palang sila and ang nakakapag taka pa ay bakit alam din nito na si kuya si Dark samantalang ay kami palang din naman ang nakakaalam. Sinabi rin kasi nito sa email na alam nila na kasama ni Carlo si kuya. Ang sabi naman ni kuya narinig niya kila tita/tito na sinabi daw ni Carlo sa email na alam nito kung nasan si kuya at sinabi daw din nito na si Casper nga ay si kuya Dark. Noong una nga daw ay ayaw pang maniwala nila tita/tito sa nag email sakanila dahil ang alam ng mga ito ay patay na si Carlo pero noong pinasilip daw nila sa mga tauhan nila yung lugar na sinabi sa email ay na confirm naman nila na totoo yung sinabi nung nag email sakanila and narinig pa daw ni kuya na may hinihinging kapalit yung nag email pero di na niya narinig kung ano yun dahil pinalabas na sila nila tita/tito. Buti nga at hindi siya nakilala nila tita/tito. Ang isa pa palang pinag tataka ko ay kung bakit kailangan pang mag email kay Carlo yung nag email sakaniya kung pwede naman na Kay tita nalang ito mag email at gamitin nalang ang name niya. Yun din ang iniisip ni kuya kanina e pero sabi niya baka para daw maging makatotohan ang lahat para nga naman talagang nag email si Carlo.

Ang sabi samin ni kuya ay wag nalang daw muna naming sabihin sa iba naming kasamahan yung tungkol dun sa email.

"Wag kang mag alala matalino rin si kuya kaya alam ko na malalaman at malalaman niya kung sino ito at hindi niya hahayaan na magamit ulit ang kahinaan natin nito."Sabi ko.

Sa dami ng pinag daanan ni kuya naging matalino at mapanuri na siya. Hindi lang siya magaling sa pakikipag laban, magaling din siyang mag analyst ng mga bagay bagay at pang yayari. Hindi siya basta basta nag titiwala, hindi rin siya basta basta naniniwala sa mga naririnig niya at sa mga sinasabi ng iba, maging sa mga nababasa niya.

Napatango tango nalang naman siya.

"Kinakabahan naba kayo ngayon? Dapat lang talaga kayong kabahan dahil kapag nahuli sila, BOOM! Tapos na ang maliligayang araw nila."natatawang sabi ni Gerry.

Hindi ko alam kung anong plano ni kuya sakaniya dahil ang sabi lang ni kuya ay gagawin daw namin itong pain para manalo sa laban.

"Hindi mangyayari yun dahil maingat sila. Hindi gaya mo."Sabi ko

Maingat naman talaga ang mga kasamahan namin dahil kung hindi sila maingat baka nasundan na sila.

"Oh sige kapag nakabalik silang lahat dito ng buhay, gagawin ko kung ano ang gusto niyo, pwede ko rin sagutin lahat ng tanong niyo pero kapag may hindi nakabalik sakanila ng buhay, papakawalan niyo ako."Sabi niya.

Alam ko na wala siyang isang salita kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niya pero makikipag laro nalang muna ako sakaniya.

"Sige deal"Sabi ko

"Bakit ka pumayag?"tanong sakin ni Carrie.

"Malaki naman kasi ang tiwala ko na makakabalik silang lahat ng buhay."Sabi ko.

"Pero walang kasiguraduhan na tutupad siya sa napag kasunduan niyo."Sabi ni Carrie.

Mahina lang naman ang pag uusap namin kaya sa tingin ko hindi naman kami naririnig ni Gerry dahil malayo layo naman ito samin.

"Alam ko. Wag kang mag alala hindi rin naman ako tutupad sa napag kasunduan namin."Sabi ko.

Wala rin naman akong balak na tumupad sa napag kasunduan namin kung sakali man na may isa sakanilang hindi nakabalik ng buhay pero malaki naman ang tiwala ko na lahat sila makakabalik ng buhay.

BOOM!

Nang may marinig kaming malakas na pag sabog ay bigla kaming napatayo.

"Hindi!"Sabi ni Carrie.

Kung kanina inalis ko na yung kaba ko ngayon naman mas lalo lang akong kinabahan. Masyadong malakas yung pag sabog at paniguradong malapit lang yun dito. Sana wala sila don, sana ligtas sila.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora