C H A P T E R - O N E

143K 1.4K 32
                                    

--

C H A P T E R 1 -
AFTER FIVE YEARS

TRAVIS POV

Pagkatapos lahat ng nangyari ay wala na akong naging balita sa kanila. Alam ko naman na gago ako at pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sa kanya. Hindi ko din alam kung anong itsura ng anak ko, kung kamukha ko ba siya o mas kamukha siya ni Morgan.

"Honey, hinahanap kana ni Tremendoux. Aalis na daw kayo excited na ang anak mo." Sigaw ni Ann, ang asawa ko. Nagpakasal din agad ako kay Ann, dahil mahal na mahal ko siya. At siya lang ang gusto ko. Kung gaano kabilis umalis si Morgan ay ganon din kabilis ang pagpapakasal ko.

"I'm coming, Hon." Agad din akong bumaba para makasama sa hapagkainan ang mag-ina ko.

"Daddy, saan po tayo pupunta ngayon? Sabi ni Mommy sa amusement park daw po." Tanong ng anak ko sa akin.

Apat na taon pa lang siya pero marunong na itong magsalita at tuwid na ang pananalita niya.

"Yes, baby. Pupunta tayo don. Tapos ibibili niya tayo ng cotton candy. You want that, Am I right?" Pagtatanong ko sa anak ko at sunod sunod naman siyang tumango sa akin.

"Naaah, I won't and that's final. Trem, do you still remember what I told you? That sweet candies can destroy your teeths." Agad naman sumagot si Ann.

Nakita ko na agad sumimangot ang anak namin kaya pinilit ko siya. "Hon, this will be the last pagbigyan mo na si Trem." Pamimilit ko sa kanya.

"Please, Mommy!" Sabay na sagot namin ng anak ko at pareho kaming tumawa.

"Okay! Okay!" At last pumayag na din ito.

"Yehey! You're the best mom ever!" Nakita ko na masayang-masaya ang anak ko dahil sa asawa ko. Biglang sumagi sa isipan ko kung ganito din ba ang buhay nila Morgan. Naisip ko palang na may iba na siyang mahal ay naiinis na ako.

"Let's go." Agad din naman silang sumunod sa akin papasok sa kotse.

Naging maingay at mabilis ang biyahe namin papunta sa amusement park.

Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko silang nagtatawanan. Ayos na ako na makita ko na masaya ang mag-ina ko, nawawala lahat ng pagod ko makita ko silang masaya. Sa makalipas na limang taon marami na rin ang nangyari sa amin at masaya ako sa mga pagbabago na iyon.

"Manong bumili kana." Nagulat ako ng may kumalbit sa akin na bata. Mga kasing edad nito si Trem pero nagta-trabaho na siya. Nasaan ba ang magulang ng batang ito. Napaka-iresponsable nilang magulang para hayaan nila ang anak nila na gawin ito.

"Magkano ba yan?" Nagtitinda siya ng tinapay at parang homemade ito.

"Tatlo bente po. Malinis po ito gawa ng Nanay ko." Sagot naman niya.

"Sige. Bibilhin ko na lahat yan at umuwi kana sa inyo tapos makipaglaro ka sa mga kaibigan mo." Kinuha ko ang wallet ko at inabot sa kanya ang pera. "Ilang taon kana ba?" Binili ko na lahat akmang i-aabot niya sa akin ang sukli ko at sinenyasan ko siya na huwag na.

"Apat na taon po malapit na po kasi akong mag-lima." Sagot nito at nakaramdam naman ako ng awa para sa bata.

"Ang magulang mo?" Tanong ko sa kanya. Yumuko ako at tinignan siya ng mabuti, kinilabutan ako sa nakita ko. Kamukhang-kamukha niya ang anak ko! Tangina.

"Si Nanay lang po ang kasama ko. Wala po kasi akong Tatay. Sige po, aalis na po ako. Salamat po ulit." Agad siyang tumakbo palayo.

Kinagat ko ang tinapay at laking gulat ko ng malasahan ko ito. Isang tao lang ang alam ko na gumagawa ng ganito kasarap kung hindi siya.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now