CHAPTER 45

42 2 0
                                    

Dark/Casper POV

Alam ko na masakit malaman ang katotohanan pero kailangan natin itong tanggapin. Maging ako hindi rin makapaniwala na magagawa niya yun but I know he have a reason. Kahit na hindi ko pa siya ganon kakilala, nakikita ko naman na mahal na mahal niya ang kapatid niya at kapatid ko kaya alam ko na hindi niya magagawang ipahamak ang mga ito ng walang dahilan. Noong una hindi ako naniniwala sa narinig ko kila Mr/Mrs. Fuentes na siya yung traydor dahil nga alam ko na hindi niya yun magagawa sa kapatid niya at sa mahal niya pero kung iisipin mo ng mabuti, ang alam lang nila Mr/Mrs. Fuentes ay buhay siya at ako si Dark samantalang ay hindi nila alam na buhay si Darla at si Cindy ito. Hindi niya sinabi na buhay ang kapatid ko dahil ayaw niya itong ipahamak sapagkat mahal niya ito. Oh diba kung hindi siya yung nag traydor baka alam narin nila Mr/Mrs. Fuentes na buhay ang kapatid ko. Simula palang noong una iniisip ko na may posibleng mag traydor samin, hindi ko lang akalain na siya pa yung mag tatraydor dahil alam ko naman na galit na galit rin siya kay Mr/Mrs. Fuentes but i know naman na may reason siya kaya hindi ako galit sakaniya.

Hindi ko sinabi sakanila na si Carlo yung nag sabi kila Mr/Mrs. Fuentes kung nasan kami dahil ayaw ko na masaktan sila and gusto ko rin kasi munang malaman ang rason nito kung bakit niya yun ginawa but ng tanungin ako ni Carrie hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin sakaniya dahil ayaw kung mag sinungaling at mag lihim sakaniya. Ang sakit lang isipin na hindi siya naniwala sa sinabi ko but hindi ko naman siya masisisi dahil mahirap nga namang paniwalaan at tanggapin na magagawa yun ng taong mahalaga sayo at pinag kakatiwalaan mo.

Nang iwan niya ako ay sinundan ko nalamang siya dahil alam ko na pupuntahan niya si Carlo para alamin kung tama ba yung sinasabi ko. Hindi ko alam kung aaminin ba ni Carlo yun pero sana dahil kapag hindi niya yun inamin, iisipin ni Carrie na nag sisinungaling lang ako at ng bibintang. Masakit man isipin pero alam ko na mas paniniwalaan niya ang sasabihin ng kuya niya dahil sa matagal na niya itong nakasama at kilala.

"Kuya!"Tawag ni Carrie sa kuya niya ng makita ito.

"Nakakagulat ka naman my little sis, bakit ba para kang kabu----"Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ng kuya niya at nag salita na ulit siya.

"Totoo ba?! Totoo ba na ikaw ang nag traydor?!"Walang paligoy ligoy niyang tanong habang umiiyak.

Masakit sakin na makita siyang umiiyak. Kung may magagawa lang ako para baguhin ang katotohanan ginawa ko na. Damn you Carlo! Hindi ko maiwasan na magalit kay Carlo, hindi dahil sa nag traydor siya kundi dahil sa pinaiiyak niya ang mahal ko.

"Sis"Hindi niya alam ang sasabihin niya at alam ko na ayaw din niyang makita na  umiiyak ang kapatid niya kaya niya ito niyakap.

"S-sabihin mong hindi totoo yun kuya. Please sabihin mo."pag mamakaawa niya.

"Patawad my little sis pero totoo yun."He said.

Inamin niya so hindi niya talaga intensyon na gawin yun kasi kung talagang intensyon niya na traydorin kami, hindi niya yun aaminin.

"Alin ang totoo?"tanong ng kapatid ko na ngayon ay kararating lang.

Alam ko na masasaktan din ang kapatid ko kapag nalaman niya na si Carlo yung nag traydor kaya nga hindi ko ito sinabi sakaniya nung tinanong niya ako.

Humiwalay nanaman si Carlo sa pag kakayakap niya kay Carrie.

"Ako ang nag traydor sainyo pero hindi ko ginusto yun."He said.

"What?! Sa dinami dami ng pwedeng mag traydor, bakit ikaw pa?"Naiiyak na sabi ng kapatid ko.

Damn pati kapatid ko pinaiyak narin niya. Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niyang pag papaiyak sa mga mahal ko pero ayaw ko na magalit sakin si Carrie.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now