C H A P T E R - E L E V E N

70.9K 975 38
                                    

CHAPTER 11 -
Idiots

Mabilis na nagdaan ang mga araw simula ng magkrus ang landas nina Travis at Morgan. Nagsimula na din ang pasukan ni Trevor sa pam-publikong paaralan na pinapasukan niya, mas nag-sumikap din lalo sa paghahanap buhay si Morgan para may maipangtustos siya sa pag-aaral ng bata.

Paliit na ng paliit ang mundong gina-galawan nila na para bang pinag-lalaruan sila ng tadhana upang mas lalo silang magkita.

Ang buong akala ni Morgan ay tuluyan na siyang nakatakas sa kanyang nakaraan, subalit ang dating tinatakbuhan niya ay siya din palang magiging gabay niya upang magkaroon ng trabaho.

Mas lalong tumibay ang paniniwala ni Travis na makikita niya na din sina Morgan, ika nga niya sooner or later magkikita na sila. Ngayon gabi ay nagkayayaan silang magba-barkada na mag-inuman sa labas. Dahil sine-celebrate nila ang matagumpay na pakikipag-transaksiyon nila sa Tan Corp kanina.

TRAVIS POV

"Bro, over here!" Sigaw ng mga kaibigan ko ng makita na nila ako.

Unang bumungad sa akin ay si Troy Esguerra isa sa mga malalapit kong kaibigan simula nung College. "Bro, ang tagal na din simula nung huli tayong magkakasama."

Sumang-ayon naman si Trin Cojuanco, isa din siya sa mga business partners ko. "Indeed, lahat tayo ay busy sa kanya-kanya natin propesyon. Mabuti nga nandito si Terrence at hindi siya naging KJ." Laging si Terrence kasi ang wala sa amin. Nagulat din naman ako dahil mas na-una pa siya sa akin.

"Bro, sinabi mo pa. Wala na tayo sa priority list niya, mas busy na siya sa anak-anakan niya." Diniinan naman lalo ni Troy ang salitang anak-anakan. Si Troy Esguerra nga pala ay isang Mathematics Professor dito sa Metro.

Tumingin ako sa gawi ni Terrence, tumango lang siya akin ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam na mahilig na pala siya sa bata ngayon, pagkakatanda ko kasi ilag siya pero Doctor naman propesyon ng loko. Siguro ay natuto na din siyang makisalamuha sa mga bata kahit papaano.

Agad naman sumagot si Terrence sa sinabi nito. "Magsi-tahimik nga kayo mga gago. Ka-lalaki niyong tao napaka-tsismoso niyo, gusto niyo bang sungalngalan ko kayo ng anesticia sa bibig."

"Chill, napaghahalataan ka masyado kang defensive." Ngumisi naman si Tyron sa kanya. Siya din ang bago kong private investigator, mas pinag-kakatiwalaan ko siya sa pinapahanap ko. Napailing na lang ako sa kanila. "Kayo lang naman ang magugulo ang buhay mga gago." Wow! Coming from Tyron Fonacier.

"Ulol! Isa ka sa amin, we are five idiots fuck er." We said in unison at nag-halakhakan kami.

Hindi pa nga kami nag-kakainitan ang mga pwet namin sa upuan ay may bigla ng tumawag kay Terrence.

Sinenyasan niya kami na sasagutin niya lang ito. "Hello, Kiddo." Sagot niya sa kausap niya, siguro ito yung batang tinutukoy nila.

"Dr. Daddy! Ay wait paano ba to. Hihi." Niloudspeaker ni Terrence ang cellphone niya at sinenyasan kami na huwag mag-ingay. Humagikgik pa ang batang kausap niya.

"Ano yun? May nangyari ba, baby?" Sagot ni Terrence. Kalmado lang siya, hindi ko alam na may side pala na ganito ang gago.

"Eh, si Nanay po kasi. Umiiyak na naman po siya." Bakas sa boses ng bata ang pag-alinlangan na sabihin ang dahilan ng pagtawag niya at bakas sa boses niya na malungkot ito.

"I'll be there, Okay. Sandali lang ito."

"Okay po, bye po. Ingat ka po Dr. Daddy." Magalang na saad nito, agad din naman nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Terrence.

"Okay, bye." Pagkasabi niya ng huling salita ay pinutol na ng bata ang linya.

"I need to go fuckers." Paalam niya sa amin habang nakatingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya, ngumiti lang siya sakin. "Ang gago tinamaan na." Napa-iling na lang siya at tuluyan ng umalis.

"Ano bang pangalan ng babaeng pinag-kakaabalahan non?" Tanong ko sa kanila.

"Morgan! Smiel! Morgan Smiel!" Sagot nila sakin, sabay sabay naman nagkatingin sa isa't-isa.

"Morgan? Smiel? Morgan Smiel?" Usal ko, nagloading sa isipan ko ang pangalan na binanggit nila. May kakilala akong may pangalan na ganon.

Putangina!

This Chapter is now edited and updated scenes. 03/29/2019

Author's Note: this

Please read A Heartless Winter & Catch Me If You Can, Book 2 of I'm His Unwanted Wife. Montefalco Series Story.

P. S Kung mapapansin niyo puro T nagsisimula ang pangalan nilang magkakaibigan. T collector kasi si Travis. Hahahaha! Charot. Tandaan niyo lang yung mga apelyido nila lalabas yang mga yan sa mga susunod na stories ko. Kung may gusto din kayong itanong comment lang po kayo. Sasagutin ko lahat.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now