Chapter 41

49K 599 31
                                    


A/N: Play Purpose of Justin Bieber. Sobrang ganda ng lyrics. God gave him purpose.

Chapter 41

"Ano?!" Mabilis kong nilapitan ang Doctor na nasa harapan ni Morgan at kinuwelyuhan. "Doctor ka diba?! Bakit hindi mo siya kayang iligtas?! Saka hindi ka Diyos para sabihin na hanggang dito na lang siya. Tarantado!"

"Oo, Doctor po ako. Pero hindi ibig sabihin nun kaya kong buhayin ang patay! Ginawa na namin ang lahat ng paraan para mailigtas ang pasyente pero mismong katawan niya na ang bumibigay." He stopped, dahil tinawag siya ng nurse na bagong labas sa O.R.

"Doc, yung pasyente po!" Sumenyas naman ang doctor na papasok na ito.

"Please save him. We still need him." Hinawakan ko ang kamay niya bago ulit siya makapasok sa O.R.

Nabuhayan naman ako ng lakas ng loob na maiiligtas nila si Terrence.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa oras pero wala parin.

Dalawang oras pa ang lumipas pero wala pa rin lumalabas. May mga pinasok pa silang mga equipments at blood bags sa loob. Nagmamadali lahat silang pumasok kaya hindi ko sila matanungan kung ano na ang kalagayan ni Terrence sa loob.

Handa akong makipag bargain basta mailigtas lang nila siya ngayon. I'll swear, i'll do everything. Ipapahanap ko din siya para maging masaya lang si Terrence. I'll do everything for my younger brother.

MORGAN POV

Wala akong ginawa kundi ang umiyak at lihim na nagdarasal na sana maka survive si Terrence. He's too kind for this and i know he suffered too much. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali na mang-yari ang pinaka kinatatakutan naming lahat. I sighed.

"Morgan!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko nakita ko sila Trin!

Finally nandito na din sila. Tumakbo sila sa gawi namin. Pinilit ko naman na maging kalmado ako bago ako ulit nagsalita.

"Kumain na ba kayo?" Umiling naman sila. "Mabuti pa umupo muna kayo galing pa kayo sa Bulkan Mayon diba? Maghinga mu na ka--- " Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Tyron.

"Morgan, is everything alright? Bakit ganiyan ang pagkilos mo? May masama ba na sinabe ang Doctor?!" Hindi ko na napigilan ma pahikbi sa pag sigaw niya. Naramdaman ko naman na yinakap ako agad ni Travis at siya na mismo ang nagsalita.

"You want the truth? Okay sasabihin ko." Napatingin sa akin si Travis at umiling lang ako. "Let me handle this wife. Kanina lumabas ang Doctor para sabihin nabumibigay na ang katawan ni Terrence." Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanila kaya tumingin na lang ako sa malayo.

"Wala pa lang kwenta ang Doctor dito. Ano bang nangyari bakit naging ganito ang sitwasyon? Di ba kayo ang magkakasama sa bahay. I-aalis natin siya dito. I'll talk to the manageme--" Biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Travis. At nagsalita ulit siya.

"Oo kami ang kasama niya Tyron. Hindi naman ibig sabihin nun na kailangan alam na din namin ang ginagawa nya twenty-four hours. We have our own life Ty! Ano ililipat mo siya katulad ng ginawa mo sa kapatid mo, ah?!" Naramdaman ko ang tensyon sa sinabi ni Travis.

"Shut up, Travis." Pabalang na sagot sa kaniya ni Tyron.

"Tama ako diba?! Simula't sapul gusto mo ikaw lang ang laging tama! Kaya nga umalis si Tyra, e! Dahil sayo! KAYA NAAKSIDENTE SILA DAHIL SA YO! IKAW ANG MAY KASALANAN. At hanggang ngayon sinisi mo si Terrence sa sarili mong kagagawan! Hindi naman magkakaganyan si Terrence kung sinabi mo lang ang totoo sa kanila!" Nabitawan ako ni Travis ng suntukin siya bigla ni Tyron. Inalalayan naman ako ni Acacia para makatayo.

"Wala kang alam." Nagsalita ito at sinuntok niya ulit si Travis. "Bakit ginusto ko ba ang nangyari?! Tarantado ka!" Akmang susuntukin na naman niya si Travis ng humarang na ako sa pagitan nila. Pinilit din nila Troy na ilayo sa gawi namin si Tyron. Tumigil naman siya sa pag suntok at sumama na lang kay Troy.

Namumula ang mga mata niya at yumukong umalis. Tumalikod ako sa kaniya at hinarapan si Travis ng magkrus ang mga mata namin. Muli itong tumingin sa malayo.

"Aalis muna ako. Susundan ko lang 'yon. Alam mo na baka siya ang magpakamatay." Paalam ni Troy. Magsasalita ulit sana ako ng magsalita bigla si Trin.

"Bro, I'll go with you." Nagpaalam si Trin sa akin at sa babaeng kasama niya pagkatapos ay hinalikan niya pa ito. Kailangan ko na bang kumuha ng pop corn?

Katahimikan ang nangibabaw sa amin mga natira. Walang gustong may magsalita.

Biglang bumakas ang Operating room at lumabas na ang Doctor na kaninang kausap namin.

"The patient is now okay. Well, I can say he's a fighter. Inilipat na namin siya sa ICU kanina at para na din mag-run pa ng ilan test at ma-monitor pa ang lagay niya. Kung maging stable ka agad ang condition niya ililipat na namin siya sa private room." Lintanya ng Doctor, tumango naman ako sa lahat ng sinabi niya.

"Pwede ba namin siyang bisitahan pagnalipat niyo na siya sa ICU?" Tanong ni Travis. Sumang-ayon naman ang Doctor sa sinabi niya.

Umalis na din ang Doctor at sinabihan na pumunta na kami sa Nurse station para maitanong kung saan ang room ni Terrence.

Habang naglalakad kami. May nakita ako na babae na naka wheel chair. May kamukha ito pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Paglingon ko muli sa kaniya wala na sila ng nurse na kasama niya.

Naglakad na lang ulit kami at ng makarating na kami sa nurse station. Si Travis na ang naki usap sa nurse at binigay ang room number. Bago ako makaalis may dalawang nurse akong narinig na nag-uusap. Mga tsismosa!

"Girl. Nakita mo ba si Ms. Lee kanina sa ICU kaso ako nakita ko siya kanina. Umiiyak pa siyaa harap ng isang pasyente. "

"Himala naman ata 'yon. Kung totoo nga ang nakita mo, ito ang kauna-unahan na lumabas 'yon sa kwarto niya. The jack to my rose ang peg nila?"

"Gaga. Hindi. Sobrang umiiyak nga ito. Parang kilala niya yung pasyente."

"Nako baka hindi siya yun no."

"Bahala ka nga dyan."

Hindi ko na natapos ang pakikinig ko sa usapan nila ng tawagin na ako ni Acacia.

"Ate, tara na. Hinihintay na tayo ni Terrence." Tumango ako at sumunod na sa kanila.

"Your friend is a fighter. Talagang lumaban siya para sa kanya. Soon. Magkikita din sila. I hope it's not too late for them." An unknown voice came up.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti lang ito sa akin. Weird.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala. Sige na baka magising na ang kaibigan mo. Tell him na gumising siya ka-agad para mabilis ang recovery niya. At may naghihintay pa sa kaniya." Nakangiti lang ito habang nagsasalita. Tumango na lang ako. Weird talaga. Hindi ko naman kilala 'yon. Baka nagkakamali lang sila.

Umalis na ako sa harapan niya kahit na naguguluhan ako sa sinabe niya.

Ang weird ng mga staff ng Hospital na ito.



Happppyyyyyy! 2.93 Million Reads! 💞

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon