CHAPTER 54

75 4 0
                                    

Carrie's POV

Nang umalis si Casper ay may dumating na mga kalaban at pinaputukan kami kaya napatago kami at hindi na namin siya nagawa pang masundan.

Nang mag sidatingan ang ibang mga studyante ay lumabas na kami sa pinag tataguan namin saka nakipag laban sa mga kalaban. Kakaunti lang sila kumpara saamin pero dahil baril ang gamit nila ay nahihirapan kaming makalapit. Nang paputokan ako nung isa ay agad akong nag tago at ng may makita akong kutsilyo ay agad ko itong dinampot saka hinagis sakaniya. Natuwa naman ako dahil natamaan ko siya.

Lumabas na ako sa pinag tataguan ko saka dinampot yung baril nung lalaki. Hindi ako marunong gumamit ng baril pero nakapanood naman ako ng mga action movie. Nang may mag paputok nanaman ay napadapa nalang ako saka gumulong at kinalabit yung baril. Napapikit panga ako ng kalabitin ko ito kaya hindi ko nakita kong natamaan ko ba yung kalaban.

"Luh sis! Muntikan na ako don huh!"Rinig kong reklamo ni kuya kaya napamulat nalang ako saka napabangon.

"Natamaan ko ba?"tanong ko saka tiningnan yung kalaban na naka handusay na.

"Hindi, buti nga at hindi mo ako natamaan."Sabi ni kuya kaya napatingin ako sakaniya.

"Hindi ikaw, yung kalaban."Sabi ko.

"Ah yung kalaban ba, kala ko kasi ako dahil ako naman yung muntikang matamaan. Akala ko nga ako talaga yung pinatatamaan mo."Sabi niya.

Parang ewan talaga si kuya.

"Magagawa ba naman kitang barilin."Sabi ko.

Tinapon ko nalang yung baril dahil hindi naman ako marunong gumamit nito. Nilibot ko nalang ang paningin ko para tingnan yung mga kalaban. Natalo nanaman naming lahat pero may paparating pa.

"Nasan si Cindy?"tanong ko ng hindi ko nakita si Cindy.

"Oo nga, nasan ang bebe loves ko?"patanong ding sagot ni kuya.

"Hanapin natin siya."Sabi ko saka tiningnan yung mga studyante.

"Sige na kami ng bahala dito. Hanapin niyo na yung kasamahan niyo."Sabi nung isang studyante kaya napatango ako saka nauna ng mag lakad.

Sa tingin ko sinundan ni Cindy si Casper kaya bigla itong nawala kaya naman gusto ko itong hanapin.

Nang may makasalubong kaming mga kalaban ay napahinto kami ni kuya. Lima lang naman sila at kutsilyo lang ang dalang armas. Nang sumugod na sila ay nag talikuran kami ni kuya. Nang hayaan ako nung isa ng kutsilyo ay agad ko itong iniwasan saka ako yumuko at lumusot papunta sa likod niya atsaka ko ito sinipa na kinatalsik nito. Natamaan panga si kuya sa likod ng sipain ko ito dahil tumalsik ito sa kung nasan siya. Napalingon naman siya ng maramdaman niya ito saka niya ito sinaksak atsaka siya tumingin sakin.

Nang may sumugod nanaman sakin ay agad kong hinawakan ang braso nito at ibabalibag sana pero hindi ko kinaya dahil mas malaki siya sakin at mas malakas dahil sa lalaki siya kaya ang ginawa ko nalang ay sinipa ko yung ano niya na kinadaing niya saka ko pinulot yung kutsilyo na nabitawan niya at sinaksak sakaniya.

"Umamin kanga sis may galit kaba sakin?"Tanong ni kuya pag katapos naming patumbahin yung mga kalaban.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni kuya.

"Wala naman ah. Bakit naman ako magagalit sayo."Sabi ko.

"Eh kasi kanina binaril mo ako tapos ngayon sinipa mo naman yung lalaki papunta sakin."Sabi ni kuya.

"Sorry naman, hindi ko naman sinasadya at isa pa hindi naman ikaw yung binaril ko kanina."Sabi ko.

Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya na muntikan ko na siyang matamaan ng bala o hindi dahil madalas naman niya akong pinag lolo-loko kaya minsan hindi na ako naniniwala sakaniya.

"Tara nanga."Sabi niya saka nauna ng mag lakad. Sumunod nalang ako sakaniya.

Hinanap namin si Cindy at dahil sa malawak itong school ay nahirapan kaming hanapin siya buti nalang at may napag tanungan kaming studyante na nakakita sakaniya kung saan siya nag tungo kaya agad kaming nag tungo sa tinuro nito.

Nang makita namin si Cindy na nag mamadaling umakyat sa rooftop ay agad rin kaming umakyat dito.

"Si kuya"Sabi ni Cindy ng makaakyat kami.

"Bakit anong nangyari sakaniya?"nag aalala kong tanong.

"Nakita ko na umakyat siya dito tapos nakarinig nalang ako ng pag sabog kaya nag madali din akong umakyat."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Hinanap namin ito pero tanging katawan lang ni madame Selena ang nakita namin dito kaya napatingin kami sa baba pero hindi namin ito nakita kaya naisipan naming bumaba nalang.

Umikot na kami sa buong building pero hindi namin ito nakita hanggang sa matanaw namin ito na pababa ng hagdan habang hawak hawak ang kaliwang balikat. Agad naman namin siyang nilapitan ng makababa na siya.

"Kuya, anong nangyari sayo?"puno ng pag aalalang tanong ni Cindy.

"Tumalon ako buti nalang at nakahawak ako sa may bintana ng isang classroom."Sagot niya.

"Dalhin na natin siya sa hospital." Puno ng pag aalala ko ring sabi.

Nakita ko kasi na nag durugo yung kaliwang balikat niya saka nakita ko rin na namumutla na siya at mukhang malapit na siyang bumigay kaya sobra talaga akong nag aalala sakaniya.

"Mabuti panga."Sabi ni Cindy saka siya inalalayan ganon rin naman ang ginawa ko.

"I'm fine, hindi niyo ako kailangan dalhin sa hospital."Sabi niya.

"Fine fine ka diyan e mukhang malapit kanangang bumigay."Sabi ni kuya.

"Kailangan ko lang ng kunting pahinga. Hindi pa tayo pwedeng umalis dito."Sabi niya.

"At bakit naman kuya?! Wala na sila tita/tito kaya wala ng pipigil saatin na lumabas dito."Sabi ni Cindy.

"Hindi pa tapos ang laban."Sabi niya.

Naalala ko naman yung sinabi niya na may iba pa kaming kalaban maliban kina Madame Selena at Mr.Fuentes.

"Sa tingin mo makakalaban ka paba sa lagay mo na yan?"Sabi ni Kuya.

"Anong tingin mo sakin, baldado kaya di na makakalaban. Nadaplisan lang ang kaliwa kong balikat kaya ,kaya ko pang makalaban."Sabi niya.

"Hindi! Dadalhin kana namin sa hospital."Sabi ko dahil sobra na talaga akong nag aalala.

"Okay la---"pinutol ko ang sasabihin niya.

"Please,"pakiusap ko. Feeling ko maiiyak na ako sa sobrang pag aalala ko.

Napatango tango naman siya kaya nag simula na kaming mag lakad. Napatigil nalang kami ng makasalubong namin si Nethan. May mga kasama siyang kalalakihan na wari ko'y hindi ito mga studyante dahil parang nasa 30's na ang mga ito.

"Nethan, buti at ligtas ka."Masayang sabi ni Cindy.

Nginisian naman siya nito.

"Mabuti at ligtas rin kayo."Nakangiting sabi nito.

Ewan ko pero bigla akong kinilabutan sa ngiti niya.

"Bakit may mga kasama kang kalalakihan?"tanong ko.

"Anong ibig sabihin nito Nethan?"tanong ni kuya.

Ngumisi nanaman siya saka nag suot ng gas mask ganon rin naman ang ginawa ng mga kasama niyang lalaki at pag katapos ay may hinagis sila sa harapan namin na nakapag bigay ng makakapal na usok na kinaubo namin.

Hindi ako makapag salita dahil sa nahihirapan akong huminga at ng matutumba na ako ay naramdaman ko nalang na may yumakap sakin kasabay ng pag tumba namin pareho. Nawala ang takot at kaba na nararamdaman ko ng yakapin niya ako. Pakiramdam ko ligtas na ako sa mga bisig niya kaya nawala yung takot at kaba na nararamdaman ko.

Narinig ko na may binulong siya pero hindi ko na naintindihan pa dahil sa unti unti na akong nawalan ng malay.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon