C H A P T E R - T H I R T E E N

67.3K 1K 36
                                    

CHAPTER 13 -
Is he a friend

Terrence POV

Agad akong umalis at iniwan ang mga kaibigan ko, dahil nag-aalala ako para kila Morgan. Mukha lang siyang malakas at matatag na babae pero alam ko na mahina siyang babae. Malaking gago lang talaga si Travis na kaya niyang iwan lahat para kay Ann na kanyang first love kuno.

I know everything about Morgan, yeah, everything. Because if you like someone you'll going to know everything about that person and that's my case. I like Morgan as a person that's it. I want to protect her kahit pa nakasalalay don ang pagkakaibigan namin ni Travis.

Ako naman talaga ang unang nakakita kay Morgan, bago pa siya mag-apply kay Travis ay nakilala ko na siya. Hindi ko alam kung naaalala niya ang una namin pagkikita baka nga hindi niya na matandaan.

She's attractive, nice and seductive at the same time. Kaya nung sinabi niya sa akin na may gusto siya kay Travis ay hinayaan ko siya, sinuportahan ko pa nga siya kahit na may kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko tuwing nakikita ko siyang masaya sa iba.

Noong mga panahon na nagkakilala silang dalawa ay wasak si Travis dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Ann. When Morgan came into his life everything was change. He became more responsible, nakita ko kung paano niya ayusin ang buhay niya. Akala ko mahal niya talaga si Morgan dahil sinabi niya sa amin na nabuntis niya 'to. Excited pa nga siya dahil magiging tatay na daw siya. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagpakasal na sila dahil gusto niya na Montefalco ang maging apelyido ng bata paglabas nito. Hanggang isang araw nagparamdam ulit si Ann sa kanya, isang tawag lang ni Ann ay nakalimutan niya na lahat. Hindi naman lihim sa amin na nagkikita silang dalawa at alam ko na hindi na naging maayos ang relasyon nila simula ng dumating ito sa buhay nila.

Isang araw nalaman na lang namin na umalis na pala si Morgan sa poder niya. Nang malaman namin ni Trin ang nangyari ay agad namin hinanap si Morgan. Si Trin ang kasama ko habang hinahanap namin siya. Takot ako na mawala siyang kagaya niya at kung naging bigo ako sa paghahanap noon sisiguraduhin ko na hindi na ngayon. Kaya pinangako ko na hahanapin ko si Morgan at ilalayo ito sa kanya. Halos isang buwan din ang ginugol namin ni Trin sa paghahanap kay Morgan. Kaya nung makita namin sila ay kinuha ko siya at inalagaan ko sila ng batang nasa sinapupunan niya hanggang sa makapanganak siya.

Paglabas ng bata ay kamukhang-kamukha ni Travis lalo na nayon na lumalaki na si Trevor. Kaya sinigurado namin na hindi niya agad mahahanap sina Morgan. Alam ko din na tumutulong sa kanya ang bata sa pagtitinda kahit na pinagbawalan nanamin siya na tumigil. Dahil ayaw daw niyang maging pabigat sa amin ni Trin.

Trin, is a good lawyer at siya din ang nagsabi sa akin na hindi registered ang kasal ni Travis noon kaya hindi na ako nagulat ng pakasalan niya si Ann. For the last five years, ang dami ng nangyari. Pauwi na ako ngayon sa bahay nila Morgan, minsan ay don ako kumakain at natutulog kapag pagod na ako galing sa trabaho. Sa kanila ko tinuon ang atensyon ko habang hinahanap ko ang babaeng importante sa buhay ko. Gusto kong makilala niya si Morgan at gusto ko na maging magkaibigan din sila kapag dumating ang panahon.

I know someday we'll be together again.

Bago ako makapunta dito ay tinawagan ako ni Tyron at sinabi niya sa akin na kinonpronta niya si Travis pero hindi ito umamin sa nararamdaman niya. Well, jerk will always be a jerk. Nasa tapat na ako ng bahay nila at humingang malalim bago lumabas ng kotse. Pagpasok ko ay sinalubong ako ni Trevor at agad niya akong niyakap. Binati ko din si Morgan na nag-aayos ng dinner namin, napansin ko na namamaga ang mga mata niya. Tahimik lang kaming kumain pagkatapos ay umalis na din ako.

Tangina mo Travis hindi kita hahayaan na makita mo agad sila. I'll make sure you'll gonna regret the day you dumped her.

This Chapter is now edited and more updated scenes. 03/29/2019

Author's Note:

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon