CHAPTER 24

48 1 0
                                    

Cindy's POV

Habang nag uusap kami ni Carrie ay nakita ko yong lalaking nakamaskara kaya sinundan ko ito pero hindi ko na siya naabutan pa dahil sa sobrang bilis niya kaya naisipan ko nalang pumunta sa garden at pag karating ko ay nakita ko si Carrie at kuya na nag uusap. Lalapitan ko na sana sila pero napahinto ako ng marinig ko yung sinabi ni kuya.

"Ako ang pumatay sa kapatid mo."

Tama ba yung narinig ko? Inamin ni kuya kay Carrie na siya ang pumatay sa kapatid nito? Damn him! Paano niya nagawang aminin kay Carrie 'yon e alam naman niya na kaya pumasok dito si Carrie ay para maipag higante nito ang kapatid niya kaya di ko talaga maintindihan kung bakit siya umamin.

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang pinag usapan,nakita ko nalang na umalis na si kuya kaya dali dali ko itong sinundan.

"What the hell is happening to you kuya?!"inis kong tanong ng maabutan ko siya.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Alam ko naman na may gusto siya kay Carrie kaya bakit niya aaminin na siya 'yong pumatay kay Carlo e alam ko na alam naman niya na possibleng magagalit ito sakaniya at baka nga patayin pa siya nito kapag nalaman nito kaya hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya inamin?

Huminto naman siya sa pag lalakad saka ako hinarap.

"Ginawa ko lang kung ano yung dapat."He said

"And do you think this is the right?"I asked

"Yes"sagot niya

"What?! Naririnig mo ba ang sarili mo kuya?! Alam mo na kaya siya pumasok dito ay para maipaghigante niya ang kuya--"pinutol niya 'yong sasabihin ko.

"Oo alam ko pero kailangan niyang malaman ang totoo. Hindi habang buhay maitatago natin ang katotohanan na ako ang pumatay sa kapatid niya."he said.

"Yeah I know but this is not the right time para umamin ka sakaniya. May malaki nanga tayong problema tapos dinagdagan mo pa. Paano nalang kapag pinatay ka niya?"Sambit ko

"At sa tingin mo ba kaya niya ako?"sambit niya

"Yes! Because I know you like her at yang pag ibig mo sakaniya ang makakatalo sayo. Ikaw na ang nag sabi sakin na ang pag ibig ay kahinaan kaya bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo? Bakit hindi mo nalang siya iniwasan?"Sambit ko

"Mag kaiba tayo,"he said

"Paanong mag kaiba?"I asked

"Kaya kong kontrolin ang nararamdaman ko hindi tulad mo na hindi mo nagawang kontrolin ang sarili mo noon,nag padala ka sa nararamdaman mo, hindi mo na naisip kung ano ang kahihinatnan nito kaya naging mahina ka at 'yon ang hinding hindi mangyayari sakin dahil kaya kong kontrolin ang sarili ko at alam ko kung hanggang sa----"naputol ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa may likuran ko kaya napatingin din ako dito at 'don ko nakita si Carrie.

Natataranta naman akong humarap kay kuya.

"Umalis kana, ako ng bahala sakaniya"sambit ko

Tumango naman siya saka umalis na. Akala ko hindi siya aalis, buti nalang at nakinig siya sakin.

Nang makita ko si Carrie na susundan siya ay agad ko itong hinarangan.

"Can we talk?"sambit ko

"Wag ngayon,"sambit niya at akmang iiwasan na sana ako pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag harang sa kamay ko.

"Why? May gagawin kaba? Ang pag kakaalam ko wala naman tayong klase ngayon."I said

"Okay fine mag usap tayo! Alam mo ba na yang pinsan mo ang pumatay kay kuya na naging kasintahan mo?"tanong niya.

Nakikita ko sa mata niya ang galit at sakit.

"I know"I said

"Alam mo?!"gulat na tanong niya.

Oo nga pala sinabi ko sakaniya na hindi ko alam kung sino ang pumatay sa kuya niya dahil ayaw kong ipahamak si kuya.

Tumango nalang ako dahil wala nanaman akong rason para mag sinungaling pa dahil nadulas na ako.

"Yes, I'm sorry kung sinabi kong hindi ko kilala kung sino ang pumatay sa kapatid mo. Hindi ko naman ginustong mag sinungaling, ayaw ko lang mapahamak si kuya."sambit ko

"Diba nag karoon kayo ng relasyon ni kuya pero bakit hinayaan mo lang siyang patayin? Hindi mo ba siya minahal? Ginamit mo lang ba siya?"sunod sunod na tanong niya.

Sa sinabi niya bumalik lang ulit sa alaala ko yung araw na pinatay siya kaya naramdaman ko nalang na tumulo na yung luha ko.

"Hindi ko ginusto yung nangyari pero pwede mo akong sisihin dahil kasalanan ko naman pero wag mo sanang isipin na ginamit ko lang siya at hindi minahal dahil hindi mo alam kung gaano ko siya minahal higit pa sa sarili ko."sambit ko

"Hindi ko alam kung paniwalaan pa kita,hindi ko alam kung totoo paba ang sinasabi mo, hindi ko alam kung totoo ba na minahal mo talaga siya kase kung oo bakit hinayaan mo lang siya na patayin ni C-Casper?!"

Umiiyak narin siya ngayon.

"Pinigilan ko siya pero hindi siya nag papigil. Nag laban sila ni kuya at natalo siya."sambit ko.

"At Wala ka manlang ginawa, hinayaan mo lang silang mag laban!"

"Anong magagawa ko, hindi ko sila kaya! Wala akong lakas 'non para pigilan sila."

Gusto ko sanang sabihin na dahil buntis ako ng mga panahong 'yon kaya hindi ko sila nagawang pigilan pero naisip ko na wag nalang dahil wala naman akong balak sabihin sakaniya na nag kaanak kami ng kuya niya at ayaw ko rin na ipakilala siya sa bata dahil lumaking may takot ang anak ko, takot siya sa mga tao kaya iilan lang kaming nag aalaga sakaniya. Ako, si kuya at yung taong tumulong samin ni kuya.

"Hindi ako naniniwalang hindi mo kaya dahil alam kong kaya mo di mo lang ginawa tapos may pag kakataon kapa para maipag higante siya pero hindi mo ginawa."sambit niya

"Dahil hindi ko kaya...Mahal ko siya pero mas mahal ko si kuya dahil siya nalang ang meron ako. Simula ng mamatay ang mga magulang namin siya na ang nag alaga sakin kaya hindi ko kaya, hindi ko kaya na pati siya mawala sakin."sambit ko

"Kuya? Mga magulang? Mag kapatid Kayo?!... Sabagay hindi na ako mag tataka kong mag kapatid nga kayo dahil puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niyo kaya hindi na ako maniniwala kahit kanino. Hindi mo kaya p'wes ako kaya ko kaya ako nalang ang gagawa."sambit niya at nag lakad na paalis.

"Please patawarin mo na siya! Ako nalang ang saktan mo."pakiusap ko sakaniya pero di niya ako pinansin at pinag patuloy nalang niya ang pag lalakad niya.

Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil bigla nalang akong nanghina. Alam ko na di dapat ako pang hinaan ngayon dahil may malaki kaming laban na haharapin pero di ko maiwasan kapag naalala ko ang nakaraan na matagal ko ng kinakalimutan pero bumabalik parin.

------

Dark's POV

Nandito ako ngayon sa rooftop pinapanood ang mga studyante na nag kakagulo. Hindi pa ngayon ang final exam pero nag kakagulo na sila ano pa kaya kapag nag simula na. Alam kona na mangyayari 'to at matagal ko na 'tong napaghandaan.

Ito na ang tamang panahon para lumantad.

It's time to reveal!

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now