CHAPTER 14

53 1 0
                                    

Carrie's POV

"Ihahatid na kita"sambit ni Casper.

"Hin---"Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng hilahin na niya ako.

"Kaya ko namang mag isa e saka baka mamaya maki-----"hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko ng mag salita siya.

"Makita tayo ni Cindy. Yun ba ang gusto mong sabihin?"

"Oo kase baka pag nakita niya tayo hindi nalang niya ako tutukan ng kutsilyo baka tuluyan na niya akong patayin."sambit ko

Minsan talaga walang preno ang bibig ko.

"Hindi niya yun gagawin."sambit niya.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

Iba kung magalit si Cindy at alam ko na marami na siyang napatay kaya di imposible na patayin din niya ako.

"Kilala ko siya, hindi siya pumapatay ng walang dahilan."sambit niya

"Hindi ba dahilan yung nag seselos siya?"

"So iniisip mo na kaya ka niya tinutukan ng kutsilyo ay dahil nag seselos siya?"

Wala naman akong ibang naiisip na dahilan kundi yun lang.

"Oo dahil yun lang ang nakikita kung dahilan kaya niya yun ginawa."sambit ko

Umiling iling naman siya.

"Nakakasiguro ako na hindi yun ang dahilan niya dahil hindi ko naman siya girlfriend para mag selos siya."sambit niya.

"Kung hindi mo talaga siya girlfriend e ano mo siya? "Tanong ko.

"She's my...Cousin."sambit niya

Cousin? So mag pinsan lang pala sila. Bakit hindi ko naisip na mag kamag anak lang sila. Ang bobo ko talaga pero bakit parang ang saya ko ng malaman ko na mag pinsan lang sila?

"Dito naba ang kwarto mo?"tanong niya.

Napatingin naman ako kung nasan na kami. Nandito nanga kami sa tapat ng kwarto ko. Di ko kase namalayan na nandito na kami dahil sa iniisip ko.

"Ah oo, salamat"sambit ko

Binitawan nanaman niya yung kamay ko.

"Hindi kapaba papasok?"tanong niya ng makita na hindi pa ako pumapasok.

"E ikaw hindi kapaba aalis?"

Tumalikod nanaman siya.

"Huwag mo na pala ulit kakausapin pa si Nethan lalo na si Gerry dahil delikado silang tao."sambit niya bago siya tuluyang umalis.

Alam ko naman na delikadong tao sinda Gerry at Nethan dahil kasali sila sa rank.

Pumasok nanaman ako sa loob saka naligo na dahil may pasok pa.

Habang naliligo ako ay naalala ko ang ginawa sakin ni Mad kaya napahawak ako sa pisnge ko. Hindi nanaman masakit pag gising ko yung pisnge ko siguro dahil ginamot o nawala lang talaga yung sakit.

Humanda lang talaga sakin ang babaeng yun dahil sa pag kakataon na ito sisiguraduhin ko na hindi na siya makakaligtas pa.

Nang matapos na akong maligo ay nag bihis na ako saka umalis na.

Habang nag lalakad ako ay may nakita akong nag kukumpulang mga studyante at dahil may pag ka marites din naman ako pag minsan ay lumapit ako dito. Pag lapit ko ay nakita ko si Mad na naka bitin at wala ng buhay. Ako sana ang papatay sa kaniya pero naunahan na ako ng kung sino.

"Nag balik na si Dark at siya ang may gawa nito. Nag uumpisa na siyang pag bayarin lahat ng may kasalanan."sambit ng isang babae na kung hindi ako nag kakamali ay siya si Casey ang rank 3.

Nakita ko naman ang ilang mga studyante na natakot sa sinabi niya at ang iba naman ay natuwa.

"Paano ka naman nakakasiguro na si Dark nga ang may gawa niyan?"tanong ng isang babae na kasali rin sa rank. Kung hindi ako nag kakamali siya naman si Mica ang rank 6.

May pinakita namang plywood si Casey kung saan may nakasulat.

'I'm dark, nag balik na ako para pag bayarin lahat ng may kasalanan kaya humanda na kayo. Nag uumpisa palang ako at yan nga palang babaeng yan ay regalo ko sa headmistress.'Yan ang nakasulat dun sa plywood.

Nag si tinginan naman ang mga studyante kay madame Selena.

"Ano pang inaantay niyo alisin niyo na ang babaeng yan dito!."galit na utos niya dun sa mga lalaki. "At kayong lahat mag si pasok na kayo!"sambit ni madame Selena saming mga studyante kaya naman nag si alisan na ang iba maliban sa kasali sa rank saka sakin. "Ano pang ginagawa niyo dito?"tanong ni madame Selena samin.

"Let's go babe"sambit ng isang lalaki kay Mica na kung hindi ako nag kakamali ay siya naman ay si Julius ang rank 7.

Umalis nanaman silang dalawa.

"Sandali Lang madame Selena."pigil ni Casey kay madame Selena ng akmang aalis na ito. "Hindi bat pamangkin ng asawa niyo si Dark?"

"Tama ka pamangkin nga siya ng asawa ko."sagot ni madame Selena.

Kung pamangkin ng asawa ni madame Selena si Dark tapos anak niya si Gerry di kaya si Dark yung anak ng dating amo ni daddy.

"Kung ganon kilala niyo po ba siya?"tanong ni Casey.

"Hindi ko siya kilala dahil bata palang ito nung huli kong makita."sagot ni madame Selena bago tuluyang umalis.

Tumingin naman si Casey kay Gerry.

"Kung tatanungin mo rin ako kung kilala ko siya puwes hindi ko rin siya kilala."sambit ni Gerry.

"Okay,"sambit ni Casey saka umalis na.

Kami nalang namang tatlo ang naiwan. Ako, si Gerry at yung isang lalaki na ang pag kakaalam ko ay siya si Jake ang rank 9.

Senenyasan naman ni Gerry si Jake na umalis na kaya umalis na ito.

Aalis na din sana ako pero pinigilan ako ni Gerry.

"Dito ka muna, mag usap muna tayo."sambit niya.

"Wala naman tayong dapat pag usapan."sambit ko at akmang aalis na ulit sana pero napatigil ako ng mag salita siya.

"Meron dahil ako ang makakatulong sayo para makilala ang pumatay sa kapatid mo."sambit niya

Humarap naman ako sakaniya.

"Kilala mo ang pumatay kay kuya?"tanong ko.

"Hindi ako sigurado kung siya nga pero siya yung huling kasama ng kuya mo bago  mamatay kaya kung hindi man siya paniguradong alam niya kung sino."sambit niya.

"Sino siya?"tanong ko.

Ngumiti naman siya saka lumapit sakin.

"Sasabihin ko lang sayo in one condition."sambit niya.

"Anong condition?"tanong ko.

"Mamaya ko sasabihin. Mag kita tayo sa room mo after class. Pupuntahan kita."sambit niya saka umalis na.

Wala akong idea kung ano ang condition niya pero kahit ano pa man yun handa akong gawin yun malaman ko lang kung sino ang  pumatay kay kuya.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now