Chapter 32

56K 663 20
                                    

Chapter 32- Confrontation

Morgan's POV

Biglang bumukas ang pintuan ko at niluwa no'n si Travis na nakatayo habang nakasandal sa pintuan.

"Sa akin ba siya?" Tanong nito at na patuloy na lumalapit sa kinaroonan ko.

"Ano? Anong pinagsasabi mo na sa'yo?" Pinanatili ko na naka poker face ako para hindi niya mabasa ang emosyon na meron ako.

"Yung batang pumunta sa kwarto mo kagabi! Narinig ko ang buong pag-uusap niyo."Naka-kunot noo ito at matigas ang salitang binitiwan nito.

"ANAK KO SIYA. WALA KANG A-N-A-K SA AKIN." Pinagdi-inan ko ang bawat salitang binitiwan ko.

"Bull crap! Ako ang ama, diba." Pursigido ang tono nito.

"WALANG SA IYO TRAVIS! SIMULA NG PAALISIN MO KAMI SA BUHAY MO WALA KA NG ANAK SA AKIN! WALA! WALA!" Nakatayo na ako sa harapan nya. Lalapit sana ulit ito ng biglang bumukas ulit ang pintuan.

"Wife, I'm ho-me." Nagulat ito'y marahil nakita nya ang kanyang kaibigan. Mabilis din naman syang naka recover at muling nagsalit. Lumapit naman si Terrence sa kinatatayuan ko. "What the hell are you doing here?! Dapat nasa maynila ka."

"Nandito ako para kuhanin ang asawa at anak ko." Nagtagisan sila ng tingin at ngumisi lang si Terrence ng pagkalaki-laki.

"Anong sabi mo? Nababaliw ka na nga. Wife? Son? Sa pagkakaalam ko nasa maynila ang pamilya mo. Paano ka nagkaroon ng asawa dito? Morgan, is my wife accept the fact and deal with it." May bahid ng pagka-sarkastiko ang pananalita nito mabilis din nya akong hinawakan sa aking bewang.

"Ako ang ama ng anak niya. Paano naging iyo? Alam mong matagal ko na silang pinapahanap nasa poder mo lang pala sila. Anong klase kang kaibigan?!" Kinuwelyuhan siya bigla ni Travis kaya nabitawan niya ako.

"Simula ng iwan mo siya at palayasin habang sya'y nagdadalang tao wala ka ng karapatan sa kanila. Ikaw ba gago anong klase kang asawa? Mali. Hindi nga pala kayo kasal. Anong klase kang lalaki?" Naka ngisi parin si Terrence akmang susuntukin na sana niya si Terrence ng magsalita ako.

"Tandaan mo Travis teritoryo ito ni Terrence." Terrence's chuckled. "Iwan mo na lang kami Travis. Hindi mo ba nakikita? Baka naman sadyang tanga ka lang din? We're happy now. Isa kaming masaya at buong pamilya kaya sana wag mo na kaming guluhin pa." Nakita ko naman na binitawan niya na si Terrence at muli siyang humarap sa akin. Hindi man siya magsalita sa akin ay nasasaktan siya base sa emosyon na nakikita ko sa mga mata niya.

Ang sabi nila sa mata mo makikita ang totoong nararamdaman ng isang tao.

"Okay." Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na sya sa harapan ko at lumabas na rin ng kwarto.

"Hey. Are you okay?" Sinuri pa ako ni Terrence mula ulo hanggang paa. Tumango ako at yinakap niya ako.

"I'm okay." Yinakap ko din naman siya pabalik.

"Good. Bakit hindi mo sinabe sa akin na nandito pala siya?" Saglit niyang kinalas ang pagkakayakap niya sa akin at hirap ako nito.

"Ayokong istorbohin ka." Ngumiti ako sa kanya tanda na okay talaga ako at masaya ako na nandito siya na nakauwi siya ng ligtas.

"I'm sorry." Usal nito bigla at tumingin sa ibang direksyon.

"For?" Tanong ko. Hindi ko mahagilap ang emosyon niya sa mga mata niya dahil mailap ang mga ito.

"Tara na nga. May pasalubong ako sa inyo ni Trevor." hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabe nito.

"Okay." Lumabas na kami ng kwarto at tumungo sa kwarto ng anak ko.

Nakita ko naman na nakaupo ito habang nagbabasa kaya nilapitan ito ni Terrence. Nagulat ang anak ko at yinakap niya agad si Terrence

"Daddy Doc nandito ka na po! Na miss kita." Masiglang turan nito.

"May pasalubong ako sa iyo. Baba tayo." Binuhat nya ito at bumaba na kami sa may salas. Nakita ko naman ang mga bagahe nito.

"Wow! Ang laki! Thank you po." Binigyan kasi niya di Trevor ng isang RC CAR.

"Welcome son." Ginulo pa niya ang buhok ni Trevor.

Masaya silang naglaro. Para silang mag-ama dahil larawan sila ng masayang mag-ama habang naglalaro sila. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Terrence. Kukuhanin ko sana ito upang sagutin pero agad din niya itong kinuha.

"Who's that?" Hindi kasi niya sinasagot ang tawag kanina pa kasi 'yon tumutunog.

"Wala." Nagkibit balikat lang ito at naglaro sila ulit.

Mabilis natapos ang mag hapon namin. Kumain kami ng dinner pagkatapos ay natulog na kami. Alam kong pagod si Terrence sa byahe kaya hinayaan ko na ito. Bukas na lang kami mag-uusap.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt