C H A P T E R - S I X

82.8K 967 26
                                    

--

CHAPTER 6 -
The Doctor is in the house

MORGAN's POV

Kina-umagahan ay agad akong nagising. Dahil narinig ko na may kuma-katok sa pintuan ng bahay namin. Wala naman akong alam na pupunta ng ganito kaaga sa bahay saka isa pa wala naman kaming kamag-anak dito.

Pinabuksan ko na lang sa anak ko ang pintuan dahil baka importanteng tao naman yon, at baka si Terrence na din yon.

"Anak, buksan mo nga ang pintuan may bisita ata sa labas." Abala kasi ako sa pag-gawa ng tinapay na ibebenta namin ngayon.

"Sige po, Nay." Agad naman sumunod ang anak ko at narinig ko pa ang pagtakbo niya.

"Anak, sino ba yan?" Naghugas na ako ng kamay at pinunasan ang kamay ko sa malinis na damit. Pagkatapos ay agad din akong lumabas sa kusina.

"Nay! Si Dr. Daddy po!" Masiglang sabi ng anak ko, hindi nga ako nagkakamali siya na naman pala.

"Hi." Bati niya sa akin ng makita niya akong papalapit sa kanila.

"Hello. Maupo ka, pasensya na sa bahay namin kung magulo, may ginagawa kasi ako sa kusina kaya iniwan ko si Trevor na naglalaro dito sa salas." Nakakalat kasi ngayon ang mga laruan nito sa salas namin.

"Okay lang. Hayaan mo muna na maglaro ang bata." Paliwag niya saka ngumiti sa akin.

"May gusto ka bang kainin? Sandali lang ibibili kita ng softdrinks. Trevor, dito muna kayo ni Dr. Daddy, okay?" Tumango naman ang anak ko sa sinabi ko. Ta-tayo na sana ako nang marinig kong nagsalita si Terrence.

"Wag na. Okay na ako kahit tubig lang. Hindi rin naman ako magtatagal, yayayain ko sana kayo na lumabas tayo." Lumabas para saan naman tsaka wala akong pera dahil pinag i-ipunan ko ang pag-aaral ni Trevor.

"Labas? Para saan? Nako! Terrence, huwag na." Paliwanag ko sa kanya saka nakakahiya dahil wala naman akong pambili. Sakto lang talaga sa budget namin.

"Para sa susunod na pasukan naman ni Trevor kung bakit tayo aalis. Ibili na natin siya ng school uniform at school supplies." Alam ko naman na wala pang gamit si Trevor pero nakakahiya talaga kung sa kanya ko pa iaasa ang mga yon.

"Wag na. Ano ka ba, pagtuunan mo na lang ng pansin ang paghahanap mo kay Tyra." Mas gusto ko na ako ang gumastos para sa anak ko at ayokong may marinig ako na hindi maganda galing sa iba.

"Pinapahanap ko na siya. Tsaka regalo ko na rin kay Trevor ito kasi nga malapit na siyang mag limang taon." Oo nga pala, malapit na rin kasing mag lima ang anak ko. Ipaghahanda ko na lang siya ng pansit dahil kaming dalawa ang magkasama panigurado.

"Wag na." Ayoko talaga kasi hindi naman kami magkaano-ano at siya ang gumagastos sa mga pangangailangan ng anak ko.

"I won't buy your excuses. May dala din ako para sa inyo. Wait a minute, kukuhanin ko lang." Pipigilan ko sana siya pero agad siyang nakalabas.

"Nanay, aalis daw po tayo?" Untag ng anak ko nung lumabas si Terrence.

"Anak, oo yon kasi ang sabi ng Dr. Daddy mo." Sabi ko at nakita ko na masaya siya sa nalaman niya.

"Tada! Dali mag-ayos na kayo." Inabot niya sakin ang paper bag na dala niya.

Wala na din akong nagawa kaya nagbihis na lang kami ng anak ko. At yinaya na din kami ni Terrence na umalis.

"Let's go?" Pagkasabi nito ay umalis na kami.

ㅡ⚜ㅡ

Lucky Blue Smith as Terrence at Multimedia• This chapter is now edited and updated scenes! 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن