CHAPTER 58

44 1 0
                                    

Carrie's POV

Sa sobrang saya ko ng makitang gising na siya ay bigla ko nalamang siyang niyakap.

"Salamat at gising kana."Masayang bulong ko.

Nang maramdaman kong gumalaw siya ay agad akong humiwalay sa pag kakayakap sakaniya.

"Naku! Sorry,"natataranta kong pag hingi ng paumanhin dahil mukhang nasaktan siya sa ginawa kong biglaang pag yakap. "Tatawag lang ako ng doctor."Sabi ko saka siya tinalikuran at ng akmang lalakad na sana ako ay bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko na kinalingon ko sakaniya.

"Okay lang ako."Sabi niya

"Sigurado ka? Wala bang masakit sayo?"puno ng pag aalala kong tanong.

Tumango naman siya.

"Tumawag narin ng doctor si Darla."Sabi niya.

Kaya pala wala dito si Cindy dahil lumabas siya para tumawag ng doctor. Nang pumasok na si Cindy kasama ang doctor at nurse ay lumayo muna ako para ma check ng doctor si Casper.

Pag katapos siyang e-check ng doctor ay may mga tinanong lang ito saka sinabi at pagkatapos ay lumabas narin kasama yung nurse kaya kami nalang tatlo ang naiwan dito sa loob.

"Patawarin mo sana ako kuya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadyang gawin yun at hindi ko rin ginusto, sadyang nadala lang ako ng takot kaya sana mapatawad mo ako."pag hingi ng tawad ni Cindy.

"Hindi ako galit sayo at naiintindihan kita kaya hindi mo kailangan humingi ng tawad."Sabi ni Casper.

"Salamat kuya."pag papasalamat ni Cindy. Kita ko na may namumuong luha sa mga mata niya na pinipigilan niyang tumulo.

"Nasan ang anak mo?"tanong ni Casper.

"Kasama siya ni Carlo. Pinaalis ko muna sila dahil sa bawal ang bata dito pero wag kang mag alala kuya dahil pupuntahan ko naman sila. Inantay ko lang talaga na magising ka."Sabi ni Cindy.

"Puntahan mo na siya dahil baka nag iiyak na. Hindi pa naman siya sanay sa ibang tao."Sabi ni Casper.

Tumango naman si Cindy saka niya ako tiningnan.

"Ikaw na muna ang bahala kay kuya."Sabi niya sakin.

Tumango naman ako.

"Matulog kana."Sabi ko kay Casper pag kaalis ni Cindy.

Alam ko na kagigising lang niya pero kailangan niyang mag pagaling kaya pinatutulog ko na muna siya.

"Ikaw ang matulog na muna dahil mukhang wala kang tulog buong mag damag."Sabi niya.

Masyado bang obvious na hindi ako nakatulog buong mag damag kakaantay na magising siya? Hindi ko pa kasi nakikita itsura ko sa salamin at hindi parin ako nakakapag bihis. Hala nakakahiya! Ano kayang itsura ko ngayon?

Agad akong umiwas ng tingin sakaniya dahil sa nakaramdam ako ng kahihiyan.

"Hindi naman ako inaantok dahil nakaidlip naman ako kanina ng kaunti. Ikaw yung mas kailangan matulog dahil kailangan mong bumawi ng lakas para gumaling kana."Sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya.

"Hindi ako matutulog kung hindi ka matutulog."Sabi niya

"Okay sige maliligo muna ako."Sabi ko at nag lakad na papunta sa bathroom para mag shower. Sobra na kasi akong nahihiya kaya hindi na ako umangal pa sa sinabi niya.

Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin pag kapasok ko sa loob ng bathroom. Gulo gulo yung buhok ko tapos puro dugo pa yung suot kong damit kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya. Sobra talagang nakakahiya na makita niya ako na ganito ang itsura.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now