Chapter 34

55.5K 674 11
                                    

Play the song. 👆

Chapter 34

MORGAN's POV

"Morg-an." Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali na si Travis 'yon! Ghad! Bumalik siya! Namumula ang kaniyang mga mata habang lumapit siya papunta sa akin.

"Tra-vis." Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Please, don't cry. Nandito na ako, hindi ko na kayo iiwan pa. Sana mapatawad mo rin ako. Gagawin ko ang lahat para lang mapagkatiwalaan mo ulit ako at para magkaayos tayo. Kaya sana hayaan mo kong gawin ko 'yon." Lintanya niya at mabilis na tumabakso sa kinatatayuan ko at yinakap ako ng mahigpit na para bang hindi na siya aalis pa.

"Bumalik ka! Akala ko... Akala ko hindi ka na babalik... I'm sorry..." Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Ba--babalik naman ako eh." Huminto siya sa pagsasalita atsaka inangat ang mukha ko at muli siyang nagsalita. "Tulad ng sinabi ko noon, pumunta ako dito para sa inyo ng anak natin." Hinalikan pa niya ang noo ko habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Kailangan ka niya." Bulong ko sa kanya. Tinanong ko ang sarili ko kung ang anak ko nga lang ba ang may kailangan kay Travis o baka pati ako kailangan ko siya.

"At alam kong kailangan mo din ako." Napatingala ako bigla sa sinabe nito. "Okay, sige ang bata lang ang may kailangan sa akin. Ayusin mo na ang sarili mo baka magising pa ang anak natin." Pinunasan pa niya ang mga luha ko sa aking mukha.

"Okay." Sa mga oras na ito parang nawala lahat ng pag-aalinlangan ko sa katawan. Ang bukod tanging nasa isipan ko ay kaming mag-anak.

Pumasok ako sa banyo at tinignan ang sarili ko. Pulang-pula ang mga mata ko ang ilong ko naman ay pula din at nahihirapan ako huminga. Napakahapdi ng mga mata ko. Para bang gusto kong matulog dahil sa pakiramdam ko pagod ako. Mula sa labas narinig ko ang pagkatok ni Travis.

"Morgan? Are you okay?" Tanong niya sa akin.

"I am." Pabalik ko na sagot at pinunasan ang mukha ko.

"Five minutes ka nang nandyan." May bahid ng pag-aalala sa boses nito.

Ganun na ba ako katagal sa loob. Naghilamos ulit ako at muling sinabunan ang mukha ko at binanlawan ito. Tumingin ulit ako sa salamin. Ayos na ang itsura ko at tipid akong ngumiti. Bakit ba bigla akong na conscious sa itsura ko ngayon.

You want this hindi ba? Gusto mong mabuo kayo ito na yun girl! Tama! Ginusto ko ito kaya paninindigan ko.

Lumabas ako galing sa banyo at nakita ko si Travis na yakap ang anak ko mali anak namin sa kama ko. Napangiti ako sa nakita ko. Nilapitan ko silang pareho at kinumutan muna sila. Nakatulog na marahil si Travis sa paghihintay sa akin. Kaya napagpasyahan ko na lumabas at bumababa para makapag luto. Nakita ko si Nay Donna tinanong ko ito kung nasaan si Terrence.

"Nay, si Terrence po?" Humarap siya sa akin at tinigil ang kaniyang ginawa.

"Anak hindi siya nagpaalam sa akin." Sagot nito at muling tinuloy ang kaniyang ginagawa.

Dumerecho na ako sa kusina para mag-luto ng adobo. Paborito kasi nilang pareho ang adobo. Isa ito sa mga namana ni Trevor kay Travis. Hinanda ko ang mga kailangan na rekados at nagsimula ng magluto. Pagkatapos ng isang oras natapos na ako sa pagluluto at paga-aayos ng hapag kainan. Narinig ko naman tumunog ang cellphone ko sa bistida ko at kinuha ko ito. Si Terrence ang tumatawag.

Terrence's Calling

'Hello. Nasaan ka?'

'Hello Morgan. Hindi ako uuwi ngayon. Enjoy your time with your family.'

'Ah. Ganun ba. Mag ingat ka, ah. Okay? Salamat Terrence sa lahat ng naitulong mo sa akin. I'm sorry sa lahat ng gulong naidulot ko sa iyo.'

'Okay lang iyon. Hindi ka na iba sa akin Morgan. Masaya ako hihintayin ko siya.'

'Sige ba. Maraming salamat ulit. Ingat ka!'

'Sige. Bye'

'Bye.'

Pagkatapos kong magpaalam narinig kong naputol na ang linya at tinago ang cellphone ko sa bistida ko. Napangiti ako dahil okay na si Ann na lang iisipin ko. Pumunta ulit ako sa kwarto at ginising ang mag-ama ko. Napaka sarap pala sa pakiramdam na kahit sa sarili mo lang aminin ang katotohan. Mag ama ko sila at hindi iyo mababago ng kahit sino man.

"Hoy! Gumusing ka na, dahil kakain na tayo." Una kong ginising si Travis at sinunod ang anak ko nagulat naman ito dahil katabi niya ang kanyang ama.

Niyakap pa niya ang tatay niya pagkita niya dito. Abot tenga ang tuwa niya. Lumabas na din kami at kumain sa baba. Pagkatapos namin kumain napagpasyahan namin na matulog na sama-sama. May balak kasi silang mamasyal bukas ng umaga kaya natulog na din kami.

"Good night wife." Bulong ni Travis sa akin.

"Goodnight son." Hinalikan pa niya ang anak namin.

Nag goodnight din naman ako sa kanya at natulog kami ng tabi-tabi nasa gitna namin si Trevor.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now