CHAPTER 30

46 1 0
                                    

Carrie's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng dormitoryo habang sila kuya ay nasa labas parin. Mukhang may pinag uusapan sila. Ayaw ko nanamang lumabas pa dahil baka kung ano ano nanamang sabihin ni kuya. Nakakahiya lang.

Nang makita ko sa bintana na papasok na si kuya ay agad ko itong inabangan sa pintuan. Nang makapasok na siya ay agad kong hinila yong buhok niya. Tumalon panga ako para lang maabot yung buhok niya kasi mas mataas siya sakin.

"Aw aw!"maarting daing ni kuya. Para siyang aso.

Ganito talaga ako kay kuya kapag naiinis. Sinasabunutan ko siya minsan naman pinipingot yung tenga pero kapag sobra na yung inis ko ay sinisipa ko yung ano niya.

"Grabe ka naman sakin my little sis, balak mo pa yatang ubusin yung buhok ko."naka pout na sambit ni kuya ng bitawan ko yung buhok niya. Para siyang bata. Sa totoo lang mukha talaga siyang bata mas matured panga ako sakaniya kung umasta.

"Ikaw kasi puro ka nalang kalokohan! Kung ano ano yung sinasabi mo."Sabi ko

"Gusto mo naman."pang aasar pa niya.

"Ikaw!"Sabi ko at akmang sasabunutan na ulit sana siya ng hawakan niya yung kamay ko.

"Okay sorry na, hindi ko naman talaga hahayaang gawin niya yun sayo noh. Mamamatay muna siya bago pa niya mahawakan kahit na dulo ng daliri mo."Sabi ni kuya na may kasama pang lambing.

Kaya mabilis ko siyang mapatawad e dahil ganiyan siya.

"Talaga lang huh?! Kulang nanga lang ibigay mo na ako sakaniya."Sabi ko

Mukha ngang pinag tutulakan niya ako e.

"Yun ang hinding hindi ko gagawin kaya wag kanang magalit, tingnan mo kumukulubot na tuloy ang balat mo sa mukha baka mamaya pumangit ka na niyan edi hindi kana niya nagustuhan."Sabi ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi na"natatawang sabi ni kuya saka niya ako niyakap. "Alam mo hindi naman talaga kita ipamimigay dahil ikaw lang kaya yung nag iisang my little sis ko pero gusto ko sana na makahanap kana ng lalaking mamahalin mo at mamahalin karin para kapag nawala na ako ay may mag aalaga sayo."

"Wag mo ngang sabihin yan!"naiinis kong sabi. Iba kasi yung naging dating sakin nung sinabi niya, para bang nag papaalam na siya kaya naiinis ako.

Natawa naman siya ng mahina.

"Alam mo kahit hindi ko yan sabihin, darating at darating parin ang araw na mawa----"pinutol ko yung sasabihin niya dahil ayaw ko ng marinig pa.

Kapag naiisip ko palang yung mga sinasabi niya parang maiiyak na ako.

"Hindi pa naman ngayon ang araw na yun kaya pwede bang wag mo munang sabihin yan."Sabi ko saka ko naramdaman na tumulo na ang luha ko.

Bumitaw nanaman siya sa pag kakayakap saakin saka ngumiti.

"Okay"Sabi nalang niya.

Dumating nanaman sila Mica, Julius, Dave, Casey and Nethan and pumasok narin sina Cindy at Casper kaya naupo na kami sa sofa. Mag kakatabi kaming apat sa mahabang sofa. Ako, si kuya, Julius at Mica habang nasa tapat naman namin sila Cindy, Casper at Casey sa isa pang mahabang sofa at si Dave naman at Nethan ay nakaupo sa maliit na sofa na nasa mag kabilang tagiliran namin.

"Kumain na kayo, nag dala kami ng pag kain."Sabi ni Julius saka nilapag yung dala nilang pag kain sa mini table.

"Gamutin ko muna yang sugat mo."nakangiting sabi ni Casey kay Casper tsk.

Hindi nanaman tumanggi pa si Casper kaya sinimulan na ni Casey na linisin yung sugat niya habang nag hahain naman sila Mica.

"Kumain na kaming tatlo kaya kayo nalang ang kumain."Sabi ni Mica.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now