CHAPTER 19

53 1 0
                                    

Carrie's POV

Nandito parin ako ngayon sa labas ng isang classroom, nakikinig sa usapan nila Cindy at Casper.

Mag pinsan nga lang pala sila at hindi mag kapatid. Ang bobo ko talaga para isipin na mag kapatid sila dahil lang sa tinawag ni Cindy na kuya si Casper samantalang ay sinabi nga pala sakin ni Casper na mag pinsan sila. Kaya lang siguro tinawag ni Cindy na kuya si Casper ay dahil mas matanda ito sakaniya at di dahil sa kapatid niya ito.

"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap."

Gulat naman akong napatingin sa likuran ng may biglang mag salita at ng makita ko si Nethan ay dali dali ko itong hinila palayo dahil baka makita kami nila Cindy at Casper.

"Bakit ba bigla bigla kanalang sumusulpot?"tanong ko.

"Bakit may problema ba?"tanong din niya.

"Wala naman"sambit ko saka nag palingon lingon dahil baka nasundan kami.

"Sino ba yung sinisilip mo dun sa classroom?"tanong niya.

Tiningnan ko naman siya.

"Ah wala"sagot ko dahil ayaw kong sabihin ang totoo dahil baka isipin niya na chismosa ako kahit totoo naman hehe.

"Ah okay, ito nga pala dinalhan kita ng pang gamot sa sugat mo."sambit niya

Napatingin naman ako sa may balikat ko.

"Ah salamat"pag papasalamat ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero nag papasalamat ako dahil tinutulungan niya ako pero hindi parin ako dapat mag tiwala dahil malay mo may masama pala siyang balak at ito yung paraan niya para magawa yun.

"Ako nalang ang gagamot."sambit ko pa saka kinuha sakaniya yung dala niya. Nakakahiya naman kase kung siya pa yung pag gagamutin ko e kaya ko naman.

"Kaya mo ba?"tanong niya.

Tumango lang ako saka ko inumpisahan ng linisin yung sugat ko.

"Nga pala, diba alam mo lahat ng tungkol kay Casper?"sambit ko ng maalala ko yung sinabi niya na kilalang kilala niya si Casper at alam niya ang buong pag katao nito.

Tumango tango naman siya.

"Pwede ko bang malaman lahat ng alam mo tungkol sakaniya."sambit ko dahil gusto ko talagang malaman kung sino ba talaga si Casper kaya naisipan kong mag tanong sakaniya.

"Mukhang interesado ka yata sakaniya?"sambit niya

"Hindi naman"sagot ko kahit ang totoo ay parang ganon nanga dahil gusto ko talaga itong mas makilala pa ng sa ganon malaman ko rin kung masama ba ito o mabuti.

"Nakakapag selos naman dahil mas interesado kapa sakaniya kaysa sakin."mahinang sambit niya dahilan para hindi ko masyadong maintindihan.

"Anong sabi mo?"tanong ko.

"Ah, ang sabi ko kailangan ko na palang umalis."sambit niya pero sa tingin ko hindi talaga yun ang sinabi niya.

Hindi nanaman ako nakapag salita pa dahil umalis na siya. Sa tingin ko ayaw lang niyang pag usapan si Casper pero bakit kaya? Siguro dahil may alitan silang dalawa. Hayst bakit pa kase ako nag tanong sakaniya.

Pinasawalang bahala ko nalang ang mga iniisip ko at pinag patuloy nalang ang pag gamot sa sugat ko at ng matapos na ako ay umalis na ako.

"Carrie" napalingon naman ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Bakit?"tanong ko kay Gerry.

"Ayos kalang ba? Nag alala ako ng mabalitaan ko yung nangyaring pag papasabog kanina."sambit niya

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now