Chapter 40

52.1K 609 46
                                    


Chapter 40

TRAVIS POV

Narinig kong sumigaw si Morgan kaya mabilis akong umahon. Inahon ko na rin ang mga bata at sinabihan na pumunta muna sila kina Yaya Maria at Yaya Dolor nila. Hindi pa ako nakakalapit sa kaniya ng makita ko siya na nanginginig kaya tumakbo lalo ako sa kaniya.

"Shhhhh. Stop crying wifey, I'm here." Niyakap ko siya agad at inaalo.

" Si Terrence... na ak... ak-sidente sya!.." Humagulgol pa lalo siya.

Hindi na ako nakapag salita pa sa sinabi niya. I'm afraid what if we'll lost him? Second life niya na lang ito. Naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo sa mga mata ko. Agad ko din naman pinahid, ayokong pati ako ay makita ng asawa ko na mahina.

"Saan hospital daw siya dinala?" Pinilit kong maging okay ang pananalita ko. Fuck!

"Nasa Private Hospital daw siya ngayon. Kasalukuyan daw siyang nasa O.R." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. "Let's go we need to see him. Ibibilin ko na lang kina Nay Donna na ingatan muna ang mga bata." Nilahad nito ang kamay niya para makatayo ako. Inabot ko naman iyon at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Hindi pwedeng mawala si Terrence sa aming lima siya ang pinaka i-ingatan namin. Akala ng ibang tao sya ang pinaka matatag pero nagkakamali sila. Noong na-car accident sila, halos mabaliw siya sa nangyari. Pilit niyang sinisisi ang sarili niya. Isa din ito sa mga rason kung bakit hindi sila magkasundo ni Tyron.

Kailangan kong magmadali. Sayang ang oras. Kaya mabilis akong nagbihis at pinuntahan ang mga anak ko.

"Kiddo's, Don't be stubborn, okay? Pupuntahan lang namin si Tito Terrence niyo. Si Nanay Donna muna ang mag-aalaga sa inyo . You should obey whatever she says, Okay? " Ginulo ko ang buhok ni Tremendoux. Akmang guguluhin ko ang buhok ni Trevor nagsalita naman ito.

"Don't touch my hair." Napatawa naman ako sa inasal niya. Nakikita ko ang sarili ko kay Trevor noong bata pa ako. "Pag nakita niyo po si Dad-- mali hindi ko na pala siya pwedeng tawagin ng ganun kasi nandyan na po kayo. Paki sabi po umuwi na si Tito Doc namimiss ko na po sya." Sumimangot naman ito. Alam ko kung gaano sila ka close ng anak ko kaya hinayaan ko na lang ito.

"Okay po. Aalis na kami ni Mama, Okay." Tumalikod na ako sa kanila. Ayokong sabihin sa kanila na naaksidente si Terrence. Masyado silang bata para sa ganito at ayoko din na ma stress sila.

Pinuntahan ko na si Morgan sa labas. Nakatayo na siya sa harap ng pintuan ng kotse ko. Pinagbuksan ko sya. Paalis na kami ng narinig ko anak namin.

"Pag uwi niyo po sana may baby sister na kami. Big boys na po kami. Bye. Mama at Papa." Sabay pa sila. Napangiti na lang ako at umiling.

Nang maka-layo na kami sa kanila. Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko. Pinaghahampas na nga ako ng asawa ko sa ginawa ko. Wala akong pake kung makulong ako pagkatapos nito.Dahil sa napaka dami kong nilabag na traffic rules.

After minutes nakarating na din kami. Pumunta kami agad sa Nurse Station at tinanong kung nasaan na si Terrence ngayon.

"Ms. Can I ask? Where's Terrence Montecer's room?" tanong ko.

"Sir. Kaano ano niyo po ang pasyente?" Nag papacute pa ito. Tngna ipapasibak ko 'to pag hindi niya agad sinabe.

"I'm his brother. Now, Can I fucking know now where the hell his fucking room?" Nagulat naman ang babaeng pinagtanungan ko. Namumutla pa siya. As if i care.

"Nasa o-ope-rating -ro-om pa po." Lumunok pa siya ng ilang beses habang nagsasalita.

"Tss. Sa susunod gawin mo muna trabaho mo bago kung anong pagpapa-cute. Kanina mo pa nilalandi ang asawa ko." Morgan ngayon ang sumagot. Namumula ito at nag-aalburoto na sa galit.

"I'm sorry po Sir and Ma'am." Humingi pa siya ng paumanhin habang nakayuko. Dapat lang.

Tumango na lang ako at inakbayan si Morgan. Pagdating namin sa O.R. Nakita ko na may limang nurse ang nasa labas na duguan ang damit. This scene is de javú for me.

Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ng asawa ko ng mga oras na ito. Umupo kami at umiiyak siya.

Tinawagan ko na sina Trin at buti papunta na din sila. Ilang oras na lang pupunta na din sila. Namasyal pa daw kasi sila kaya matatagalan sila.

Ilang minuto na kaming naghihintay hanggang ngayon wala parin lumabas na isang doctor or nurse sa loob.

"Everything will be okay. Terrence is a fighter." Pagpapalakas ko ng loob.

"What if... Hindi na..." Sumisinok pa siya habang sumasagot.

Umigting ang mga bagang ko sa sinabi niya. "Kakayanin niya. Aalis lang ako." Tumango ito at sinabe na bumalik ako kaagad. Iniwan ko muna siya.

Naglakad-lakad ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakakatuliro, hanggang sa dinala ako ng mga sarili kong paa sa maliit na kapilya sa loob ng hospital.

Pumasok ako at lumuhod. Nagdasal ako habang umiiyak. Wala akong paki kung may makakita sa akin sa ganitong lagay . Basta mailigtas lang Nya si Terrence. I trust Him.

" Lord, alam ko po na madami akong nagawang kasalanan na pinagsisihan ko na ngayon. Isa lang po ang hinihiling ko sa inyo sana iligtas Nyo po si Terrence sa kapahamakan. I know that, You already gave him a second chance five years ago. Ngayon humihingi po ulit ako ng isa pang pagkakataon na bigyan niyo po ulit siya. Siguro nga po selfish ako pero ayoko pong bitawan si Terrence at ibigay na sya sa Iyo. Please give us a sign."

I pray so hard and cried like a baby. Sinisipon na ako sa sobrang tagal ko na umiiyak sa loob ng kapilya.

May naramdaman ako na lumapit sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa nagsalita ito.

"Bakit mo pa ipagpipilitan kung hanggang do'n na lang talaga siya? Lahat ng nangyayari may dahilan. Hindi mangyayari ang isang bagay dahil ginusto Nya lang ito. Nangyayari ito dahil ito ang nakatadhana sa kanya. Tandaan mo pagsilang pa lang ng isang tao sa mundong ito nakaguhit na sa kapalaran niya ang mga nangyayari sa buhay niya. Magpaka tatag ka para sa kanya. Huwag mo sana sisihin ang Panginoon." Humarap ako sa kanya pero nakayuko ito at nakatakip ang mukha. "God is the best listener. You don't need to shout nor cry out loud because he hears even the very silent prayer of a sincere heart."

"Bakit ngayon pa? Kung kailan okay na kaming lahat." May kung anong nagtulak sa akin na sabihin ito.

"Okay. Let me tell you a story, listen very carefully. May isang babae akong nakilala na na-comatose sa loob ng tatlong taon. Akala niya pag gising niya ganun pa rin ang sitwasyon, pero hindi niya alam na hindi na. Na tatlong taon na pala ang nakakalipas, pag gising agad niyang hinanap ang mahal niya pero ang sabi ng doktor hindi daw ito nakaligtas sa pagkaka-aksidente nilang dalawa. Ang baby niya p-atay na din. Sa madaling salita naiwan ako na mag-isa. Hindi alam ng mga magulang ko na buhay pa ako. Takot ako na bumalik sa kanila. Ang lalaking mahal ko na inakala kong patay na buhay pa pala. Nagsinungaling lang pala ang doktor na tumulong sa akin." Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita siya. Ni hindi man lang siya tumingala para punasan ang mga luha niya. "Pero nilabanan ko ang kalungkutan at sakit na naramdaman ko. Kasi kung magiging mahina ako baka matagal na akong nabaliw sa mga nangyari. Second life ko na ito." Nakayuko parin siya at nakita ko na umiiyak pa rin siya.

I offered my handky, but she refuse it. Tumayo ito at hahabulin ko sana siya para itanong ang pangalan niya, ng tumunog bigla ang cellphone ko. Nag text ang asawa ko. Kinakabahan ako. I opened her message.

From: My Lovely Wifey

Balik ka na. :( Namimiss na kita. May sasabihin ako. :'(

Pagkabasa ko ng text niya tumakbo na ako papunta sa O.R. May mga natamaan ako na tao habang tumatakbo pero hindi ko na sila pinansin pa. Pagkarating ko nakayuko siya.

May kausap siya na doctor. At lumapit ako sa kanila. And the doctor said.

"I'm sorry"

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Where stories live. Discover now