CHAPTER 44

44 1 0
                                    

Carrie's POV

Umaga na ngayon pero hindi parin nagigising si Nethan. Si Dave naman ay maayos na dahil sa balikat lang naman siya nasaksak at hindi naman ganon kalalim.

"Pakawalan niyo nga ako!"Nang marinig ko ang boses ni Gerry ay agad ako ditong lumapit. Gising na pala siya. "Sinasabi ko sainyo kapag hindi niyo ako pinakawalan at nalaman ni mommy ito, mag wawala yun at pasasabugin niya lahat ng itinatim na bomba dito kaya mamamatay kayong lahat!"Sabi ni Gerrry na mukhang nabigla sa sinabi niya.

"Bomba? Salamat sa impormasyon."Nakangising sabi ni Casper kaya mas lalong nainis si Gerry.

"Hindi kayo mag tatagumpay sa binabalak niyo tandaan niyo yan! Sa oras na makawala ako dito ako mismo ang tatapos sainyong lahat!"Sabi ni Gerry.

"Noted, kung yun ay makakawala kapa."Sabi ni Casper saka niya ako niyaya na lumabas. Hinawakan panga niya yung kamay ko kaya mas lalo lang naasar si Gerry.

Nang makalabas kami ay agad kong hinila yung kamay ko dahil hindi pa ako handa na sabihin kila kuya kung anong meron samin. Hindi naman siya nag tanong kung bakit ko yun ginawa samantalang ay naupo nalamang siya sa may bench kung nasan sila kuya ganon rin naman ang ginawa ko.

"May bomba silang itinanim dito at kailangan nating malaman kung saan nila ito tinanim sa lalong madaling panahon habang hindi pa nila naiisipan na pasabugin ito."seryosong sabi ni Casper.

"Kailan natin sisimulang hanapin kung saan nila itinanim?"tanong ni kuya.

"Now, hindi tayo pwedeng mag sayang ng oras lalo na't hindi natin alam ang tumatakbo sa utak nila, baka kahit na nasa atin si Gerry ay magawa parin nila itong pasabugin dahil mga demonyo sila kaya hindi na ako magugulat kung magagawa nilang isakripisyo ang buhay ng anak nila."Sabi niya

Napatango tango naman kaming lahat.

"Maiwan na muna kayong mga girls para hindi sila makahalata pati na ikaw Dave, bantayan mo nalang si Gerry kami nalang munang tatlo ang mag hahanap sa mga bomba."Sabi pa niya.

"Sige kuya"pag sang ayon ni Dave.

Gusto ko sanang umangal pero mukhang sang ayon naman silang lahat kaya hindi nalang ako umangal.

"Mag iingat kayo."Sabi ko kila Kuya,Casper, at Julius.

Nginitian naman ako ni Casper saka niya ako hinalikan sa noo.

"We will. I'll be back."Sabi niya.

"Ano yan huh! Bakit mo hinahalikan ang kapatid ko? Hindi yata fair yun kaya dapat halikan ko rin ang bebe loves ko."Sabi ni kuya saka lumapit kay Cindy pero bago paman niya ito mahalikan ay hinila na siya ni Casper sa damit kaya natawa nalang ako ng mag maktol siya.

Nang tuluyan na silang makaalis ay siniko siko ako ni Cindy para asarin.

"Ano yun? Anong ibig sabihin non?"mapang asar na tanong niya.

"Wala"sagot ko saka umalis na dahil gusto kong takasan ang mapang asar niyang tingin and nahihiya rin kasi ako.

"You know what gusto na kitang patayin."Napatingin naman ako sa biglang nag salita at dun ko nakita si Casey. Sinundan niya pala ako. "Pero alam ko na kapag ginawa ko yun mas lalo lang niya akong hindi magugustuhan kaya pasalamat ka sa ngayon dahil gusto kapa niya pero kapag hindi na, hindi na ako mag dadalawang isip na patayin ka."dugtong pa niya.

"At sa tingin mo ba mawawala yung pag kagusto niya sakin?"mapang asar kung tanong na kinainis niya.

"Yes dahil gagawin ko ang lahat para ako naman yung magustuhan niya."Sabi niya saka ako nilampasan.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now