CHAPTER 3

91 2 0
                                    

Carrie's POV

Nandito ako ngayon sa library dahil nakapag decide na ako na alamin lahat ng tungkol sa paaralang ito. Naisip ko kasi na mas mabuting may alam ako.

Kanina pa ako nag hahanap dito pero wala akong makita na impormasyon tungkol sa paaralang ito at ang tanging nakita ko lang ay list ng mga studyante na nag aaral dito at yung list ng mga studyante na kasali sa rank. May mga rank pala dito yung mga studyante na marami ng napatay at ang rank one ay si Cindy kaya dapat mag ingat ako sakaniya dahil siya yung may pinaka marami ng napatay.

Pinag patuloy ko nalang ang pag hahanap ko at ng may makita akong list ng mga studyante na namatay or I should to say pinatay ay dali dali ko itong kinuha saka hinanap ang pangalan ni kuya at ng makita ko ang pangalan ni kuya ay don ko nakumpirma na tama nga ang nabalitaan ko. Patay nanga talaga si kuya at ngayon na alam ko na patay na talaga siya ay sisimulan ko ng hanapin ang taong pumatay sakaniya para pag bayarin ito sa ginawa niya.

"Sasali kaba sa fight for life?"rinig kong tanong ng isang studyante sa kasama nito kaya nabaling ang atensyon ko sakanila.

"Fight to save your life."rinig kong sabi ng isang familiar na boses kaya napatingin ako dito pero pag tingin ko wala na ito. Hinanap ko siya at ng makita ko na papalabas na siya ay agad ko siyang nilapitan. Naisip ko kasi na mag tanong sakaniya tungkol sa paaralang ito. Siya lang kasi yung nakausap ko na medyo matino. Triny ko na kasing mag tanong kanina sa ilang mga studyante ngunit sa halip na sagutin nila ako ay bigla nalang silang nanghahaya ng kutsilyo at ang iba naman sakanila ay bigla nalang umaalis na kala mo ay takot na makipag usap.

"Sandali lang!"pigil ko sa pag labas nong lalaki pero hindi ito nag pa pigil at lumabas parin kaya naman sinundan ko siya ang kaso pag labas ko hindi ko na siya nakita pa dahil sa dami ng studyante dito sa labas.

Hinanap ko siya at ng makita ko siya ay nag madali akong mag lakad para abutan siya at ng maabutan ko na siya ay nag punta ako sa harapan niya para patigilin siya. Ang bilis niya kasing mag lakad.

"Why are you following me?"tanong nito.

"May gusto lang akong itanong."Sabi ko.

Ngumisi naman siya. Ang hilig niya talagang ngumisi.

"Are you interested in me huh."

Akala niya ba tungkol sakaniya ang itatanong ko? May pag ka pelengero pala siya.

"Ofcourse not! Hindi ako sayo interesado noh kung hindi sa nalalaman mo." Sabi ko.

Bigla naman siyang naging seryoso.

"Mali ka ng nilapitan dahil wala kang malalaman sakin." Sabi niya

"Bakit naman? Hindi ba matagal kana dito?"

Nakita ko kasi ang picture niya sa list ng mga studyante na matagal na dito kaya alam ko na matagal nanga siya dito.

"Yes but I'm ordinary student kaya kung may gusto kang malaman sa mga official ka mag tanong."Sabi nito saka nag lakad na paalis.

Hindi ko nanaman siya sinundan pa dahil oras na ng klase kaya bumalik na ako sa classroom. Sakto naman na pag dating ko ay dumating na rin yung mag tuturo samin.

"Good day students."nakangiting bati ng mag tuturo samin.

Wala namang bumati pabalik kaya napatingin ako sa mga kaklase ko.

"Dahil nalalapit na ang fight for life, ang ituturo ko sainyo ngayon ay kung paano manalo sa laban."pag papatuloy nito saka tumingin sakin."Para nga pala sa mga hindi nakakaalam kung ano yung fight for life ay ito yung tawag nila sa ginaganap buwan buwan sa paaralang ito kung saan kailangan mong makipag laban para sa iyong kaligtasan. Lima lang kada section ang pwedeng sumali at ang mananalo ay mapapasali sa rank kaya kung sino man ang mananalo ay magiging ligtas na sa kamatayan dahil kakatakutan na siyang patayin ng mga studyante."

Ngayon alam ko na kung ano yung sinasabi nilang fight for life.

"Now let's start for our discussion. Alam ko na karamihan sainyo ay mahusay na sa pakikipag laban but hindi sapat na mahusay kalang, kailangan mo rin ng diskarte at talino sa pakikipag laban. Ito yung mga kailangan niyong gawin bago sumabak sa laban. Una, kilalain ang kalaban. Kailangan niyong alamin ang kahinaan ng kalaban ng sa ganon madali niyo itong matatalo. Ikalawa, mag sagawa ng plano. Kailangan niyong mag sagawa ng plano kung paano tatalunin ang kalaban and last mag ensayo. Ofcourse kahit na magaling na kayo ay kailangan niyo paring mag ensayo and that's all for today. Bukas mag handa kayo dahil mag lalaro tayo kaya ngayon palang mag hanap na kayo ng ka grupo."

Anong klaseng laro naman kaya yun?

"Samin ka."Sabi ni Cindy sakin kaya napatingin ako sakaniya.

"Ano bang klaseng laro ang lalaruin natin bukas?"tanong ko.

Humalakhak naman siya.

"Ano sa tingin mo?"

"Patayan"Yan agad ang pumasok sa isip ko.

Muli nanaman siyang humalakhak.

"Laro lang yun kaya wag ka masyadong mag alala pero huwag kang papakampanti dahil kahit laro lang yun ay pwede yung mauwi sa patayan but hindi kapa naman mamamatay. Hindi pa ngayon."Sabi niya saka muling humalakhak bago lumabas.

Lumabas nalang din ako.

"KAYONG LAHAT MAKINIG KAYO!"sigaw ng isang lalaki na kinatigil ko pati narin ng mga studyante na nandito."Kilala ko na siya at alam ko na malapit na siyang lumantad kaya mag iingat kayo.  Lahat ng may kasalanan pag babayarin niya. Hindi niyo siya kilala kaya mag iingat kayo."babala nito saka humalakhak.

"Nababaliw na ang lalaking ito!"Sabi ni Cindy saka ito nilapitan at sinaksak.

"H-hindi niyo k-kilala si D-Dark ka----"nahihirapang sabi nong lalaki pero hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil muli siyang sinaksak ni Cindy.

Who's Dark?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now