C H A P T E R - F O U R

83.6K 1K 16
                                    

--

CHAPTER 4-
She knows

MORGAN'S POV

"M-morgan. Wait! I know you're Morgan Marquez, so don't try to run." Kilala ko ang boses na iyon, walang rason para makalimutan ko ang boses niya. Nakayukom ko ang palad ko at matapang na humarap sa kanya.

"Bakit ba? Ano pa bang kailangan mo diba nakuha mo na lahat. Wala ka ng makukuha pa sa akin. Kaya please lang umalis kana.m, huwag niyo na kaming guluhin pa." Pinilit kong pinanatili na maging mahinahon parin ang boses ko kahit na gusto ko siyang sampalin.

"Morgan, I'm here because I want to clarify something." Pag papaliwang niya. I rolled my eyes.

"Ano pa bang gusto mong ikumpirma sa akin Ann? Hindi ka pa ba masaya sa buhay mo ngayon? Nagpakalayo-layo na kami hindi pa ba sapat sayo yon?" Oo, si Ann ang kausap ko ngayon. Si Ann na mahal na mahal ni Travis.

"So it's true." Tumango tango pa siya. "Ilang taon na ang bata?" Tanong niya, simula palang alam ko na may balak na siya. Imposible naman na basta-basta na lang siyang pumunta dito. Pinahanap pa talaga niya ako, desperada.

"Ano bang paki mo." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw pa din yung dating Morgan na kilala ko. Matapang, may balita nga pala ako sa'yo. Kasal na ako, hulaan mo kanino?" Binitin niya pa ang sasabihin niya. "Syempre kay Travis!" Nanlaki ang mata ko, alam ko naman na magkasama sila dahil nakita ko na sila amusement park pero hindi ko alam na kasal sila. Paanong nangyari iyon? Kasal kami ni Travis.

"Nag sisinungaling ka lang! Umalis kana!" Hindi ko na napingilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya wala akong pakialam kung may makarinig o makakita man samin.

"I'll go ahead, kahit hindi mo sabihin gaga! May good news ako para sa'yo, I'm pregnant again Morgan, kaya wag ka ng bumalik pa!" Umalis agad siya.

"H-hindi pwede." Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko napigilan na umiyak bakit hanggang ngayon ganun parin ang epekto mo sa akin Travis kahit napaka tagal na panahon na ang nakaraan.

Hindi ba pwedeng tulad ng ginawa mong pagpapalayas sakin ay pinalayas mo na din ang nararamdaman ko para sayo. Napakasakit parin ng lahat para sa akin, parang kahapon lang ang lahat.

"Nanay, bakit hindi po kayo sumunod agad? N-nay, bakit po kayo umiiyak?" Umiling lang ako sa anak ko at yinakap siya ng mahigpit.

Pagkatapos kong malaman lahat ay pumasok din kaming mag-ina at nagluto ng tanghalian namin. Nang matapos kaming kumain ay naligo agad kami at pumunta sa paaralan na pag e-enrollan ni Trevor. Naging maayos naman ang proseso ng page-enroll ni Trevor. At sinabihan ako na sa makalawa na ang pasukan nila. Kailangan mas doblehan ko ang pagta-trabaho.

-⚜-

Sa kabilang banda ay napupuyos sa galit si Ann.

"Hindi na kayo pwedeng magkita pa ngayon dahil alam ko na ang lahat. Kahit kailan hindi ko hahayaan na magkrus ang landas niyo. Marami na ang nai-sakripisyo ko para kay Travis at hindi ko hahayaan na mawala lang lahat ng pinaghirapan kung kinakailangan na may mawala sa atin ay gagawin ko para lang hindi na kayo magkita pa! Lalo't ngayon nasa akin ang alas mo Morgan at hinding-hindi ko hahayaan na malaman pa ninyo ang katotohanan magdusa ka."

"Hello." Hindi ako nagkamali na tawagan siya, dahil agad niyang sinagot ang tawag ko. Siya ang tinawagan ko dahil siya lang ang bukod tanging nakakaalam sa lahat ng nangyari five years ago.

-⚜-

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.
This chapter is now edited and updated scenes. 03/29/2019

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon