Chapter 36

53.8K 598 15
                                    


A/N: Paki play po yung kanta ng Girls' Generation-TaeTiSeo na Dear Santa.
Christmas Theme

Chapter 36- Christmas

MORGAN's POV

Christmas eve na ngayon. Naghanda kami ng mu-munting salo-salo dito sa bahay nila Terrence. Nandirito din kasi sila Trin at ang fianceé niya, well masasabi ko na bagay sila pero mas bata pa ang babaeng ito kung iku-kumpara mo sa edad ni Trin. As long they are happy, I'm happy for them.

Si Tyron din nandito, hindi ko alam na nandito ang gago. May kasama itong babaeng, hindi ko alam ang pangalan niya hindi naman kasi kami close ni Tyron at ayoko din naman siyang tanungin. Tsaka isa pa dahil din sa aksidenteng nangyari noon sa Manila. Wala din naman kaming masyadong dull moments at jolly naman ang kasama niya kaya magaan naman siyang kausap.

Si Troy na kasama naman ang kasama niya ang ang bestfriend ni Tyra. Pinakilala niya sa akin kanina. Bestfriend ng babaeng minamahal ni Terrence. Kung minsan nga iniisip ko torture na para kay Terrence ang pagmamahal niya sa babaeng alam niyang hindi na babalik dahil matagal na itong wala. Speaking of Terrence wala pa ito. Ni isang call wala man kaming na re-recieve. Nag aalala na kami sa kanya dahil sa mga naka lipas na araw hindi ito madalas umuwi at laging wala ito sa bahay.

Alam ko na nagtataka sina Nay Donna at ang mga kawaksi niya sa bahay kaya napagpasyahan ko na aminin sa kanila ang totoo. Nanghinayang daw sila dahil akala nila ay lalagay na si Terrence sa tahimik at makalimutan niya na ang nangyari sa nakaraan niya. Pero masaya naman daw sila sa akin dahil buo na ulit ang pamilya ko.

Nandito din si Tremendoux magkamukhang-magkamukha sila ni Trevor kaya kung makikita mo sila iisipin mo na kambal talaga sila. Mula dito sa loob may narinig kami na ugong ng sasakyan alam kong si Terrence iyon. Siya lang naman kasi ang wala dito. Hindi nga ako nagkakamali si Terrence nga.

Pagpasok niya palang alam kong may hindi na tama tumingin ito sa amin lahat at pilit na ngumiti. Nakakapanibago na hindi ito bumati at tango lang binigay. Pagkatapos ay dumerecho ito sa taas. Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay sabay na napailing. Binasag ni Trin ang katahimikan.

"May nakaaway ba iyon? Para siyang nalugi ng isang libong beses." Umiiling na turan nito at napa tsk pa siya.

"Hayaan niyo na muna siyang magpahinga. Baka pagod lang ang tao." Sabi ng asawa ko, oh diba asawa na ang tawag ko kay Travis. Bongga! Wala naman silang pasok ngayon dahil christmas season na. 'Asawa agad' bulong ng left side brain ko. 'Asawa naman talaga yun nga lang peke ang kasal' Sagot ng right side brain ko. Ama ng mga anak ko si Travis. PERIOD.

"Umalis na siguro siya. Kaya siya nagkakaganyan. Tss." This time si Tyron na ang nagsalita. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Umilang lang ito.

Siya? Sino ba siya at bakit kailangan magkaganito si Terrence. Nagpaalam muna na ako na pupuntahan ko si Terrence dahil Christmas Eve na at ilang minuto na lang ay pasko na. Gusto kong magkakasama kamk. Kakatok na sana ako ng may marinig ako na umiiyak at galing iyon sa kwarto niya.

Sinilip ko siya at nakita ko na may hawak ito na picture hindi ko naman makita kung sino ang nasa picture na iyon. Ilang minuto pa ang tinagal ko sa pwesto ko atsaka ako pumasok sa loob. Pagpasok ko ay nakita ko si Terrence na natutulog na at yakap ang larawan ng isang batang lalaki at babae. Alam kong si Terrence ang batang lalaki ang babae siguro ay ang kapatid ni Tyron na si Tyra. Hindi ko na ginising pa si Terrence. Bumulong na lang ako sa kanya ng "Merry Christmas." Pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan. Narinig ko naman silang nagbibilang.

10
9
8
7
6
5
4
3
2
1

"MERRY CHRISTMAS!" Sabay-sabay namin sigaw. Hinapit din ako ni Travis sa bewang at binulungan.

"Merry Christmas, Wifey. Thank you, dahil sama sama tayo at pinatawad mo ako. I'm so happy. I love you." Yumakap ako sa kaniya.

"Thankyou. I love you too." Bulong ko. Pagharap ko ay mukhang gulat ito kaya tumango na lang ako sa kanya at yinakap niya ulit ako ng sobrang higpit.

Nag exchange gift pa kami at noché buena pagkatapos ay nag picture naman kami. Nagpost pa nga si Troy at nag caption ng "Merry Christmas everyone." Pagbukas ko ng facebook ko nakita ko naman na marami na itong likes at maraming comments. Karamihan ang pinuna ay si Terrence kung bakit wala daw ito at kulang ang 5T's. Napatawa ako sa mga nababasa ko. Kaya binitawan ko na lang ulit ang cellphone ko. Napaka saya ng Pasko namin ngayon. Best Christmas ever.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now