CHAPTER 52

38 1 0
                                    

Carrie's POV

Umaga na ngayon. Wala nanamang iba pang nangyari kagabi dahil pag katapos naming mag usap ni Casper ay inaya na niya akong pumasok sa loob para daw makapag pahinga na kami at makakuha ng lakas para sa gagawin namin ngayon.

Ito pala kami ngayon nag hahanda na.

"Sina Mr/Mrs.Fuentes lang ang kailangan natin kaya hindi na natin kailangan idamay pa ang mga tauhan nito. Papasukin natin sila ng tahimik."Sabi ni Casper.

"Kakaunti ang nag babantay dito."Sabi ni kuya habang tinuturo sa camera yung lugar na kakaunti lang ang bantay. "Dito tayo papasok."Sabi pa nito.

"Kami nalang muna ang papasok sa loob. Sa labas nalang muna kayo. Kayo yung back up namin incase na may hindi magandang mangyari sa loob."Sabi ni Casper.

"Hindi ako papayag. Gusto ko rin pumasok sa loob."Hindi pag sang ayon ni Cindy.

"Makakahalata sila kapag marami tayong papasok sa loob."Sabi ni Casper.

"Pero hindi naman pwede na kayo lang dalawa ang papasok sa loob."Sabi ni Cindy.

"Tama kaya sasama rin ako."Sabi ko.

Gusto ko rin kasing sumama dahil ayaw ko naman na mag antay nalang sa labas.

Nag katinginan naman sina Casper at kuya. Mukhang nag kakasundo na talaga sila.

"Sige, kami muna ang unang papasok dahil hindi pwede na mag sabay sabay tayo. Sumunod nalang kayo after 10 minutes, mag iingat lang kayo."Sabi ni Casper.

Napatango naman kami ni Cindy.

"Kami? Anong gagawin namin?"tanong ni Casey.

Tinuro naman ni kuya don sa camera kung saan sila pu-pwesto. Mag kakahiwalay sila para daw hindi makahalata ang mga tauhan nina Madame Selena. Pinicturan pala nina kuya yung lugar kahapon.

"Handa naba kayo?"tanong ni Cindy.

"Handa na kami."Sabi namin saka pinag patong patong yung mga kamay.

"Para sa lahat ng mga namatay. Lalaban tayo!"Sabi ni Cindy.

Binaba naman namin yung kamay namin saka tinaas.

"FIGHT!"Sigaw namin at pag katapos non ay sabay sabay na kaming nag lakad palabas.

"Dark Blythe Fuentes the son of Mr. Daryl Fuentes. The owner of this school."Napahinto kami sa pag lalakad ng marinig namin ang boses ni Madame Selena.

Dark Blythe Fuentes. Yun pala ang full name niya. Fuentes nga rin pala siya dahil sa mag kapatid ang daddy niya at si Mr.Fuentes.

"Alam ko na naririnig mo ako ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na hawak namin lahat ng mga studyante na nandito at nasa gymnasium silang lahat. In 30 minutes lahat sila mamamatay."Sabi ni Madame Selena saka humalakhak.

Kaya pala wala kaming napapansin na mga studyante sa nilalakaran namin dahil hawak pala nila lahat ng studyante.

"Damn! Change plan. Kailangan nating mailigtas lahat ng studyante."Sabi ni Casper.

"Sigurado kaba? Paano kung patibong lang nila ito?"nag aalalang tanong ni Casey.

"Patibong man o hindi kailangan natin silang mailigtas. Hindi natin sila pwedeng hayaan nalang."Sabi ni Cindy.

"Sang ayon ako. Kailangan tayo nila."Sabi ni kuya.

Sumang-ayon nanaman kaming lahat saka nag madaling nag tungo sa gymnasium.

"Masama ang kutob ko."Sabi ni Mica.

"Me too."-Casey.

"Ako rin dahil walang mga bantay sa labas kaya paniguradong may hinanda talaga silang patibong satin sa loob."Sabi ni Cindy.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now